The Goddess of the Sun and the Moon

22 2 0
                                    

Jungkook's POV

Pinindot ko lang ang mga keys sa remote ng video game ko.

Hanggang ngayon ba naman si Jaelyn parin? Ang hirap. Lalo na pag hindi mo nararamdaman. Hindi totoo ang pagibig. Kaya sakin...

Hindi totoo si Jaelyn.

Ako ang kapatid ni Jacob. Sobrang naiingit ako kasi sya ang pinagtutuunan ng pansin kahit wala syang ginawa.

Tumayo ako at papalabas na sana ng kuwarto ko nang...

"Ma, Pa, andito na po ko. Kinausap ko po si Jaelyn. Salamat po sa advice." si Jacob.

"Okay lang, anak. Buti ka pa may babaeng nagpapasaya sayo. Nagaalala na ko sa kapatid mo. Baka maging FA yan hanggang sa tumanda."

"Tsk. Ma talaga oh. May pa-FA FA ka na po ah."

Lumabas ako at nagmano kay mama at papa.

"Alis lang po ko saglit."

Jaelyn's POV

Pagkauwi ko palang sa bahay, rinig ko na ang sigawan nila papa at mama.

Pano kung hindi talaga sila magkaayos? Pano ko?

"Please help me." bulong ko sa sarili ko.

Pumasok na ako sa bahay at tuloy parin sila sa pagaaway.

Pagkapalit ko ng damit ko, hindi na ko nagabala kumain sa baba. Didiretso na sana kong matulog pero tumulo nalang yung luha ko sa takot na maghiwalay ang mga magulang ko.

"Shut up. PLEASE. SHUT UP!" sumisigaw na ko pero walang nakarinig.

Bumukas ang pinto at agad naman akong lumingon. Tumabi sakin si Ate Margaret. Sya yung yaya namin that has been taking care of me simula nung bata pa ako. My comforter.

"Anak, tiisin mo lang ha. Magiging okay din sila."

"Yun yung palagi nyong sinabi. Pero nangyari ba?! Hindi diba?! Kasi sila mismo, ayaw magbago!!" galit na galit ako at tumakbo palabas ng bahay.

"Ayesha! SAN KA PUPUNTA?! BUMALIK KA DITO AYESHA JAELYN!"

"Ayaan mo na muna sya. Kailangan nya ng oras. Tayo din."

Pagkasabi nila nun, tumakbo parin ako palabas ng makalimutan ko na malapit lang pala ang blind curve sa kalsada malapit sa bahay namin.

May mabilis na takbong kotse na pasalubong sakin.

"Sorry, Jacob. Mama, papa. Sana magkaayos na kayo." tumulo ang luha sa mga mata ko.

Sobrabg lapit na nung kotse sakin pero nagulat ako ng pagkatapos ng isang minuto, hindi parin ako natatamaan.

Nakahinto ba yung kotse sa tamang oras. Pero parang iba.

Lumapit ako sa sasakyan at nakita na naka-freeze lang yung driver. Yung itsura nya takot na takot. Walang gumalaw sa paligid ko.

Hanggang sa may nakita akong grey at dim na ilaw na nag illuminate sa kalsada.

"Jaelyn."

"Jaelyn."

Inulit lang nya ito.

Kulay grey yung suot nung babae pero parang silk yung material at she gives out grey light.

Pure black yung buhok nya at may diamonds na naka-lagay sa buhok nya, may kasama rin na long wire of gold na pacurl.

Long sleeved yung suot nya na bistida at sobrang pure ng balat nya. Puting puti at pure black ang mga mata nya.

Sobrang ganda nya, pinaka maganda na ata sa mga nakita nya sa mundo.

"S-sino k-ka??" utal ko na sabi.

"Ako si Dara, ang "true" cupid mo. Sumama ka sakin at ibibigay ko ang gusto mo."

"Bago yun, kailangan ko malaman kung sino ka. Anong gusto mo."

"Sa mga tao, anghel ang nakabantay sakanila, pero diyos ang magliligtas. Pero iba ka. May kapangyarihan ka. Sa kaluluwa mo nakatira ang moon goddess, at ako yun."

"Anong magagawa nang isang moon goddess? Hindi ba mas makapangyarihan ang sun? Meron bang sun goddess?"

Tumigil sya bago tumuloy.

"Hindi ko alam. Pero si Jacob..."

"Ano kay Jacob?"

"Diba gusto mo sya? Pag pinili mong sumama sa moon goddess, mapapasayo si Jacob. Sa isang condition."

"A-ano?"

"May naghihintay na betrayal. Pero sayo si Jacob. At yun yung gusto mo."

Napahinto ako sa sinabi nya. Ano ba yung sinasabi nya?

"Anong mangyayari sakin pag sumama ako sayo?"

"Wala kang magagawa. Masasagasaan ka at maoospital. Pero magigising ka ..PERFECTLY fine. With Jacob."

Hindi ba masyadong perfect tong deal na toh?

"Oo perfect. Papadating na SYA. Pero mukhang wala na syang magagawa."

"Sya??"

At napapikit nalang ako ng may mas puting ilaw ang nag illuminate sa buong lugar.

Mas powerful na ilaw. Mas malakas. At mas maganda sya. Sobrang ganda nya.

Kulay pula yung buhok nya, sobrang haba at perfect curls. Gold din yung wires pero mas maganda ang pagkashape nya. Mas malaki ang mga diamonds at nakakamangha dahil kumikinang yung diamonds at parang nasusunog.

Kulay orange yung bistida nya at short sleeved lang. Sa wrist nya may symbol na nakatatak. Symbol for the sun goddess.

"Perfect deal nga ba? Nasilaw ka na ng maling pagibig Jaelyn. MALING MALI. Goddess ay ang angel plus cupid mo. Kaluluwa mo. Pero kapalit--betrayal??"

"Pero yun lang yun. Lahat napapatawad ng pagibig."

"Oo. Kung yun talaga ang tadhana mo."

Tumitig ako sakanya at napatingin sa moon goddess. Nakangiti lang sya at may black na air ball na pinaglalaruan nya.

"Jaelyn, wala ako nang lalaking gusto mo,masasaktan ka at possibleng hindi ka na magising. Pero totoong pagibig toh. Walang betrayal."

"Possible akong mamatay??"

"Kung mabuhay ka ba at saktan ng minahal mo na maling pagibig.....hindi ka masasaktan? Pati puso mo, kaluluwa mo, masusugatan. Habang buhay."

Tumingin ako sa moon goddess at ngayon sobrang laki na nung black na air ball. Kasing laki na nya at yung black ball na yun, naging aura na nya.

Galit na galit ang mga mata nya at tumingin sakin.

"Your future love, 100% chance of surviving at konting betrayal na kayang hilumin ng pagibig. Yun lang."

Lumapit ang sun goddess ng naka ngiti.

"Only the TRUE love can heal betrayal. Mamatay ka man, hindi ba mas mabuti toh kesa sa mabuhay ka na sinasaksak ng maling pagibig."

"Kanina mo pa yan sinasabi."

"Ayaw mo lang intindihin."

Nainis na ko at biglang naguluhan.

"TEKA. SINO BA TALAGA ANG MGA LALAKING YAN?"

-----------

Omg sorry wala paring BTS hahahhahah wala ngang jungkook eh. Almost. Kayy. Jacob in multimedia

The Sun's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon