Still Into You 2

2.3K 76 4
                                    

As of now hindi pa rin ako maka get over sa kanta nila kahapon. Yung para bang siya nalang laman ng isipan ko buong magdamag. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang may something na hindi ko maipaliwanag. Una ko palang siya nakita nahulog na ako ewan ko lang kung nasapo niya. Hindi na ako mag-aakalang nagustuhan ko siya, mabait , gwapo etc. nasa kanya na ang lahat. Siya kaya, gusto niya rin ba ako? Magugustuhan niya kaya ugali ko?

Next month may concert sila sa MCI ground floor, syempre pupunta ako, bibili ako ng VIP with Backstage Pass. Para makapag pa-picture ako at makausap man lang saglit si Crush. Na love at first sight na ako sa kanya.

"Bes! samahan mo ako sa june! Concert ng Dream Boys!"

"Wow huh! Saan mo nakilala yang mga yan? Pupunta talaga ako. Nandun nga ang crush ko eh!" - si Scarlett sa kabililang linya.

Si Scarlett nga pala ka-isa-isa kong best friend, kagaya ko rin siya. Mataray, akala niyo wala akong best friend meron no. Matalik na mag kaibigan ang mga magulang namin noon. Ngayon kami naman ang sumunod sa yapak nila.

"Text mo nalang ako neh!"

"Sure Bes!" - Scarlett

"Excited much."

"'Wag kang ma-excite, mamaya hindi matutuloy" sabay tawang pang demonyo.

Saan kaya pwede bumili ng ticket? Sana naman hindi ako maubusan.

Sa Mall kaya meron? o kaya sa page nila baka may telephone bumber sila, para doon nalang ako kukuha.

Dream Boy [Search]

Kadami namang Dream Boys!

"Ito!. Official Page Yahooo!" sigaw ko at may kasamang palundag lundag pa, parang tanga lang.

"Telephone Number, asan ka na. makisama ka naman!"

www.ticketworld.net/DreamBoys

"Ito lang naman pala e pinapahirapan lang ako mag hanap." pinindot ko ang link, nang napindot ko na, biglang may nag pop up sa screen monitor na.

[Grab a Ticket now! Please Call 606-2409]

Agad kong kinuha 'yong telepono para tawagan 606-2409. Kring! Kring! Kring!

[Hello, this is ticket world by Dream Boys may I help you?]

"Yes po, paano po kumuha ng ticket? Magkano po VIP? and Backstage pass?"

[Ma'am VIP Ticket is 23,000 pesos and Backstage Pass is 5,000. Kung kukuha po kayo please Email at TicketworldDreamBoys@gmail.com together with your info.]

"Ah sige po, Thank you po"

[Thank you Ma'am]

Agad na akong nag email para hindi maubusan ng ticket. Ngayon ko lang sila nakilala pero parang tagal ko nang Fans sila. Ganun talaga. Pag dating sa lalaking gwapo mag kakandarapa ako.

Malapit nang pasukan. Sulitin na ang bakasyon! Saan kaya nag aaral si Evanswendel? Bakit lagi nalang siya ang iniisip ko? Nakakalimutan ko nang kumain. Pero marinig ko lang pangalan niya ginaganahan ako, lahat na yata hindi kailangang ayusin sa bahay inaayos ko. Inspirasyon kumbaga.

8:00PM nag punta ako sa 7/11 wala lang trip ko lang naglalakad ako, medyo malapit lang naman kaya lagi ako dito. Hindi ko namalayan na may humablot sa pitaka ko may 1k pa naman 'yon. Takbo ako ng takbo para mahabol siya at naiiyak na rin ako, lumalabo na ang paningin ko dahil sa mga luhang bumabalot sa aking mata. Sa hindi inaasahang pangyayari may nakasalubong ako, nakahiga na kami sa sahig at nakayakap na ako sa kanya. Hindi ko makita kung sinu dahil sa panirang luha, pinunasan ko para makita ko, unti unting may naaninag na ako. Omg. si Eva-ns-wen-del. My crush.

Tumayo na ako agad at nag sorry, nahiya rin ako no.

"Okay ka lang ba?"

"Concern siya sa akin?" sa isip ko

"Oo okay lang ako"

"Ito oh panyo" sabay ngiting pamatay.

Ang gwapo niya! Okay na mawala na ang 1K kung ang kapalit naman isang gwapong lalaking gustong gusto kong makita.

"Miss mauna na ako, sorry din" ngumiti naman ako at nag oo, pero bakit hindi pa siya umaalis? Type niya din siguro ako, assuming.

"Bakit hindi ka pa umaalis?" palambing ko sabi

"'E kasi nasayo pa panyo ko" panyo lang pala ang dahilan, nag assume tuloy ako.

"Ay kala ko sa akin na ito binigay mo kasi eh.Akin nalang. Remembrance." remenbrance? Joke lang syempre alam niyo na hindi ko lalabhan hahah.

"Ingatan mo 'yan" sabay ngiti

Tuluyan na siyang umalis. Hindi na rin ako tumuloy sa 7/11, bwisit eh nanakaw pa yung 1k ko. Makauwi na nga.

"Ang bango! Sarap amoy amoyin. Mayakap nga mamayang pag tulog ko." nag sasalita ako at kinikilig habang nag lalakad.

Nang makarating na ako sa bahay, agad kong naalala bakit hindi ko kinuha # niya. Sa tagal naming nagusap. Tanga Tanga mo talaga Zoey! Sinayang mo yung pagkakataon.

Nag half bath muna ako para fresh bago matulog, then humiga na ako sa malambot kong kama, katabi ko pa rin ang kanyang panyo, 10PM hindi pa rin ako makatulog may insomia na 'ata ako, o may misteryo itong panyong. Kung anu anu nang naiisip ko.

Kelangan kong makatulog ayokong magka eye bag, papangit na ako nito. Kaya ko 'to pipilitin kong makatulog, hindi ko namalayan na tulog na pala ako. Salamat naman.

Mga 9AM na akong nagising, pag baba ko ng hagdanan, nakita ko mga maid na naghahanda na para sa makakain. Sabay sabay kaming kumakain walang mahuhuli, walang nauuna. Nagagalit ako kapag ganun ang nangyayari. Mas gusto kasi yung sabay sabay kayong kakain at may tawanan lalo na si Aleng Linda. Funny person talaga siya. Pantanggal stress ika nga.

Nang tapos na kaming kumain nag punta ulit ako sa kwarto. Hihiga lang, walang magawa e, Mall sana e wala naman akong kasama, kaya dito muna ako sa bahay buong araw.

Still Into You "ALDUB"Where stories live. Discover now