Love or Sympathy?

32 1 0
                                    

Bigla tinayo ni Gretchen si Darren at saka niya ito hinatak palabas ng room. Bumalik si Gretchen para kunin ang kanyang gamit at ang gamit ni Darren. Bigla nagsalita si Darren na walang kamalay-malay at sinabi

YA! Saan mo ako dadalhin?! Hindi mo ba alam na masama ang mag cutting classes?!?” sabi ni Darren kay Gretchen na naka kunot ang noo sa kanya

AISH! WAG KA GUMANYAN HINDI BAGAY SAYO!!  BASTA SUMAMA KA SA AKIN AT MALALAMAN MO KUNG SAAN TAYO PUPUNTA.” Sagot ni Gretchen na walang pakialam kung tinitingnan sila ng lahat  o hindi

Hinawak ng maiigi ni Gretchen ang wrist ni Darren at saka niya ito pinunta sa isang Secret place niya kung saan siya palagi mag-isa

Bakit tayo nandito?” tanong ni Darren na walang kamalay-malay kung bakit siya dinala sa lugar na hindi niya alam

Makinig ka sa sasabihin ko sayo………………………. Ikaw lang ang kauna-unahang tao na pinunta ko dito sa lugar na ito. Kahit kapatid ko hindi niya alam na palagi ako tumatambay dito. Kapag nandito ako palagi tahimik ang buhay ko at walang nangingialam sa mga decision ko. “ sabi ni Gretchen kay Darren na bigla nag-iba ang kanyang Aura

Ha? Wala talaga ako alam sa mga pinagsasabi mo Gretchen. Hindi pa tayo close pero dinala mo ako dito sa lugar na ito. Ano ba meron at bakit mo ako dinala dito?” Tanong ni Darren na bigla nagulat sa naging aura ni Gretchen at bigla siya naging seryoso

Kasi……. Ganyan din ako dati, katulad mo. Binubully ako palagi.Walang araw na hindi ako pinagtritripan ng mga kaklase ko hanggang sa isang araw may tumulong sa akin na mag-aral ako ng taekwando Senior ko siya noong nasa middle school ako pero may masamang nangyari naaksidente siya at namatay. Dahil tinulungan niya ako sa mga nangbubully sa akin. Nag rumble sila sa labas ng school ko at may tumulak sa kanya na may parating na 6-wheeler truck kaya naaksidente siya at namatay. Sinisisi ako ng mga magulang ng Senior na nagturo sa akin ng Taekwando kung hindi daw niya ako nakilala, hindi daw siya magkakaganyan.” Sabi ni Gretchen kay Darren na halos umiiyak na siya sa tuwing naalala niya yung nangyari na yun

Napatulo ang luha ni Darren sa kwento ni Gretchen sa kanya at bigla niya kinuha yung panyo niya para ipunas ni Gretchen ang luha niya. nagsalita naman si Darren at sinabi

Kaya ganyan ang ugali mo sa lahat dahil halos lahat ng mga nakikita mo sa campus feeling mo ibubully ka? Kaya halos lahat ng tingin sayo ganon dahil doon ganon ba?” Tanong ni Darren kay Gretchen na naawa sa kanya dahil sa kwento sa kanya

WAG KA MAAWA SA AKIN, MAAWA KA SA SARILI MO.” Sagot ni Gretchen na iniba ang topic

Ayan nanaman ang ugali mo. Hindi kita maitindihan rin eh mamaya mabait ka, mamaya malungkot ka, mamaya nagagalit ka.Bipolar ka ba Gretchen?” sagot ni Darren na hindi alam kung ano ang pwede sabihin sa ugali ni Gretchen

Lumapit si Gretchen kay Darren hanggang sa magkalapit na ang mga labi nila. Tumingin si Gretchen sa mga labi ni Darren at ito naman si Darren bigla siya umaatras hanggang sa muntik na siya mahulog sa inuupuan niya at bigla naman pinitik ni Gretchen ang noo niya. Natawa bigla si Gretchen sa reaction ni Darren at sinabi

ANO KA? SINUSWERTE? HINDI KITA TYPE HOY.” Sagot ni Gretchen na halos napapaluha na sa kakatawa dahil sa expression ni Darren sa kanya

YAAA! VIRGIN PA ANG LABI KO AT HINDI AKO PAPAYAG NA IKAW ANG UNA KUMUHA NG FIRST KISS KO.” Sagot ni Darren kay Gretchen na nakakunot ang noo sa kanya

Napahalakhak ng sobra si Gretchen sa narinig niya kay Darren at bigla hinawak ni Gretchen ang shoulders niya at sinabi

GUSTO MO AKO ANG UNANG MAG STOLE NG FIRST KISS MO?” sagot ni Gretchen kay Darren na halos akala mo totoo na dahil seryoso ang mga titig niya kay Darren

You change my lifeWhere stories live. Discover now