DIARY-NOTEBOOK!

63 0 0
                                    

"Tsubasa!" sigaw ng isang boses

"O? bakit Kiro?" tanong ng matamlay na binata. Nakarating na rin siya sa kanilang dorm, at papasok na sana ng kanyang kwarto nang biglang siyang tawagin ng kanyang kasama.

"Ah..eh.. Saan ka ba galing?, gabi na ah? at bakit naka-uniporme ka pa?" (hindi pa nagpapalit si Tsubasa hanggang ngayon ng )

"Ha?" lang ang nasabi ni Tsubasa, dahil sa totoo lang di siya nakikiknig sa kumakausap sa kanya, masyado siyang pagod at higit sa lahat…nasaktan.

"Ang sabi ko-" sagot naman ni Kiro ngunit naputulan siya ng itaas ni Tsubasa ang kanyang bukas na kanang kamay malapit sa mukha ng kausap sabay sabing…

"Bukas na lang Kiro, pagod na kasi ako"

"Ah sige. Magandang gabi na lang saiyo!" sagot ni Kiro at umalis na.

Pumasok na si Tsubasa sa kwarto niya at nagpasyang mag-shower muna upang guminhawa ang kanyang pakiramdam…kahit konti man lang, tinanggal na niya ang kanyang uniporme, kumuha ng tuwalya at dumiretso na sa banyo. Habang nasa shower, isang tao lang ang nasa isip ng binata… si Misaki.

Samantala si Misaki…

"Tsubasa." nasabi na naman niya ang pangalan.

'Anong gagawin ko ngayon?' tanong ni Misaki sa sarili. Nag-isip-isip muna siya at…

"Kailangan ko mabawi iyon!" sabi ni Misaki habang palabas ng kanyang kwarto. Paglabas na niya ng dorm ay nagsimula na siyang tumakbo papunta sa dorm nina Tsubasa.

'Pakiusap… hindi pa sana niya binabasa yun' ang paulit-ulit na sabi ni Misaki sa kanyang isipan. Madilim na sa labas at sa kadiliman nito ang dalaga ay tuloy pa rin sa pagtakbo.

Balik tayo kay Tsubasa…

Kalalabas lang ng binata sa shower at kasalukuyang pinupunasan ang kanyang basang katawan, matapos magpunas ay nagsuot na ito ng 'panloob na damit' at shorts, susuutin na sana ni Tsubasa ang kanyang t-shirt nang may naka-agaw tingin sa kanya, isang asul na kwaderno, nilapitan niya ito at binukas niya sa unang pahina, nakasulat…

ANG DIARY-NOTEBOOK NA ITO

AY PAGMAMAY-ARI NI:

MISAKI HARADA

"Ito? DIARY-NOTEBOOK!…. ni Misaki?... yung spare notes dapat yung ibinigay niya sa akin" sabi ng namumulang Tsubasa sa sarili.

'Kung basahin ko kaya' sabi ng binata sa sarili at ililipat na sana niya sa kabilang pahina ng biglang….

Asul na KwadernoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon