Curiosity between the two

41 1 0
                                    

Darren with Joshua and Leonard P.O.V

Hinatid na siya si Gretchen papunta sa dorm ni Darren at inalalayan siya ni Gretchen papunta sa room niya. Napangiti si Darren kay Gretchen at si Gretchen umiiwas ulit sa tingin ni Darren bigla nag bow si Darren sa kanya at sinabi

"Gomawo Gretchen Noona. Papasok na ako sa room, Ingat ka sa pag-uwi mo." sabi ni Darren kay Gretchen at sinarado na niya ang pintuan

Ngumiti naman si Gretchen kay Darren at umuwi na rin diretso.

Nag-alala yung dalawa niyang roomates sa kanya dahil nagulat din sila sa ginawa ni Gretchen sa kanila dahil hindi basta-basta magagalit si Gretchen ng ganyan lalo na't Transfer student galing Japan si Darren.

Bigla nagulat sila noong nandoon na sa room si Darren, bigla napalaki ang mga mata nila at hindi alam kung ano ang gagawin bigla nagsalita si Joshua at sinabi

"Oh Dongsaeng! Saan kayo pumunta ni Gretchen? Nag cutting class kayo first day na first day ng school." Tanong ni Joshua na naka smirk sa kanya

"Ah ayon, Secret yun hindi pwede sabihin" Sagot ni Darren na nakangiti kay Joshua

Bigla nila inakbay nila Leonard at Joshua si Darren at tinulak papunta sa kama ni Darren nagulat si Darren sa ginawa ng Dalawa at sinabi

"YAAAA! MASAKIT PA YUNG PAA KO TAPOS TINULAK NIYO PA AKO!" Sigaw na sagot ni Darren sa dalawa at yung dalawa nagtinginan sa Isa't-isa at bigla tumawa ng malakas. maya-maya sumagot si Leonard at sinabi

"Awww! Gusto mo i-massage ko yung paa mo para mawala ang sakit?" Tanong ni Leonard na naka i-smirk kay Darren

Napalunok naman sa takot si Darren at bigla pinawisan ng husto. Nagsalita si Joshua at sinabi

"Wag ka mag-alala! hindi masakit mag masahe si Leonard. minamasahe niya ako kapag masakit ang likod ko eh" sagot ni Joshua kay Darren 

Bigla umupo si Darren at tumingin sa kanilang dalawa na parang dudang-duda sa mga kilos ng dalawa. Bigla nag salita si Darren at sinabi

"YAAASH! Bakit ba kayo ganyan sa akin? pinagtritripan niyo ako ah..." Sagot ni Darren na naka kunot ang noo sa kanilang dalawa at bigla hinawak niya ang teddy bear niya

Bigla tumahimik ang dalawa at umupo sa tabi ni Darren. nagsalita si Joshua at sinabi

"Sa totoo lang, gusto ka namin i-cheer up ni Leonard dahil sa nangyari sayo kanina. Dapat kasi tutulungan ka nami ni Leonard kaso bigla tumayo si Gretchen na galit na galit kaya wala kami nagawa at pinabayaan namin siya dahil naiitindihan namin kung ano ang gusto niya iparating. Kilala namin yan ni Leonard dahil magkakaklase kami noong nasa Middle school pa kami. Binubully yan kaya alam namin ang naranasan niya." sabi ni Joshua kay Darren at bigla hinawak ang shoulder ni Darren

"Oo totoo yun. Kami-kami ni Hyung at Gretchen magkakasama noong nasa middle school pa kami. Simula noong natuto yan ng taekwando hindi na siya binubully." kaduktong na sagot ni Leonard kay Darren

"Magkakaklase kayo?" Tanong ni Darren na nakataas ang isang kilay sa kanilang dalawa

"Oo. Magkakaklase kami. gusto mo ng proof? may class picture kami kasama siya." sagot ni Joshua kay Darren at bigla pumunta sa closet para kunin ang album

Bumalik ulit si Joshua sa kama ni Darren at pinakita sa kanya yung album na kasama nila si Gretchen. Tinitingnan niya kung nasaan nakaupo si Gretchen at nakita niya, nasa pinakadulo si Gretchen sa bandang likod. bigla nagsalita si Gretchen at sinabi

"Ah, Nandun siya. Ang ganda niya kapag naka pony tail." sabi ni Darren sa kanilang dalawa

 Bigla bumuka ang mga bibig nilang dalawa at bigla siyang binatukan at sinabi

"Sa lahat-lahat pa ng babaeng pinili mo, si Gretchen pa ang sinabi mo na maganda?! Darren, magpalit ka na ng salamin at baka lumalabo na siguro lalo ang mata mo!" sagot ni Joshua kay Darren at kiniliti sa leeg si Darren

Pinagtulungan nilang dalawa si Darren hanggang sa mapagod na sila sa kakakiliti sa kanya. Napaupo si Darren sa kakatawa at hinubad ang salamin niya dahil baka idamay pa yung salamin niya. Bigla naman kinuha ni Leonard at ipinasa kay Joshua, nagpasa-pasahan sila hanggang sa mainis si Darren sa kanilang dalawa. 

