HM 1

35.1K 271 2
                                    

His Mistress

Purple_Raindrops

May 8, 2013

Chapter 1

" Hon, gusto mo i-masahe kita? " malambing kong sabi sa kanya pagkarating nya ng bahay. Naalala ko pa noon, kapag sinasabi ko yun sa kanya, ang palagi niyang sinasabi; " Okey, Hon. Nakakawala ng pagod ang masahe mo eh. " tuwang tuwa ako. Kahit simpleng gawain lang yun, alam kong malaking tulong na yun para sa kanya pero nung gabi na yun.. sa halip na yun ang sinagot niya, iba ang lumabas sa bibig niya. Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan yun mula sa kanya. Parang nasanay na kasi ako na ginagawa ko yun palagi kaya nagulat talaga ako nung sinabi niya yun.

" Pwede ba, Klea! Pagod ako. Tsk. " marahas niyang tinapik ang kamay ko na nasa likod na niya. Humiga siya at hindi na niya ako pinansin.

" Kaya nga kita i-mamasahe eh para mawala ang pagod mo. " sambit ko.

" Wag ka ngang mag-drama dyan. Matulog na tayo. " wala na akong nagawa kundi ang sundin siya. Pakiramdam ko, parang nanlalamig na siya sa akin. Ewan ko ba. Hindi ko alam, baka paranoid lang ako. Baka pagod lang talaga siya tapos binibigyan ko pa ng meaning yun sinabi niya. Hindi ko na lang inintindi at natulog na kami tulad ng sinabi niya.

Kinabukasan, 5am palang gising na ako para ipaghanda na siya ng pagkain at yung mga anak namin dahil may pasok. Eksakto ala-sais ng umaga, nakahain na ang lahat pero, " Hon, tamanag tama. Nakahanda na ang almusal mo. Kumain ka na rito. " nakita kong nakabihis na siya. Bagong ligo at nakagayak na. Inaayos pa nito ang necktie niya. Lalapitan ko sana siya.

" Sa opisina na ako kakain. " pero agad siyang lumabas ng bahay.

" Pero, Oliver.. " napabuntonghininga na lang ako. " Pinaghirapan ko 'to pero hindi man lang niya ginalaw. Kahit yung kapeng palagi niyang pinapatimpla sa akin, hindi man lang niya ininom. "

Ang ganung set up ay tumindi pa ng tumindi makalipas ng ilang linggo. Uuwi ng late, gigising ng umaga. Parang hindi na niya kami nakikita. Hindi ko alam kung ano ang iisipin. Gusto kong magduda pero alam ko, mahal niya ako at ang mga anak niya. Hindi siya gagawa ng kalokohan na ikakasira ng pamilya namin. Sadya lang sigurong pagod at busy siya. Dapat ako ang makaintindi nun dahil asawa niya ako.

Dahil gusto ko siya surpresahin, hindi ko sinabi sa kanya na pupunta ako sa opisina nila. Pinagluto ko siya ng lunch. Nag-ayos ako ng sarili para sa akin.

" Klea, what are doing here? " bakas sa mukha niya ang gulat at pagkadismaya nang ako ay makita niya. Nasa may pinto ako ng office nya at may kasama sya dun, isang babae. Nung hindi pa niya ako napapansin, masaya silang nag-uusap nito. Parang kumirot ang puso ko. Ang bilis niya kasi mag-iba ng mood pero di ko na lang pinansin. Nagpunta ako dun para surpresahin siya, hindi para magtanim ng duda sa kanya.

" Sinusupresa ka. Ipinagluto kita ng lunch, Hon. Matagal ko na rin kasi 'tong hindi ginagawa. Tara, kain tayo. " nagitla na lang ako nung hinawakan niya ako sa braso at hinila palabas ng opisina niya.

" Umuwi ka na. Kumain na kami. " ipinagtulakan niya ako na halos matumba na ako. Naguguluhan ako. Hindi naman siya ganyan dati ah? Unti unti syang nagbabago sa di ko malamang dahilan.

" Pero, Oliver.. "

" Umalis ka na sabi eh. Nakakahiya dito sa opisina. Mamaya pagkamalan pa nilang yaya kita. At saka, tingnan mo nga ang sarili mo, para kang payaso. " i freezed for a moment. Parang nawindang ako.

Sa araw araw na lumilipas, nag-iiba na siya. Natatakot ako na baka isang araw, hindi ko na kilala ang asawa ko. Madami ang nagsabi sa akin na baka may ibang babae na daw si Oliver kaya ganun na lang ang trato nito sa akin. Ayaw kong maniwala. Alam ko, mahal niya ako. Hindi nito magagawa ang binibintang nila sa asawa ko. Mabait at may takot sa Diyos si Oliver.

Itutuloy..

His Mistress (COMPLETED)Where stories live. Discover now