Sisa 1: Celebration of the Graduates

1.1K 13 0
                                    


Cheenie's POV
(Tuesday)

"Hay salamat naman Cheenie at graduate ka na!" sabi ni Mamang. Lola ko, nanay ni Auntie Dainty.

"Oo nga buti nga at sinipag at nagseryoso na sya sa pag-aaral niya" sabi ni Papa

"We! Papa kailangan talagang i-emphasize 'yung word na pag-aaral ha! Napaka-overreacting niyo naman!" sabi ko e totoo naman e napakaOA nilang lahat bakit posible ba na grumaduate ako?

"Congrats Cheenie!" sabi ni Ninang George(Georgina)

"Congrats Ate Cheenie!" sabi naman ni Allison. Anak ni ninong Paul/ninang Georgina

"Ay! Thank you Ninang. Thank You Allison! San si Ninong?"

"Pinapark pa yung kotse. Pero pasunod na rin yun." ninang George.

Nandito kasi kami sa bahay ni Auntie Dainty yung pinsan ni ninong Paul. Dito kasi yung celebration sabay kasi kaming grumaduate ni Sei (Poseidon) yung anak ni Auntie Dainty. Nandto lahat ng friends and family.

Para nga super proud silang lahat dahil grumaduate ako, kasi muntik nang di ako magmartsa. At ayoko ng isa-isahin kung bakit.

Nagulat ako biglang may nagtext.

From Mama:

Cheenie ikaw na maghugas ng mga hugasin dito sa kusina. Pumunta ka na at maghugas.

Wala na kong magagawa si Mama na nagsabi eh.

Kaya pumunta muna kong kusina para maghugas ng pinggan. Medyo madami na kasi yung pinggang hugasan e. Ang sabi ng magaling kong nanay ako na daw ang maghugas.

Nakakaiyak lang kasi dapat nagsasaya ako dun sa loob kasi celebration 'to ng graduation namin ni Sei tas ako eto naghuhugas.

"Congratulation sa aking magaling na ninaanak/pamangkin!" sabi ni ninong Paul. Gulat ako bigla bigla na lang sumusulpot.

"Ay!"

"Haha. Congrats Cheenie!"

"Thank you ninong. Bakit gabi na kayo nakarating?"

"May ginawa pa sa shop yung ninang mo alam mo naman busy."

"Ahh. Sige ninong tapusin ko lang 'to. Tas sunod nako sa labas."

"May pagkaKJ din yung nanay mo minsan no?"

Nakakatawa talaga 'to si ninong. Pero pagseryoso, define seryoso NINONG PAUL.

Pagkatapos naming magtawanan lumabas na si ninong.

At maya-maya... Yes! At natapos na rin 'tong mga hugasing to! Maiyak-iyak na ko.

Lumabas na ko at nakitang nagiinuman sina papa, ninong Paul at iba ko pang tito.

"Daddy wag masyado uminom ha at magdadrive ka pa." narinig kong bulong ni ninang Georgina.

At nakita ko tulog na pala si Allison. Siguro napagod kakalaro.

Nakita ko din sa labas si Nyx Ersa. Ayun nagmamaganda nanaman. Si Nyx Ersa kapatid ko. Mas maganda este mas matanda sakin ng isang taon. Nagsho-shot na rin siya kasama yung mga iba pa naming pinsan. Yun nga lang di umiinom si Sei. Kabadtrip talaga 'tong babaeng 'to. Graduation niya, graduation niya?

"Oh! Cheenie shot na!" sigaw nung pinsan kong baliw.

Lumapit na ko at nagshot ng isa. Deserve kong uminom. Tama ba naman bang paghugasin ka ng pinggan sa celebration ng graduation mo!

Bahala na sila. Sinunod sunod ko na yung shot.

"Haha! Hayaan niyo na yan si Cheenie may PROBLEMA e. Hehe" sabi ni ninang Georgina.

"Ininom mo lang yan Cheenie last mo na yan" sabi naman ni ninong Paul. Magasawa nga sila.

Nung matapos na yung celebration umuwi na yung mga bisita. Pati sina ninong at ninang umuwi na.

Sabi pa sakin ni ninang bago sila umiwi...

"Yaan mo na yung nanay mo. Alam mo naman tungkol sa mga fav. Basta lagi mong tatandaan proud kami ng ninong mo sayo!"

Tama naman si Ninang yung di niya pa tunay na anak yung mas mahal niya.

E! Tama na lasing na nga ko! Ang drama ko na!

Tapos umuwi na din sina mama at papa. Hay salamat! Di ko na makikita pagmumukha ni Nyx Ersa.

Sama ko bang kapatid? Pwes, mas masama siya.

Dito na ko nakatira simula ngayon. Nagpag-usapan na, na dito ako titira pagka college ko, mag entrance exam sa UPLB, kaso alam kong di ako papasa dun! Bahala na kung san ako magaral.

Sponsoran daw kasi ni Auntie Dainty yung college ko e. Kaya super thank you ako sa kanila, buti pa sila mas binibigyang pansin ako.

"Hoooyy Cheenie matulog ka na!" sabi ni Sei.

Sinunod ko na si Sei. Ninaantok na ko.

Thank you God! Graduate na si Cheenie oh!

_______________________________


One of A kind Sisa? (Taglish)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें