SEA Chapter 3- Reunited

2.8K 34 4
                                    

“Good morning, Madeline! Rise and shine!!!”, pagkaaga aging pambubulahaw ni Charlie sa inaantok-antok pang si Maddie.

“Huy! Ano ka ba Carlotta! Ang aga aga, ingay ahh! Excited lang ‘teh?”, ito na kasi ang araw ng kanilang reunion with their friends. Kaya naman excited na excited itong si Charlotte at nambulahaw ng biglaan.

“Oo naman noh! Syempre… sa mga nakaraang reunion naming laging may kulang… wala kayo lagi ni Andrew… tapos minsan, pati yung iba, absent din… at tsaka….”, page explain naman ni Charlie na kunwari pa’y may halong tampo sa boses.

“tsaka ano?...”

“tsaka… kasama daw si Nathan mamaya eh…. Hahahahah…. Hay nako..buti na lang kumpleto ang hours of sleep ko… “, eh yun naman pala.. kaya excited na excited ang bruha.. makikita na naman niya ang pinagpapantasyahang best friend ng kabarkada nilang ex ni Maddie.

“si Nathan? Nathan Castillo?? Yung best friend ni……. Ni…….. “naalala namn ni Maddie ang binanggit ni Charlie.

“best friend ni…. Ni Andrew! Bakit di mo masabi?? Hmmmmmp??!?! Hahahah… enebeyen Madeline! ‘wag ka namang masyadong halata aba… hahahahah…”, wala na… buking na…. hindi talaga nakakaligtas si Maddie ditto kay Charlie eh..

“anong ‘wag masyadong halata?? Ay nako.. ewan ko sa’yo… bruhang toh.. magkape ka nga muna dun sa kusina.. mag aayos lang ako ng gamit…”, kunwaring pag mamaang-maangan ni Maddie, at pagtataboy sa bestfriend nya… dahil ang totoo, kagabi pa siya nakapag ayos ng gamit na dadalhin sa Laguna, dahil magsswimming din sila doon…bongga ng rest house ni Daniel eh.

“Ha?? Hindi ka pa ba nag pprepare ng gamit mo para mamaya?? Maddie naman…. Para namang hindi ka excited Makita si…… si……”, nang aasar na naman si Charlotte.

“sino?... hmp! “, ambang babatuhin ng unan ni Maddie si Charlie dahil alam na niya ang susunod na babanggitin nito..

“si Andrew!!! Hahahahah… bye Mads!”, sigaw ni Charlie, tsaka kumaripas ng takbo palabas ng kwarto ni Maddie at dali daling bumaba para iwasan ang pagbato ng unan sa kanya ng kaibigan.

“Charliiiiiieeee!!!!!!!!!!....”, binato ni Maddie ang unan sa direksyon ni Charlie, pero mabilis na nakatakbo ito palabas ng kwarto…

Hay naku! Yung bruhang yun! Kakainis! Hmp! Nanghahabang ngusong naibulong ni Madeline sa sarili.

Totoo naman.. alam niyang ikakasal na siya in less than six months, pero hindi niya maitago sa sariling gusto niyang Makita si Andrew.

Kagabi pa siya hindi mapakali… habang nag aayos at naghahanda ng gamit na dadalhin sa Laguna, hindi maiwasang may maalala si Madeline…

***FLASHBACK***

“Ok, guys… welcome to our rest house! My favorite place in the world! Hindi ko na kailangang pumunta sa kung saan-saan para makapg relax and unwind… ditto lang, okay na okay na ‘ko…”, sabi ni Daniel sa mga kaibigan nang makarating na sila sa rest house ng family ni Daniel sa Calamba, Laguna. First time ng barkadang makarating dito para icelebrate ang birthday ng kaibigan nilang si Andrew.

Sa okasyong ito, syempre, si Madeline ang punong abala… dahil ito rin ang araw na pinakahihintay niya at ni Andrew, kahit hindi pa nito alam ang balak ni Maddie.

Someone Else's Angel (KimXi Fan Fiction)Where stories live. Discover now