My Promise ♥8

136 4 0
                                    

Author's Message :

Sorry for 3 days late Update. pero ayos lang, tutal naman eh, pang 3-4 chapters naman itong ginawa ko sa chapter na ito. ayaw ko kasing paramihin yung chapter ng 2nd clue sa meaning nung promise eh! :))

kaya thanks for reading.

Comments, Suggestions, Corrections, and any Violent Reactions about this story is highly accepted. ! but not about the author not about his friends :DD

Please VOTE

Put your COMMENT

Be a FAN

_________________________________________________________________

♥ 8

♥ Priam (2¢ 價值)

Ahahahaha! ang saya-saya ko ngayong araw na ito. Kinikilig pa ako kay Cassandra. WHEEEWWSS! Sobra. lalo na kanina, niyaya niya akong kumain ng kaming dalawa lang.

ahahahah! pero wait lang ako nga pala yung nagyaya. pero ayos lang basta nag mahalaga sinamahan niya ako at kaming dalawa lang.

Hmmmm! ang bango ng pagkain ngayon dito sa Cafeteria, papakainin ko ng mabuti itong girlfriend ko. . . . . . GIRLFRIEND???? hindi pa nga pala kami. ang assuming ko masyado. patorpe pa kasi ako eh. . madala na nga ito doon kay Cassandra.

Hala, ano kaya yung pinagkakaguluhan doon? parang may nagsisigawan. nag-aaway ata. Exciting toh, mapanood nga muna.

"ANO BA!!! BITIWAN MO NGA AKO BAKIT MO BA GINAGAWA SA AKIN 'TO?"

"Malandi ka kasi! Sinong nagsabi sa iyo na pwede mong halikan si Priam?"

HALA ! P*ta. si Cassandra, pinagtutulungan. Grr...!

"ANO BA!!! BITIWAN MO NGA AKO SABI EH"

"MALANDI KA NGA KASI"

Sa sobrang gulat ko , nalalaglag ko yung tray na hawak ko, at napayabag ang paa ko ng malaka. nakikita ko ang panghihina ni Cassandra sa mga pang-aaway sa kanya.

"Bitawan mo siya" napatitig sa akin lahat sa ginawa ko. Yeah! HERO at LIGHTNING SHINING ARMOR ang PEG ko ngayon.

bigla na lang umiyak si Cassandra da kalagitnaan ng maraming tao, nakita ko sa kanyang mga mata ang pagkaawa. hindi ko alam kung bakit siya inaaway ng mga babaeng ito, pero ang alam ko lang eh walang sino man ang may karapatang manakit kay Cassandra.

tumakbo palayo si Cassandra mula sa lugar ng pinangyarihan at ako ay nanatiling nakatayo at sinusulyapan ang unti-unti niyang pag-alis.

"Hoy! Babae ka. Bakit mo ginawa yun? Bakit mo sinaktan si Cassandra?" tinanong ko siya ng puno ng galit at puot sa aking bawat salita. Makakpatay na ata ako sa ginawa nilang iyon.

"aaa--aahh! kasi. . . kasi"

"Kasi ano? Punyeta ka aah?"

"kasi MALANDI siya!" pagamamatapang niyang tugon sa akin at ipinarinig pa niya sa lahat ng mga nasa Cafeteria "Siguro naman aware ka sa ginawa niya?"

"Una sa lahat hindi kita kilala, at hindi ka rin niya siguro kilala. Ikalawa, wala akong pakialam kung sino ka man. Ikatlo ano ba yung ginawa niya at kailangan mo siyang saktan?"

"INAKIT KA NIYA! Nilandi ka niya. kumalat na sa lahat yung halikang ginawa niyo sa may play! so FLIRT! ikaw naman nagpalandi ka."

"eh! ano naman sa iyo kung naghalikan man kami? part yun ng play eh! BOBO ka ba?"

My Promise: GADASTASILDILYM Kita  ♥Where stories live. Discover now