What the f? Kahit nabasa ko na itong part na ito, di ko maiwasang mainis. Nagawa kong pumayag? Err.

Pinagpatuloy ko na ang pagbabasa dahil alam ko kahit anong inis ko,napiramahan ko na.

Mission: They need to do everything or anything that can make her(ex-girlfriend) realize that she still love him.

Bakit ba siya hiniwalayan? At paano naman namin ito gagawin? Paano kung hindi na talaga siya mahal? Masasayang lang ang panahon ko.

Do's and Don'ts:

-Go in a date.

-Let other people know that you two are in a relationship and inlove.

-Make her jealous.

-No Flings

Okay? Sinagot na ang tanong ko. Ako maiinlove sa kanya? Pwe! As if naman.

Very Important:

Don't try or dare to fall in love.

As if naman maiinlove ako sa kanya. May very important pang nalalaman. Never in a million times! Ayokong mainlove sa isang bossy, loko, at englisherong hilaw na ito.

Binalik ko na sa kanya ang kontrata at sakto naman na dumating na yung order namin.

"Anong pangalan niya?"pag-uumpisa ko. Tumingin lang siya sa akin na may pagtataka.."Siguro naman hindi mo ipagdadamot yung pangalan niya. Masyado naman atang imposible na wala akong kaalam-alam sa ex mo knowing na girlfriend mo ko."

Masaklap man at hindi kaaya-ayang sabihin at marinig eh sinabi ko na. Dapat na rin siguro akong masanay sabihin na girlfriend niya ko.

Humarap ulit siya sa kinakain niya but this time mas lalong naging seryoso ang mukha. Kung gaano kaseryoso ang mukha niya, mas lalo na ngayon.

"Sofia. Sofia Gail Perez."

Sofia? Parang familiar yung name niya. Well, makikilala ko din naman siya so wag ko nang isipin pa kung familiar or what. I'm not that interested.

xx

Nagpaalam akong mag-ccr lang pagkalabas namin ng restaurant. Parang nag-iisip pa siya kung papayagan niya ba ako or what. "Wag kang mag-alala, di kita tatakasan, masyadong maliit ang bintana sa restroom."

Nagglare siya sa akin pagkasabi ko nun. Napangisi na lang ako sa kanya.

Pumasok na ako at ginawa ko na ang business ko. Naghugas ako ng kamay at nag-ayos ng buhok at mukha. Baka sabihin niya wala akong effort sa katawan. Malait pa ko.

My Contract Boyfriend [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon