LOVERS OR STILL "FRIENDS"?

36 1 0
                                    

Habang kumakain sila sa isang ordinary restaurant nagtanong si Gretchen kung kumakain sila sa ganitong klaseng restaurant sa Japan pero mukhang enjoy na enjoy  si Darren sa kinakain niya at hindi niya napansin na tinatanong na pala siya ni Gretchen pero patuloy pa rin siya sa kinakain niya hanggang sa may narinig sila sa Restaurant na kanta ng isang Japanese song kanta ng DBSK na Kiss the baby sky. Habang kumakain, kumakanta din siya sa at the same time. Para siyang bata kumain may mga kanin pa sa tabi ng labi niya tinawag naman ito ni Gretchen si Darren at pinalo ang upuan para magulat siya

HOY, KINAKAUSAP KITA PERO HINDI MO KO NARIRINIG TAPOS KUNG MAKAKAIN KA PA PARA KANG BATA! Lapit mo nga yung mukha mo dito, nanggigigil ako sa nakikita ko sa mukha mo.” Inis na sabi ni Gretchen kay Darren at nilapit naman niya yung mukha niya at pinunas ni Gretchen yung kanin sa labi ni Darren at hinaplos niya yung mukha ni Darren

Para kay Darren walang malisya yung panghahaplos ni Gretchen sa kanya dahil hindi naman niya alam kung ano ang ibigsabihin nun pero bigla nilayo ni Gretchen ang kamay niya at saka naman umatras si Darren sa kanya

Pinagpatuloy naman ni Darren ang kinakain niya habang ito naman si Gretchen nakatulala sa kumakain na si Darren bigla naman pinitikan sa pisngi ni  Darren si Gretchen at napagising sa katotohanan si Gretchen bigla naman nag tanong si Darren at sinabi

Tapos ka na ba kumain? May problema ka ba Noona? Sabihin mo lang sa akin.” Tanong ni Darren kay Gretchen habang patuloy sa kinakain niya

Ah wala ito. Tapusin mo na yang kinakain mo pupunta pa tayo sa secret place.” Sagot ni Gretchen kay Darren at tinapos na rin niya ng konti ang kinakain niya

After 5 minutes, tapos na silang dalawa kumain at nagbayad na ng bill si Gretchen. Lumapit agad si Gretchen kay Darren para tulungan siyang tumayo at si Gretchen ang nagbitbit ng bag ni Darren, si Darren naman kinuha niya ang crutches niya nakalabas na sila ng restaurant... Ngumiti si Gretchen kay Darren at ngumiti naman pabalik si Darren pero bigla siya hindi tumingin dahil ayaw niya mag-iba ulit ang tibok ng puso niya.

Maya-maya nasa secret place na sila Darren at Gretchen,bigla tumakbo sa bench si Gretchen at iniwan si Darren bigla sumigaw si Darren at sinabi

YA! HINDI MO BA AKO TUTULUNGAN?! KASALANAN MO NA NGA KUNG BAKIT AKO NAPILAYAN TAPOS IIWAN MO AKO DITO  NAKA TAYO LANG.” sigaw na sabi ni Darren kay Gretchen at bigla siya nag frown

Aigoooooo! Kawawang bata! LUMAPIT KA DITO! KAYA NAMAN NG KATAWAN MO YAN KASI MAY CRUTCHES KA NA!” sagot ni Gretchen sa kanya at bigla siya nag smirk

Nagsalita si Gretchen sa isip niya at sinabi

HAHAHA, Subukan mong mag lakad papunta dito. Good luck Darren Lin!

Sinubukan naman ni Darren mag lakad habang ginagamit ang crutches niya pero napaupo siya.Nagulat si Gretchen at bigla siya agad tumakbo at sinabi

Aish! Lampa! Lampa! Lampa!” sabi ni Gretchen sa kanya at pinisil niya sa cheeks si Darren

Bigla inalalayan ito ni Gretchen at umupo sila sa bench napangiti si Darren kay Gretchen. Inunat nila sabay ang mga kamay nila at napatingin sila sa Isa’t-isa. Bigla naman lumapit si Darren sa kanya at sumandal sa shoulders ni Gretchen na ikinagulat niya. Gusto niyang tanggalin pero dinidiinan pa ni Darren . Napangiti si Gretchen sa kanya at hinawak ang mukha niya, bigla naman sabay hablot ni Darren ang kamay niya at hinawak ito. Namumula na si Gretchen dahil sa ginawa ni Darren, feeling niya parang sila na. Bigla nagsalita si Gretchen at sinabi

Ya! May sasabihin pala ako sayo.” Sabi ni Gretchen para hindi na sumandal si Darren sa kanya

Napabangon agad si Darren at bigla tumingin sa kanya

May gusto sumugod sayo kanina. Buti na lang, naisalba ko pa sa kamatayan sila Joshua at Leonard

Eh? Sino?” tanong ni Darren kay Gretchen

Yung may sira sa ulo na yun! Si Bruce yung HARI daw. Siya daw yung siga.”Sagot ni Gretchen kay Darren na nanggagalaiti pa sa inis kapag naaalala niya yun

Kaya pala hindi ko nakita yung Maskulado na yun kanina. Marami nakatingin sa akin eh, ewan ko kung ano nangyari. Ayun pala yun.” Sabi ni Darren na bigla siya nagseryoso kay Gretchen

Ikaw ang pinag-iinitan ng Sira ulong yun. Buti na lang papasok pa lang ako sa classroom kaya tinulungan ko sila Joshua at Leonard.” Sagot ni Gretchen habang nakatingin sa ulap

BWO?! Sila Joshua at Leonard nadamay pa! Wae?!” gulat na tanong ni Darren kay Gretchen at bigla siya lumapit lalo kay Gretchen hanggang sa maglapit na yung mga labi nila

YA! Wag ka masyado lumapit sa akin, mahuhulog na ako…. At kasi naman isang rason yun dahil yun sa ginawa natin kahapon!” sagot ni Gretchen sa kanya habang nakakapit siya sa inuupuan niya at iniiwasan ang tingin kay Darren

Umatras na si Darren sa kanya at bumalik ulit sa position niya na nakatingin sa Ulap.

Simula noong dumating ako sa South Korea, Hiindi ko alam na magkakaganito ang buhay ko sa Campus. Medyo maayos pa ang buhay ko dati kumpara ngayon” sabi ni Darren sa kanya at bigla nagkamot ng ulo sa inis

Bigla naman nalungkot si Gretchen at yumuko sa narinig niya. Nagsalita siya at sinabi

Hindi mo naman ako makikilala at hindi mo alam kung papaano magkaroon ng sariling pag-iisip kapag nakatali ka sa magulang mo Habang buhay…”sagot ni Gretchen kay Darren at bigla siyang kumapit lalo sa bench

Napatingin si Darren sa kanya at nakita niya may patak na luha sa damit niya, kinuha niya agad ang panyo niya at bigla siya lumapit sa kanya

O, ito. Punasan mo  yung luha mo. Nagu-guilty ako sa sinabi ko kanina. Mianheayo kung nasaktan ko yung damdamiin mo.” Sagot ni Darren sa kanya at binigay sa kanya yung panyo

Kinuha naman ni Gretchen ang panyo at ipinunas naman sa mga luha niya. Hindi niya rin alam kung bakit bigla siya napaluha dahil dati hindi naman siya agad-agad lumuluha ng ganon.

May gustong sabihin si Gretchen tungkol sa nararamdaman niya pero parang wala siyang lakas na loob at hindi pa ang tamang panahon para sabihin niya iyon kay Darren dahil panigurado hindi pa niya alam kung papaano mag handle ng ganon situation sa buhay niya.

Maya-maya hinatid na ni Gretchen si Darren sa dorm at bigla na rin siya umuwi papunta sa kanilang bahay. Naninibago siya sa sarili niya lalo na sa attitude niya towards Darren, hindi niya malaman kung ano ang gagawin niya kapag may nangyari hindi maganda kay Darren lalo na kapag nasasaktan siya o kung ano pa yan. Para sa kanya parang special na sa puso niya si Darren.

You change my lifeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang