Sabay na Pagtulo ng Luha

60 0 0
                                    

'Ano ba? ibibigay ko o hindi?' tanong ni Tsubasa sa kanyang sarili hababang naglalakad papunta sa dorm nila, napadaan siya sa dorm nina Misaki, tumingin siya sa bintana ng iniirog at nagulat siya dahil nakita niya ang dalaga sa kanyang bintana, tumitingin sa kanya at tila namumula. Nagsimula na rin siyang mamula….

Para hindi mabisto ng binata, binuksan ni Misaki ang bintana, ngumiti at kumaway kay Tsubasa sabay sabing…

"Oi! Tsubasa! Magandang gabi!" bati ni Misaki, pero sa kanyang isipan: 'Ano ba itong ginagawa ko? Di kaya niya nakikita na namumula ako, baka biruin na naman ako nito dahil dito?... hindi naman siguro, at medyo madilim eh'

"Magandang gabi din Misaki!" bati din ni Tsubasa habang tinatago ang bulaklak sa kanyang likuran, pero sa kanyang isipan din: 'Naku! di kaya niya ako nakikitang namumula? Buti na lang at medyo madilim dito. Teka, ito na ang tamang pagakakataon kong humingi ng tawad…'

"Mi-" naputulan siya.

"Sige! Tsubasa! Matutulog na ako, magandang gabi ulit!" ang huling sinabi ni Misaki bago tuluyang isarado ang bintana. Di na niya nakayanan ang pressure, baka madulas pa siya, kaya't naupo na lamang siya, natakpan ang kanyang mga mata ng bangs ng kanyang pink na buhok…

"Misaki…sigh" wala na magawa ang binata, sinarhan na siya ng bintana, kaya lumakad na lamang ito papunta sa dorm nila, natakpan ang kanyang mga mata ng bangs ng kanyang buhok…

At sa puntong iyon, sabay na hinayaan ng binata at dalaga na tumulo ang isang luha mula sa kanilang mga mata…

Asul na KwadernoWhere stories live. Discover now