Ang Boses

79 0 0
                                    

Samantala kay Misaki….

Nakarating na rin si Misaki sa dorm at nasa loob na siya ng kanyang kwarto, tinanggal na niya ang kanyang uniporme at ngayo'y nakasuot siya ng isang maputing sleeveless na blouse at pink na palda (na medyo masmahaba kaysa sa school skirt nila). Nakahiga lang siya sa kama at nakatitig sa orasan…

' 7 o'clock pa lang' sabi niya sa sarili.

Tumitingin lang siya dito nang may pangalang sumagi sa isipan niya… 'Tsubasa'. Biglang bumilis ang pagtibok ng kanyang puso.

'Ano ba itong iniisip ko? Bakit ganito ang tibok ng puso ko? Bakit? Bakit? Gusto ko na ba siya?' tanong ni Misaki sa sarili.

'Oo. Di mo lang siya gusto, mahal mo na siya' hirit ng isang boses sa kanyang isipan.

'Hindi! Hindi! Hindi yan totoo. Kaibigan ko lang siya, malapit na kaibigan' depense naman ni Misaki.

'Oo. Kaibigan mo nga siya pero nahulog na ang loob mo sa kanya' hirit ulit ng boses.

'….' wala na siyang nasabi

'O? bakit di ka makahirit?... kasi totoo!' tukso ng parehong boses.

'KUNG totoo naman ay mabuti pang-' naputulan siya ng boses.

'Hindi mo na sabihin, kasi ayaw mo na masira ang inyong pagkakaibigan' sagot ng boses

'At tiyaka-' naputulan na naman siya ng boses.

'Natatakot ka, kasi baka di niya ibalik ang parehong pagmamahal na ibibigay mo sa kanya' hirit na naman ng boses.

'Tama….' sagot ni Misaki na tila nawawalan na ng pag-asa sa lalakeng mahal niya.

'Ano ka ba naman Misaki? huwag ka mawalan ng pag-asa. Hindi mo alam, baka pareho din ang nararamdaman niya para saiyo, kaya kung ako saiyo ay sasabihin ko na sa kanya' payo ng boses.

'PERO DI KO NGA SIYA MAHAL!' depensa ulit ni Misaki.

'Talaga? eh ano pala yung sinusulat mo saiyong kwaderno gabi-gabi ha?'

'….' namumula na si Misaki at di na nakasagot sa boses.

'Kitamz? di ka makasagot kasi nga totoo! Bakit ba yaw mong tanggapin?, kung gusto mo tingnan mo pa yung kwadernong sinasabi ko. Ikaw mismo ang sumusulat doon, lahat ng nangyayari tungkol saiyo at sa iyong mga nararamdaman' sabi ng boses…

Biglang nagising si Misaki, "Panaginip lang ba?" pero nararamdaman niya na namumula siya. Tumingin siya sa relo, '7:45 pm na, nakatulog pala ako'. Inisip niya ulit ang sinabi ng boses 'kung gusto mo tingnan mo pa yung kwadernong sinasabi ko. Ikaw mismo ang sumusulat doon, lahat ng nangyayari tungkol saiyo at sa iyong mga nararamdaman...'. Pumunta siya sa kanyang lamesa, na malapit sa bintana, kung saan nakalagay ang kanyang bag na pinaglalaman ng kwaderno nang bigla niyang nakita ang lalakeng pinag-uusapan niya at ng boses sa kanyang panaginip sa labas ng bintana naglalakad at tila may tinatago sa kanyang likuran.

'Tsubasa. . . .' sabi ni Misaki sa sarili at tila namumula.

Asul na KwadernoWhere stories live. Discover now