Still Into You - 22

828 47 2
                                    

Isang buwan mahigit akong kumakapa sa paligid ko, hindi ako lumalabas dahil nahihiya ako, hindi pa rin ako pumapasok sa school. Pinakausapan naman ng Parents ko ang mga Teacher. Pumayag naman sila.

May konte narin akong liwanag na naaninag pero pawala-wala eto. Hindi ako tumatangap ng bisita tanging si Scarlett lang ang pinapa-pasok ko dito sa kwarto dahil bestfriend ko siya. Pati mga Members ng Dream Boys gusto akong bisitahin pero hindi ko sila pinapasok, dahil kapag nandito sila maalala ko lang si Evanswendel. Na nang dahil sakanya nagkaganito ako.

"Bes! Kamusta ka na?" sabi ni Scarlett

"Eto bulag parin, nasaan kaba?" kinakapa ko siya, ang hirap ng ganito.

"Nadito ako" at bigla niya akong hinawakan.

"Wag mo akong iiwan, dito ka nalang matulog"

"Oo sige, hindi kita iiwan, gaya ng ginawa sayo ni Evanswendel" narinig ko nanaman ang pangalang Evanswendel bigla nalang tumulo ang luha ko

"Sorry Bes!" bigla niya pinunasan ang luha ko gamit ang kanyang daliri. At niyakap niya ako.

Biglang may naamoy akong kakaiba sa kwarto ko, familiar saakin amg amoy na yun! Amoy panglalaking pabango. Hindi ako magkamali pabango eto ni Jay Cachero.

"Bes! Anung amoy yun?" tanong ko

"Ang alin?"

"Yung amoy Jordan" amoy na amoy ko talaga

"Ako eto Zoey, si Jay" nagulat ako sa sinabi niya, si Jay nandito? Paano siya nakapasok? Panigurado si Scarlett nanaman ang may kagagawan neto.

"Bakit ka nandito?" tanong ko hindi ko alam kong saan siya banda at kong saan ako nakatingin.

"May dala pala akong mga prutas, nalaman ko kasi yung nanyari sayo, buti sinabi Scarlett"

"Sabi kong wag mo sabihin eh!" bumolong si Scarlett, bulag ako pero nakakarinig ako. Sabi na nga ba eh si Scarlett ang may pakana.

"Saglit lang banalatan ko lang etong Apple" sabi ni Jay, siguro lumabas siya para pumuntang kusina kasi may nagsara ng pinto at nawala ang amoy

"Bakit nandito siya? Ayoko siyang makita!"

"Bes, para sabihin ko sayo bulag ka, hindi mo siya makikita. Kaya Don't worry!" oo nga naman noh bulag ako.

Nagulat nalang ako ng may biglang umupo sa tabi ko, at naamoy ko nanaman ang pabango niya kasabay pa ng amoy mansanas. Alam ko na kung sinu eto.. Ginilid niya aking mukha at hindi ko alam kong saan ako nakatingin.

"Say Ah!!" Say Ahh.? Naalala ko nanaman si Evanswendel ganito ang ginawa niya noon saakin, perp hindi ko na pinansin. At nag Ahh. Ako

"Kumain ka nang prutas para lumakas ka, para makakakita ka na." Sabi ni Jay, ang sweet naman niya. Sana siya nalang ulit, Si Jay nalang ulit. Pero magkakababy na siya. Sayang naman.

Nagkwentohan lang kaming magdamag, at hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Tanghali palang nagising nalang ako ng gisingin ako si Scarlett para kumain ng tanghalian. Si Jay agad pumasok sa isip ko.

"Nasaan si Jay?" tanong ko

"Namiss mo agad? Grabe ka na Zoey!! Magkakababy na yun!" sabi niya sabay tawa.

"Hindi ah!" pagsisinungaling pero ang totoo, namiss ko siya, sana siya ngayon ang magsusubo saakin at hindi Scarlett kasi nakakainis si Scarlett, susubuhan niya ako at kapag isasara ko na ang bibig ko igigilid naman sabay tawa. Pinag tritripan talaga ako ng Bestfriend ko.

Siguro kong si Jay ang gagawa neto saakin, mag-guguhit puso ang mga mata. Feeling Inlove, pero feeling ko lang yun.

"Ui! Bes ang saya mo?"

"Wala eto!" pagkukunware ko

"God gave me you to show me what's real
There's more to life than just how I feel
And all that I'm worth is right before my eyes
And all that I live for though I didn't know why
Now I do, 'cause God gave me you"

"Patayin mo nga yan! Ayaw kong marinig!" nagiba ang timpla ng mukha ko, kanina medyo masaya, ngayon medyo naiinis. Naalala ko kasi nuong nasa bahay nila ako. Kumanta kami ng God Gave Me You.

9PM inaantok na ako, natulog na ako, panigurado nag ffb si Scarlett yan lang naman ang ginagawa niya kapag nandito siya. Ewan ko lang kung anung oras siya natulog, basta ako ang saya ng panaginip ko, kahit dito lang sa panaginip maging masaya lang ako.

Nasa beach kaming dalawa ni Jay nag hahabulan, pagog na pagod na ako sa kakatakbo, hinihingal na ako kaya huminto ako, at agad naman akong nahuli ni Jay at hinalikan niya ako, may usapan kasi kami kapag nahuli niya ako may free kiss siya saakin. At . At.. At..

"Uy! Gising Zoey!!"

Nakakainis! Ang ganda pa nang panaginip ko eh! Sinira pa ni Scarlett.

"Bakit? Panira ka nang moment!"

"Sinu yung kahalikan mo sa panaginip mo? May panguso nguso ka pang nalalaman!"

"Secret, bawal sabihin baka mashowbiz" sabi ko habang nakangiti.

"Wow! Abot langit ang ngiti! Dapat laging ganyan para gumaling ka na!" sabi ni Scarlett

9:00 AM na kagigising ko lang sarap tulog ko isama mo pa ang magandang panaginip, ang nakasira lang ng araw ko ngayon dahil nalaman ko kay Scarlett na dumating na daw si Evanswendel galing Korea. Nabasa daw niya sa Page ng Dream Boys.

"Scarlett kapag pumunta dito, wag mong papasukin ah!"

"Oo Bes!"

Mga ilang araw, pumunta si Scarlett sa bahay.

"Zoey may bisita ka!" sabi ni Scarlett

"Diba sabi ko wag kang tatangap ng bisita?" sagot ko.

"Nagpumilit eh!!"

"Sinu ba yan?" wala akong kaalam alam kung sino.

"Si Evans---" hindi na niya naituloy dahil, biglang akong humiga at nag talokbong ng kumot.

"Maiwan ko muna kayo diyan!" sabi ni Scarlett at lumabas na dahil narinig kong sumara ang pinto.

"Zoey!" sabi ni Evanswendel

"Umali ka dito! Ayaw kitang makita!" pasigaw kong sabi, naalala ko yung sinabi ni Scarlett bulag ako.

"Magpapaliwanang ako"

"Ayaw kong marinig yang paliwanag mo, umalis ka na!"

"Pakinggan mo naman ako!! Sorry kung hindi ako nakapag-paalam kasi biglaan, namatay ang Daddy ko sa Korea. Patawad!

"Nagalala ako sayo nuon! Araw araw kitang iniisip, at eto nagawa ng kaiisip sayo. Nadepress, Nabulag ako nang dahil sayo!" pasigaw kong sabi.

Bigla niya akong niyakap, hindi ako makawala sa pagkakayakap niya.

"Sorry Zoey Sorry!" paulit ulit niya sabi

Habang niyayakap niya ako, nagulat nalang ako nang maglapat ang mga ilong namin sa isat-isa.

"Ako mag aalaga sayo, mapatawad mo lang ako, lahat gagawin ko makasama ko lang ang pinakamamahal kong babae na si Zoey Kim Zaragoza. MAHAL NA MAHAL KITA" sabi ni Evanswendel

Mapapatawad ko pa ba siya? Sa ginawa niya saakin?

Still Into You "ALDUB"Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