Darren meets Selina, Selina meets Joshua and Leonard

46 1 0
                                    

Kinabukasan nauna na pumasok si Darren sa dalawa. Tulog pa ang dalawa noong nakabihis na si Darren napa smirk siya at sinabi

"Ha-ha-ha-ha! Mauuna na ako pumasok kaysa sa inyo mga kumag kayo!" sabi ni Darren sa sarili niya at bigla niya kinuha niya ang crutches niya ng dahan-dahan

Binuksan niya yung pinto ng walang ingay at saka naman itong sinarado ng walang ingay din. Natuwa siya dahil nagawa niya ng tama pero may kumalabit sa kanya at bigla siya napasigaw sa corridor na nagising ang dalawa sa ingay napalaki ang bunganga ni Darren sa kumalabit sa kanya at sinabi

"bakit mo ko ginulat?!" sagot ni Darren sa nangulat sa kanya at napataas ang dalawa niyang kilay

Napahalak hak naman ng husto ang nangulat kay Darren at bigla niya hinawak ng matindi ang balikat ni Darren na ikinagalit niya bigla sumigaw si Darren at sinabi

"SINO KA BA?! CLOSE BA TAYO?" sagot ni Darren sa kanya na nakakunot na ang noo sa nangulat sa kanya at ang mga mata niya nanliliksi sa kanya

Hindi na tumigil sa kakatawa ang nangulat sa kanya hanggang lumabas na ang dalawa para makita kung sino yung sumigaw. Napatingin sila Joshua at Leonard ng masama kay Darren at sinabi

"Hoy Darren! Pwede ba hinain mo yang bunganga mo?! Nakakabulabog ka kasi eh!" sagot ni Joshua sa kanya at bigla napatingin sa isang babae tumatawa ng malakas 

Nabighani siya sa itsura ng babae na napalaki ang mga mata niya at bumuka ang bibig niya na itsura "O" ang hugis

Napatingin naman ang babae sa kanya at napatigil sa kakatawa. Nag bow siya sa dalawa at sinabi

"Mianhaeyo kung naistorbo ko ang tulog niyo. Si Darren lang naman ang intensiyon ko dito." sabi ng isang magandang babae na nagbow sa kanilang dalawa

"BWO?! Ako? ano kailangan mo ba sa akin?!" tanong ni Darren sa kanya na nagulat sa sinabi ng babae sa dalawa

"Nakalimutan ko pala i-introduce ang sarili ko. Ako po pala si Kim Selina, younger sister ni Gretchen. Nice to meet you all" Nakangiting sabi ni Selina sa kanila at nag bow sa kanilang tatlo

Nagulat ang dalawa sa narinig nila at napabuka na naman ang bibig nila na hugis "O" . Bigla nagsalita si Leonard at sinabi

"BWO?! May kapatid si Gretchen?! Hindi ko alam yun since Middle school ah." sagot ni Joshua sa kanya

"Magkaiba kami ni Unnie ng school noong nasa middle school kami kasi ayaw niya na mabully daw ako sa school niya." Sagot ni Selina kay Joshua at nakangiti sa kanilang dalawa

"Ahh.. hindi ko alam na over protective siya sayo... maganda ka naman kasi..." sabi ni Leonard sa kanya at nakangiti sa kanya

Siniko siya ni sa likod at kinurot sa braso napa sigaw sa sakit si Leonard at sinabi

"Araaaaaaaw~~!!

Tinakpan bigla ni Joshua ang bibig ni Leonard gamit ang kamay niya at hinatak papasok sa kwarto si Leonard at bigla lumabas ulit si Joshua sa labas para makipag usap sa kanilang dalawa. sa kabilang dako naman nag-uusap sila Selina at Darren

"Bakit ano kailangan mo ba sa akin at bakit ka pumunta dito?" tanong ni Darren kay Selina na naka taas ang isang kilay

"Pwede ba pumasok muna tayo sa room niyo? at sasabihin ko kung ano yun."  sagot ni Selina kay Darren na nakangiti sa kanya 

Napatulala si Darren kay Selina dahil hawig na hawig ni Selina si Gretchen ngumiti pero mas maganda si Gretchen kaysa kay Selina at ibang-iba ang personalidad nilang dalawa. Mas matino pa ang ugali ni Selina kaysa kay Gretchen.

You change my lifeWhere stories live. Discover now