Pabor ni Kaname

122 1 0
                                    

'Buti na lang at naabutan ko pa si Misaki at nahiram ko pa yung notes nya…. pero hindi ko dapat siya pinagtaasan ng boses…. sigh Misaki pasensya na' sabi ni Tsubasa sa sarili habang papunta sa dorm niya. Bago kasi siya pumunta doon sa dapat niyang puntahan (gaya nga nung sabi niya kay Misaki) ay tumungo muna siya sa kanyang kwarto upang ilagay ang asul na kwaderno doon at para kunin ang isang kumpol ng bulaklak na sa kanyang lamesa…

"sigh Hay naku Kaname" sabi ni Tsubasa habang dala-dala ang kumpol ng bulaklak at papaalis ng kanyang kwarto.

FLASHBACK

Biyernes ng Hapon: Bandang 4 o'clock (magsisimula pa lang ang klase nina Tsubasa kay Mr. Noda)

Papunta na sana si Tsubasa sa kanilang klase kay Mr. Noda nang biglang may tumawag sa kanya…

"Oi! Tsubasa" tawag ni Mr. Narumi sa binata.

"Ano po yun sir?" sagot naman ng estudyante sa guro.

"May pinapabigay sa iyo si Kaname…" sabay abot ang isang nakatuping papel.

Nakasulat:

Tsubasa,

Isa itong pabor. Pakiusap, dalhan mo sana ako ng isang kumpol ng paborito kong bulaklak.

Ang iyong kaibigan,

Sono Kaname

"Saan po ba ngayon si Kaname, Sir Narumi?" nag-aalalang tanong ni Tsubasa.

"Ah…Nasa infirmary siya ngayon" sagot naman ng guro.

"Sir! kung maaari sana ay-" naputulan siya ni Mr. Narumi.

"Sige na, pumunta ka na sa bayan at bilhan mo ng bulaklak yung kaibigan mo, nasabihan ko na si Mr. Noda" masiglang sagot ni Mr. Narumi sa estudyanteng kausap.

"Salamat po sir!" masayang tugon ng binata sa guro. Paalis na sana ito nang biglang tumalikod ito sabay … "sweatdrop Sir? binasa niyo po ito noh?"

"Ah…eh…kasi…kinailangan . Sige, aalis na ako! Paalam!" sagot naman ni Mr. Narumi at umalis.

" sigh Hay naku! si Sir Narumi na naman talaga o." sabi ni Tsubasa habang paalis na din.

Pagkalipas ng isang oras ay nakarating na rin si Tsubasa galing sa bayan at nabili na niya ang kumpol ng bulaklak para sa kaibigan, dumaan muna ito sa kwarto niya upang iiwan ang bulaklak doon at patakbong hinanap si Misaki upang makahiram ng notes sa lesson nila kanina kay Mr. Noda.

END OF FLASHBACK

'Kailangan ko nang dalian, gumagabi na rin' sinabi ni Tsubasa sa kanyang sarili habang palabas na ng kanilang dorm at papunta na sa infirmary.

Asul na KwadernoWhere stories live. Discover now