Nothing. Yet.

16 2 0
                                    

Jaelyn's POV

Kung hindi ko pa nasasabi, may 3 levels ang school nato. Isang level sa mahihina sa overalls, isang level na moderate at isang level na either malakas ka in all subjects or mayaman ka lang talaga.

Nasa pangatlo ako. Pero ang masama dun, moderate lang talaga ang score ko sa academics. Mayaman lang talaga siguro ako.

Reason na rin ng madaming higher level positions na kamuhian ako. May anti-fanclub na nga ako eh. I don't really know kung bakit ako nagkakaron ng fanclub at anti-fanclub. I'm innocent okay? Sila lang ang dahilan kung bakit ako sumikat.

Wala naman talagang pinagkaiba eh. Ang 3rd level position, simpleng uniform lang na green yung end ng sleeves.

Yung 2nd level, may isang blue tie at yung pangbabae, short lang yung tie nya. Then, they have a silver badge sa collar nila. Medyo mas maganda yung uniform sa 3rd level. Short at fit lang.

Yung sa 1st level position, na position ko, red ang tie at ganun din. Sa girls, short lang yung tie at may gold badge sa collar. May maliit na red ribbon ang nasa baba ng shirt. Sa malayo, hindi mo naman din papansinin. Tapos may floral designs sa sleeves.

Pwede naman gumala ang different level positions sa mga ibang level classes. Ewan ko ba.

Yung other building ng school namin ay para sa mga dorms. Dapat may kahati ako pero luckily, wala.

Baliw ata ang principal ng school namin. Pinapayagan ang boy and girl roomates. Pero yung biggest dorm lang yung pwede gamitin at dalawa ang bedrooms sa loob. Is this really a dorm or hotel room? WTH?

Sa totoo lang, wala pang boy and girl roomates. Kung wala lang talagang choice. I really hate roommates. Pangpagulo lang ng room.

"Omg andun na yung Jeon Brothers! Sayang naman yung kapatid ni Jacob, sobrang pogi pero hindi daw mahilig magaral. He is just between the 2nd and 3rd level. Sana mapunta sya sa 2nd level >_< then i can see him more often." Nasa 1st level position na nga ako pero tsismis pa din.

I don't know what strike me pero masyado na akong nakekealam lalo na sa mga tsismosa. Mostly kasi, ako ang topic.

Tumayo ako at rumampa papunta sakanila with the cold look again. "Anong kapatid? Tsismis kayo ng tsismis, kailan pa nagkaroon ng kapatid si Jacob?" somehow interested ako.

Huminga sila ng malalim bago sumagot. "Taga ibang school daw yun. Lumipat lang sa school natin this school year para mabantayan ni Jacob. Mapagbintangan kasi at naexpel." sagot nila. Sa sobrang taray nila, nilagpasan ko nalang sila.

"Sabihin nyo nalang na delinquent sya. Bagay na bagay sa 3rd level position. At hindi bagay na maging kapatid ni Jacob." pakealamera na kung ganun pero i lived this way. Palagi ako magiging masama.

Jacob's POV

Kumalat yung balita tungkol sa "kasalanan" ni Jungkook from his previous school.

Kung tatanungin naman kasi, mas pogi si Jungkook sakin. First few weeks palang nya, pinaguusapan na sya.

Nung nakita ko si Jungkook na nilalapitan at kinakausap si Jaelyn, sobrang naiingit ako. Kasi kahit kailan, hindi ako nagkaron ng confidence para lapitan sya.

Nararamdaman ko minsan, na baka may gusto din sya sakin. Pero minsan parang impossible na din.

Pero hindi ako susuko. Kasi pinamukha na ni Jungkook sakin kung gano ako kabagal. Madaming lalaki ang lumalapit sakanya. Hindi ko kayang lumapit kasi ni isa sa kanila, hindi nya nginitian. Pano pa kaya ko?

*Flashback*

"Jacob, nakita mo ba yung ginawa ko? Madali lang. Kahit mainis sya, at least nakausap ka nya at kinausap mo sya. Kung gusto mo sya, lapitan mo. Apaka tanga nyong dalawa eh."

Akala nyo siguro close kaming dalawa noh? Pero simula nung grade 7 na ako, parang palagi syang galit sakin. Iniisip ko kung ano yung kasalanan ko sakanya pero hindi ko talaga alam. Masama ba akong kuya?

"Jungkook, bakit ka ba palaging ganyan? Tapos na-expel ka pa sa school. Pano yung pagaaral mo ha? Kailangan kita alagaan para tumaas ang grades mo, pero kung ganyan ka hindi kita matutulungan." pagtuturo ko sakanya.

"Wala kang karapatan Jacob. Kasi selfish ka. Lahat nalang kasalanan ko, pero ang totoo, pinagtatakpan ko lang ang lahat ng mga kasalanan nyo." tapos kumaripas na sya ng takbo sa kwarto nya.

Selfish?

Jungkook's POV

"Uy Jungkook, sasali ka pala sa basketball? Bagong buhay ka na nyan?" pagbibiro ng isang basketball varsity na pangalan Drake.

"Bakit hindi ba pwede ang mga level 3 dito?" cold lang na sabi ko. Wala akong gana noh.

"Uy masyado namang seryoso toh. Sikat ka na sa school oh" sabi nya.

"Ano ba talaga problema??" dahil ganto ako magsalita, palagi nila iniisip na gusto ko ng away.

"Chill lang. Bata bata mo pa tapos ang laki na ng problema mo. Anong section ka ba?" sagot nya. Ang boring dito ha.

"Section 1-1B daw. San ba yun? Wala nga akong uniform eh."

Pagsagot ko tinignan lang nila ako ng nakanganga.

"Hindi ba sabi mo 3rd Level Position ka??" Tanong nya ng nakanganga.

"Oo bakit?? Sorry naman, wala akong alam. Para namang may pakealam ako."

"Hindi lang sila magkaparehas ng section, magkaparehas pa ng ugali. Tsk tsk." Bulong nila.

"Manahimik nga kayo dyan! Pinagtsi-tsismisan nalang ako sa pagmumukha ko pa!" Sigaw ko sakanila. Napatakip sila ng tenga at napatitig sakin.

"Grabe. Sobrang parehas ng ugali." Sabi nila sa pagmumukha ko.

"Oo na oo na. Alam ko namang gwapo ako, di mo na ko kailangan titigan." pakapalan kami ng mukha, panalo ako.

***

Hinanap ko yung klase ko. Hanep. 24 minutes late. New student naman ako eh.

Pumasok ako at nakita ang isang bakanteng upuan sa tabi ng isang babaeng naka-earpiece.

Habang nakatalikod yung professor, umupo na ako at nagkunyari na walang nangyari.

Nakita ako nung professor pero hindi ako pinansin?? Tanga lang? Hindi ba sabi ni Drake na 1st Class Position daw toh?

Napatingin ako sa babae sa tabi ko at natauhan ako ng makita kong si Jaelyn pala yun.

Hindi ko sya pinansin at tumingin lang sa board. Wala naman din syang sinabi.

Simula nun...hanggang ngayon. Hindi kami nagpansinan, hanggang sa araw na hindi inasahan ng lahat.

------------

Hindi edited. For fun. Own imagination :))

The Sun's CurseWhere stories live. Discover now