GRETCHEN and SELINA [Little Sister] P.O.V

Kararating pa lang niya galing sa bahay bigla binuhos siya ng maraming tanong ng Little sister niya pagbukas ng pintuan bigla sabay hatak ng Little sister niya sa kanya at bigla tumingin ng masama sa kanya.bigla nagsalita ang little sister niya at sinabi

"Ikaw Unni! Gumagawa ka ng scandalo sa University. Tuloy ako yung pinagtitingnan ng buong klase! Sino ba yung kasama mo? sabi sa akin may kasama ka daw na lalaki na mukha daw weird." Tanong ni Selina [Little sister] kay Gretchen na halos nagwawala na sa galit

"YUNG INAASAR MO SA AKIN! AYAN MASAYA KA NA?" Sagot ni Gretchen kay Selina na hindi malaman kung ano ang gagawin sa kapatid niya para tumahimik 

"YUNG DARREN NA YUN?! Magkaklase kayo ni DARREN LIN?!" Gulat na tanong ni Selina sa kapatid niya na halos bumaba ang baba niya sa gulat

"AT ANO PA BA?" Sagot ni Gretchen kay Selina habang nakaupo sa sofa ng sala nila

"SO INLOVE KA NA KAY DARREN KAYA HINATAK MO SIYA?" Tanong ni Selina kay Gretchen na bigla umupo sa tabi ng sala niya at gusto malaman ang buong detalye

"HINATAK KO SIYA PARA MAISALBA SIYA SA MGA DEMONYO KONG KAKLASE." Sagot ni Gretchen kay Selina na naka kunot ang noo pero bigla bumilis ang takbo ng puso niya

"Bwo?! DEMONYO? Bakit ano ba ang ginawa kay Darren MO?" Tanong ni Selina kay Gretchen na napalaki ang mata sa narinig niya at bigla lumapit pa lalo kay Gretchen para makinig sa storya niya

"Kasi nilagyan si Darren ng isang loko sa klase namin ng Chewing gum. Nagalit ako sa naging ugali nila kay Darren kaya hinatak ko siya sa labas at nagpahangin muna kami para hindi siya mabigla sa nangyari." Sagot ni Gretchen kay Selina na hindi tumitingin sa mga mata niya at bigla umatras siya ng onti sa inuupuan niya

"LIFE SAVER KA NI DARREN AH. AT SAAN NAMAN KAYONG DALAWA NAGSULPOT HA UNNI? INAAKALA KO NA SIYA ANG MAGIGING SAVIOUR MO PERO BIGLA NAGKABALIKTAD, IKAW ANG NAGING SAVIOUR NIYA. MEANT TALAGA KAYO UNNI"  Sabi ni Selina kay Gretchen na lumapit ulit sa inuupuan niya at dinikit ang mukha niya sa mukha ni Gretchen

Pinitik naman ni Gretchen ang noo niya at sinabi

"WAG MO NA ALAMIN AT HINDI MO MALALAMAN KUNG SAAN KAMI AT WAG KA MAG IMAHINASYON DONGSAENG. HINDI KAMI MAGIGING KAMI. NEVER EVER EVER EVER" Sagot ni Gretchen kay Selina na hindi tumitingin sa mata ni Selina pero namumula na siya

"AY UNNI! SABI KO NA NGA BA EH. DON'T TELL ME?" Tanong ni Selina kay Gretchen na nakataas ang isang kilay at naka smirk sa kanya

"YA! MALI ANG INIISIP MO DONGSAENG!" pigil na sagot ni Gretchen kay Selina at bigla tumakbo sa kwarto niya at pinad lock ang pintuan.

Kumakatok si Selina pero hindi siya binuksan ni Gretchen, bumalik ulit si Selina sa kwarto at napangiti bigla nagsalita sa sarili si Selina at sinabi

"Ang unni ko, Inlove na. Gwapo naman si Darren eh kaso nga lang weird. bagay naman sila ni Unni kaya ayos lang yun. Boto ako sa kanila."  sabi ni Selina sa sarili niya at inayos ang gamit niya

You change my lifeWhere stories live. Discover now