My Promise ♥6

199 5 0
                                    

Author's Message :

ito po ay dedicated to my friend airinvillalon, ipagpatuloy mo pa nawa ang pagsuporta sa nobela kong ito.! yeah!! :DDDDDDDDD 

Love you my Dear Friend! :)) ahahahahahahahahahaha 

Please VOTE

Put your COMMENT

Be a FAN

_________________________________________________________________

♥ 6

♥ Priam (2¢ 價值) ♥

Umalingawngaw ang tunog na kanyang palad sa aking kaliwag pisngi. at siya ay tumakbo palabas ng auditorium. samantala ako, nananatiling nakatulala, at hindi pa makagalaw at makabalik sa katotohanan.

hindi pa rin pumapasok sa isipan ko kung bakit ko nagawang halikan siya sa harapan ng maraming mga mag-aaral. Hindi ko rin alam kung bakit siya gumanti sa binigay kong halik sa kanya. maraming tanong ang gumugulo sa isip ko hanggang ngayon pero isa lang ang gusto kong mangyari ngayon, ang makita ko siya at mahanap para makahingi ako ng tawad sa kanya.

tumakbo takbo ako sa buong paaralan para mahanap ko siya.

pumunta ako sa may playfround kung saan kami naging magkaibigan pero wala siya. tumakbo naman ako papuntang clinic at nagbaka-sakaling naroroon siya pero hindi ko rin siya nakita.  Napadpad na ulit ako sa room namin pero hindi man lang daw siya pumunta doon sabi ng mga classmates ko. Nagpumilit na rin akong pumasok sa CR ng girls para makita ko siya pero wala din ako napala. Dumaan ako sa gitna ng maraming tao kung saan makikita doon ang iba't-ibang booth na pakalat-kalat gayundin ang mga mag-aaral na namamasyal pero hindi ko siya mahagilap.

"may nakita po ba kayong magandang babaeng nakacostume na pangChinese?" tanong ko sa isang estudyante.

tumakbo lang ako.

"uhmm, excuse lang po, may nakita po ba kayong babaeng kaparehas ko din ng damit, maganda siya at maputi?" tanong ko naman sa iba.

Hinanap ko ulit siya.

"HOY! nakakita ka ba ng babaeng kaparehas ko ng Damit? Cassandra ang pangalan niya," pag-iinit ng ulo ko dulot na rin ng kaba at mga iniisip na mga kaganapan,

halos paulit-ulit na lang ang mga litanya ko sa mga mag-aaral na nakikita ko, pero isa lang ang lagi nilang sagot sa akin, WALA ! kung hindi man iyon ang sagot nila sa akin, ang nagiging tugon na lang nila ay pagkakaba, sabagay sino ba naman ang makikipag-usap sa akin , eh Gangster nga ako diba?

Kinakabahan pa din ako sa kung ano man ang naging reaksyon niya sa ginawa ko. ang tanga-tanga mo naman kasi Priam eh, bakit mo pa ginawa yun? inuuna ko kasi lagi ang katangahan ko eh, yan tuloy umalis siya at tumakbo at hindi na tuluyan pang tinapos yung play. KABANAS KASI EH.

Desedido na akong ilabas lahat ng lakas ko, kahit takbuhin ko na ang buong paaralan buong araw basta makita ko lang siya. kaya patuloy tuloy ko lang ginagawa ang mga bagay na sinabi ko kanina. tanong dito tanong doon. takbo dito. takbo diyan. halos 1 oras l\ko na ito ginagawa pero hindi ko pa rin siya nakikita.

Dumiretso ako sa isang eskinita sa aming paaralan  ng may makapukaw sa aking pansin. isang babaeng nakaupo sa may batuhan at naghihintay na may pumunta at lumapit sa kanya. Mag-isa lamang siya doon na parang walang kasama. maganda siya at kaakit-akit, elegante din siya kung titignan. Hindi ko alam pero parang ang kanyang mga mata ay nakasulyap sa akin, matang nagsasalita at nagpapalapit sa akin. nabighani din ako sa kanyang taglay na ngiti na nagpupumilit sa aking mas lalo pa siyang kausapin. nakasuot din siya ng costume pero yung sa kanya, ay traditional costume ng Korea.

My Promise: GADASTASILDILYM Kita  ♥Where stories live. Discover now