[7B] Mga kaganapan sa tindahan ni Aling Bibyan + Carlos Miguel

488K 3.4K 671
                                    

HOPE'S POV

"H--Huh?"

"Let's go?"

Tapos lumapit na nga siya sa stall ni Aling Bibs. Sumunod naman ako.

"Aba! Hope! Suki! Nandito ka na pala! Handa na nga yung order mo." 

(_ _") JUSKO BUKING!

Oo. Palagi ako dito! Sarap kaya! Lumapit ako kay Ate Bibs at binulungan.

"Ate! Pretend naman na di ako suki dito! May--May--"

"May gwapo kang kasama Hope! Sino yan?"

"Po?"

Maya maya biglang lumapit siya kay Enzo.

"HELLO POGI! Anong gusto mo! Kaibigan ka ba nitong si Hope?" tapos tumingin sa akin si Ate at Kumindat. (_ _") 

"Ay naku, Ate. Tigilan mo nga si Enzo." tapos biglang nanlaki ang mata niya.

"SIYA?! SIYA SI ENZO?! SIYA YUNG KASALI SA TRES GWAPITOS?! SIYA LALAKING PINAGPAPANTASY--" At tinakpan ko na nga ang bibig niya!

Oo madaming alam yang si Ate Bibs. Tambayan ko nga kasi tong kikiam-an niya eh! Madaldal din ako kaya nakwekwento ko sakanya. 

"Hoy Ate! Ssh ka lang! Nakakahiya! Hindi niya alam na patay na patay ako sakanya." bulong ko kay Ate.

"Eh bakit kasama mo? Dito? Sabi mo mayaman yan!"

"Oo nga! Ewan ko ba diyan dito ako dinala!"

"Date kayo?"

"Naku! Asa pa ako! Wala lang siguro makasama!"

"San yung Tres Gwapitos?"

"Asa pa namang magfifishball mga yun! Kaya ako ang sinama."

Maya maya lumapit na si Ate kay Enzo. 

"Oh ano bang gusto mo?" 

Tinuro ni Enzo lahat. Fishball, squidball, kikiam, kwek kwek pati isaw.

"Gusto mo lahat? Ay naku! Sige! Ipapatikim ko sayo ang specialty ko! Pramis! Babalikbalikan mo to! Tama, Hope?"

"Koraaak! Masarap talaga dito!" sabay subo ko ng isang malaking kwek kwek. 

Si Ate Bibs nagluto ng panibagong set para kay Enzo para daw mainit! At sa akin pinaubos yung mga nailuto na niya. Tingnan mo yun! 

Susubo na sana ulit ako ng kwek kwek ng biglang..

"Hope, aaaaah." sabi sa akin ni Enzo na nakabuka ang bibig at tinuturo para ishoot ko yung kwek kwek.

Sinubuan ko naman siya ng kwek kwek. After niya kainin, ngumiti naman siya. Nasarapan!

Ako naman, ito.. Pulang pula. Shet! 

Sinubuan ko siya... 

Sinubuan ko.... :"> 

"Oh ito na, Enzo. Enjoy!" kinuha ni Enzo yung mga bagong niluto ni Ate Bibs at kinain. Enjoy na enjoy ang mokong. Ang sarap niyang panoorin. Parang angel. Ang gwapo. Sobra... :"> 

"HUY HOPE!" 

"Ay kikiam! Ano ba!"

"Tunaw na si Enzo."

"Ate, alam mo namang tagal ko na yang pangarap."

"Natutupad na nga hindi ba?"

"Asa pa ako.. Wala lang sigurong kasama. At feel niya, ako lang yung bagay dito na kasama."

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon