[7] Meeting Kuya Nathan + Bryle's Game + Date sa Kikiam-an?!

Start from the beginning
                                    

"Good Morning po." Bati niya noong makita niya si Lola. 

"Uy pasok ka." sabi ni Ate. Pumasok nga siya. No choice. Masamang maging bastos. 

Pagtalikod ko..

"Guys, si Nathan nga pala. Nathan si Lola at yung kapatid ko, si Hope."

Ngumiti siya kay Lola at naghello. Pagdating sa akin..

"Ikaw pala si Hope." sabay ngiti.

O_____O

Ang gwapo ng manliligaw ni Ate! Bakit ang gwapo?! College na kasi si Ate. Marketing ang course niya. 

"Kain na tayo?" sabi ni Ate. 

Wow lang. Wow. *O* Ngayon pa lang boto na ako sakanya. Ang gwapong brother in law nito pag nagkataon. 

Nagbreakfast lang kami. Nakakatuwa si Kuya Nathan! Nakita daw niya kasi si Ate sa gym na naglalaro ng volleyball tapos sinadya niyang tamaan ng bola para makapaghello siya! Tapos inaraw araw na daw niya! 

SAMA DIN NG UGALI EH NOH! Magpapansin na lang mananakit pa! 

Ito naman daw si Ate noong una galit na galit kay Kuya Nathan kasi nga naman! Ikaw ba naman ang batuhin ng bola! Kaso nafeel daw ni Ate na everyday pahina na ng pahina at ang O.A na na laging tinatamaan siya! Kaya daw tinanong niya si Kuya Nathan kung anong gusto niya? At ang sagot ni Kuya Nathan? 

"Ligawan ka. Pwede ba?"

OMG! Nakakakilig diba?! Enjoy na enjoy ako sa pagkain ng tocilog ko dahil sa dalawang ito. :"> 

"Uy Ate, Lola, Kuya Nathan una na ako, malalate na naman ako sa Flag Ceremony eh."

Aalis na sana ako ng biglang..

"Hatid ka na namin ng ate mo?"

Nagtaka ako.. Hatid? O__o? At paglabas ko. May Mercedes Benz. *O* Bongga. Gwapo na mayaman pa mabait pa. Sige na Ate ikaw na! Ikaw na swerte sa manliligaw mo. 

Pumasok muna si Ate sa loob para magpaalam kay Lola. Naiwan kami ni Kuya.

"Oy, Kuya Nathan."

"Yo?"

"Seryoso ka ba sa ate ko?"

"Oo naman."

"Siguraduhin mo ah! Lagot ka sakin!"

"Oo naman. Takot ko na lang sayo."

"Aba dapat lang! Seryoso ka na talaga diyan ah?"

"Sana magwork out. Unang beses ko lang dumalaw sa bahay ng nililigawan ko eh."

"Weh?"

"Yung iba kasi girlfriend ko na bago ako pumunta, siya kahapon ko lang niligawan bahay agad."

"Aba dapat lang! Wag mong paiiyakin yan ah!"

"Oo naman. Sige. Basta, ireto mo ko ah?"

"Oo naman! Sa lahat ng manliligaw niyan ikaw ang bata ko!"

"Ilang bang manliligaw meron yan?"

"Kahapon kasi may tatlong bouquet ng rose na nagpadala sa bahay namin eh. Kahapon pa lang yun."

"Oo nga, crush ng bayan sa amin yang ate mo eh. Kaya promise mo ilalakad mo ako ah? Para sagutin niya ako!"

Wow. Ate ko yan! ^O^ Proud ako diyan! Sana lang nagtira siya ng charms para sakin!

"Oh Hope, Nathan, ano pinaguusapan niyo?"

"Sikretong malupit! Tara na late na ako!" demand ko. Nagwink na lang sa akin si Kuya. Oo na! Ilalakad na kita. 

100 Steps To His Heart [Published Book]Where stories live. Discover now