Arrggh! Pati ba naman konsensya niya?!?!?!

Padabog niyang isinara ang computer niya at mabilis na umalis ng opisina.
.
.
.
.
.
Hi Babe!

H...hello?

Hi Babe! I miss you!

A...ly! Napatawag ka?

Why, you don't want to talk to me now?

Ahm, A....alyssa, m...may problema ba?

Just tell me kung ayaw mo akong kausapin! Madali naman akong kausap!

Ba....

Beep! Beep! Beep!

Pinatayan siya ng tawag ng nobya.

Si Valdez yan, di ba?

Nilingon ni Dennise ang nagsalita.

Hindi siya sumagot. Sa halip, ibinulsa niya sa pantalon ang telepono at nakahalukipkip ang mga braso na tinitigan lang ang kaharap niya.

Nothing to say? tanong ng bisita niyang matamang nakatingin sa kanya.

Ano ho ba talaga ang pakay nyo sa akin, uncle?

My oh my! Aren't you still young para magkaroon ng sakit na dementia, hija?

Can you go straight to the point? Wala ho akong panahon para makipagkuwentuhan sa inyo!

And you're brave now, eh? Why, dahil nasa poder ka na niya? Baka nakakalimutan mo...

Wala ho akong nakakalimutan, uncle, nagtitimpi niyang sagot. Pero hindi ko rin ho nakakalimutan na ginawa ninyo akong instrumento para magawa ang kawalanghiyaan ninyo!

Dahan-dahan ka sa pananalita Dennise! Kung hindi dahil sa akin, hindi ka mapupunta sa lugar na iyon!

Para ano, uncle? Para magnakaw ng impormasyong hindi naman dapat sa inyo???

Na ninakaw lamang din ni Valdez mula sa akin! tumaas na rin ang boses nito. Ako dapat ang mananalo sa mga proyektong iyon Dennise, hindi si Valdez! Pero dahil dinadaya niya ako, sa kanya napupunta ang dapat ay akin! At ngayon, pinaiimbestigahan niya ako sa SEC at NBI?!?! Wala siyang karapatan, wala!!!

Hindi totoo yan!! Walang ninakaw sa inyo si Aly! Kayo ang magnanakaw!!!

Kumunot ang noo ng kausap niya at maya-maya lang ay ngumisi na parang aso.

So, tama pala ang dinig ko. Aly na pala ang tawag mo sa kanya ha? May ibig sabihin yan pamangkin!

Uncle...

Ang talino mo talaga pamangkin! He he he! Hindi ko naisip yan, sa totoo lang!

Uncle, anong....?

First name basis na tawagan ninyong dalawa, ibig sabihin, malapit na ang loob niya sa'yo. Ibig din bang sabihin non, dinidiskartehan ka niya? I forgot that Valdez is into women, and everybody knows that. At hindi imposibleng matipuhan ka niya. You're a beautiful woman, my niece. Sigurado akong hindi ka makakaligtas sa mata ng isang tulad ni Alyssa Valdez. Kaya ba siya tumawag ngayon? Para sana sa date ninyong dalawa? He he he!

PerfectWhere stories live. Discover now