Pagkalabas ko ng restroom nakita ko si Nathan. I want to call him Nathan, ba't ba? Siya nga kung makatawag ng Eliza napakadalas. At masyadong common ang Nate eh. Mas type ko yung Nathan at Nui. Ang cute ng name niya eh. Nakakainggit tuloy. Okay, lumalabas na naman ang pagiging boyish ko. Great.

Nakita ko siya na may kasama. A girl and a boy. Yung babae naka-dress at naka-high heels. Babaeng-babae compared sa akin. Hindi ko makita yung mga mukha nila dahil nakatalikod sila mula dito sa pwesto ko.

 

"Wifey!" There he is with his Wifey thing again. Hindi ba pwedeng ‘wag na niya akong tawagin na ganun? Nasa mall kami for Pete’s sake! Hindi ba siya nahihiya?

 Tumakbo siya papunta sa akin at inakbayan ako. What the ef? Di ako ready sa pagpapanggap ngayon ah. Nakakahiya kaya. May kasama pa naman siya.

Humarap sila sa amin na halatang curious sa babaeng sinabihan ng wifey ng lokong ito.

"J-Jan?" sabi sa akin nung boy. S-siya? Ngumiti ako sa kanya kahit awkward dahil ang tagal na din ng huli naming paghaharap at ganun din naman siya.

"Kilala mo siya, Babe?"May girlfriend na pala siya? Sabagay, siya pa mawalan?

"Yeah, schoolmates kami mula highschool hanggang ngayon. Nung HS kami, siya yung vocalist namin nung Battle of the Bands. Naging close friend ko din." Tumingin siya sa akin at ngumiti.

1st week pa lang ng college year, campus heartrob na agad. Kahit nung highschool pa lang naman eh. May itsura naman kasi siya, varsity player at gitarista. Marunong pang kumanta.

"Kamusta ka na Jan? Babae ka na pala ah." sinamaan ko nga ng tingin. Babae naman ako ah. Di nga lang obvious. Ano ako alien?

"Shut up, Kiejan." ngumisi lang siya.

"So, magkaschoolmates pala tayo. I'm Sofia. Sofia Perez."humawak siya sa braso ni Kiejan at inilahad ang isang kamay niya sa akin."I'm Kiejan's girlfriend and. . ."

"Nathan's former girlfriend, right?" pagtutuloy ko. Di na umiimik ang katabi ko. I shrugged. Inabot ko na din ang kamay ko sa kanya."Jan Montenegro. Nathan's girlfriend."

Eww. Bigla akong nandiri sa sinabi ko. Pero kailangan kong tiisin. Kawawa naman kasi itong kasama ko eh. Baka mamaya maglumpasay na dito. Tinignan ko si Sofia. Maganda siya pero yung pagiging maganda niya yung tipong maldita look.

"Jan Montenegro? Montenegro ka? Do you know... Mr. and Mrs. Jasper Montenegro?" Montenegro nga diba? Itatanong pa kung montenegro. Pilipinong-pilipino.

Unang kita ko palang sa kanya masasabi kong I hate this girl. Bad aura ang nararamdaman ko sa kanya. Girls instict nga naman.

And to let her know, I don't often talk about our business. It’s just too awkward. Hindi ko kasi gawain ang ipagsabi kung anong meron ang pamilya ko.

My Contract Boyfriend [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon