Christella's POV
***Knock knock
"Come in." Sigaw ko sa kumakatok. Alam kong si Ate Mae yan. Ano kayang kailangan nya? Hindi ko naman kasi sya ipinatawag.
Bumukas at sara ang pinto at hinintay ko lamang sya makalapit. Nakatitig ako sa libro na binabasa ko.
"Ma'am, dumating po sila Ma'am at Sir." Agad na ibinaba ko ang librong hawak ko at kunot noong tumingin sa kanya na nakatayo sa paanan ng kama ko. Halos kakauwi ko lang din at nagpapahinga na galing sa school at binabasa ko yung libro para sa assignment dahil wala naman akong maisip na ibang gawin. Nakaupo ako sa kama at nakasandal ang ulo sa headboard.
"What?" Takhang tanong ko. Ang bilis naman nilang bumalik. "I thought next saturday pa ang uwi nila." Sabi ko.
Bumaba agad ako upang puntahan sila mommy at daddy sa baba.
"Hi my princess." Bati ni Daddy sa akin habang pababa ako ng grand staircase.
"Dad." Bati ko pabalik kay Dad at ska ako ngumiti. Lumipat naman ang tingin ko kay mommy na katabi nya. Nakaupo sila sa mahabang sofa dito sa living room.
"Hi mommy!" Bati ko din kay mommy na nakangiti at ska ko lumapit sa kanila at ska humalik sa mga pisngi nila. Naupo naman ako sa isa ding sofa sa tapat nila at sa gitna namin ang isang maliit na glass na center table.
"Mom, bakit ang bilis nyo yatang bumalik?"
"Why? Are you not happy to see us?" Parang nagtatampong tanong ni mommy.
"No. It's not like that mom. Nagulat lang po ako. I thought next week pa po kasi kayo." Explain ko kay mommy.
"Your Tita Pia called your mom yesterday at sinabing nakauwi na daw dito sa Pilipinas si Benjamin from China. Nagkita na ba kayo?" Tanong ni Daddy.
"Yes Dad, dumating po sya kahapon at pinuntahan nya ko agad dito." Nakangiting sagot ko.
"You look happy sweet heart." Nanunuksong sabi ni mommy.
"Mommy naman." Kunwari ay naaasar na sabi ko. Alam kasi nilang may crush ako kay Benjamin simula pa pagkabata. Si Benjamin kasi ang nag iisang kaibigan ko bago ko pa makilala si Koleen. At ska malapit pareho ang pamilya namin sa isa't-isa.
"Sabi pa ni Tita Pia mo ay dito na mag-aaral si Benjamin at doon daw sya magpapa-assign sa section nyo para daw magkasama na kayo." At sumikay na naman ang nanunuksong ngiti ni mommy habang ganoon din si daddy. Akala ko ba ay si Christopher ang ipakakasal nila sa akin when I turn 18 pero bakit ganyan sila ngayon at parang tinutulak ako kay Benjamin.
"Pero mom, diba sabi nyo mae-engage ako kay Christopher." Naguguluhang sabi ko. Ang gulo naman kasi talaga e.
"Sorry about that princess. Your mom and I realized na hindi ka dapat namin pinapangunahan pag dating sa mga ganyang bagay and let you choose who you want to be with." Napangiti ako dahil sa sinabi ni Daddy.
"Nakausap na din namin ang parents ni Francis about that at hindi na itutuloy ang engagement nyo." Sabi namn ni Mommy at parang bigla akong nakaramdam ng panghihinayang. I should be happy kasi yon naman talaga ang gusto ko diba? Ang hindi matuloy ang engagement, then why I feel sad? I feel bad and I don't know why? Sht!
"You okay, princess?" Napatingin ako kay Daddy at marahang tumango.
"Then why do you look so disappointed?" Muling tanong ni Daddy na parang hindi naniniwala sa sagot ko.
"No Dad, actually I am so happy right now. Thank you Dad, Mom. I love you so much." Kunwari masayang sabi ko then I fake a smile at tumayo ska lumapit sa kanila dalawa at yumakap."
YOU ARE READING
Love and War Book 1(COMPLETED)
General FictionPretty? ✔️ Smart? ✔️ Rich? ✔️ Famous? ✔️ Bratinella? BIG ✔️ *************************************************** Handsome? ✔️ Smart? ✔️ Rich? ✔️ Famous? ✔️ Gangster? BIG ✔️ What if they paths cross? Is it by CHANCE? or it's their FATE that brought t...
