"Hindi matutuloy? Paano? Bakit?" sabi ni Mich.

"Oo nga Sissy paanong hindi matutuloy? Eh kasasabi lang kanina ni Nate na magdedate kayo bukas." sabi ni Yhanna na pinupunasan ang luha niya. Talagang naiyak na siya. Napaka-babaw talaga ng mga luha nito.

"That's it! Dahil sa date, hindi na matutuloy ang kontrata." Pagmamalaki ko sa kanila. Pumunta ako sa kusina at kumuha ng makakain. Kanina pa kami nagdedebate tapos hindi man lang ako nagawang pakainin.

"Ano bang gagawin mo sa date, Sissy?"sumunod pala sila sa akin sa kusina.

"Magpapakabaliw ka? Lalakad ng walang tsinelas? O kaya man gagawa ka ba ng nakakahiyang eksena doon?"binatukan ko si Yhanna. That's too much. Hindi ko sisirain ang pagkatao ko no.

"Wala akong gagawin dahil hindi ako sisipot. Magtatago ako."

Magtatago ako sa kanya. Aalis ako ng maaga bukas. Pupunta ako kahit saan na alam ko hindi ako mahahanap nina Mich at ng bwisit na Nate na 'yun.

Solo flight ako bukas. Kapag kasi sinama ko yung dalawa, I'm sure mabubuking ako. Hindi pa naman matahimik ang mga bunganga ng dalawang ito.

July 21

Sunday

"Sissy, sabihin mo na kasi sa amin kung saan ka pupunta!" pagpupumilit ni Yhanna sa akin habang pababa ng hagdan ng apartment namin.

"Wag niyo nang alamin. Basta kapag dumating siya or sila, ang sabihin niyo na lang nagmamadali ako at importante ang pupuntahan ko, okay?"

"Nako naman eh! Jan ang hirap naman ng pinapagawa mo! Di kami magaling mag-excuse lalo na nakakatakot kausapin si Nate." sabi ni Mich na hinarangan ako sa pagbukas ng pintuan.

"Isipin niyo na lang na makakabawi na kayo sa pagdawit sa akin sa gulo na'to, ok?" nagkatinginan lang silang dalawa. Tumabi naman si Mich sa gilid para mabuksan ko ang pinto.



Pagkabukas ko ng pinto humarap muna ako sa kanilang dalawa.



"Sabihin nyo sa kanya yon ha? Babalik din ako. Maggagala-gala nalang muna ako. Bibili ko kayo ng ice cream at cake if you want just please, don't tell him my plan." nang marinig nila ang ice cream at cake instant na nawala ang pagkagulo ng isip nila at napalitan ng excitement at kasiyahan lalo na si Yhanna.



Kapag talaga sweets, nakakalimutan nila lahat.



Lumabas na ako ng gate. 11 am palang. Ang aga pa. Saan naman kaya ako pupunta?



Hmmm. Maglalakad-lakad na lang muna ako.



xx

Yhanna's POV



5 minutes na lang nandito na si Nate!



Kanina pa kami paikot-ikot ni Mich dito sa sala. Hindi namin alam kung anong sasabihin. Nakakatakot naman kasing kausap si Nate! Parang dinosaur!



"Kung magtago na lang din kaya tayo?" sabi ni Mich na tumigil muna sa paglalakad.



Nakakatakot naman. Parang kriminal si Jan na pinaghahanap ng mga pulis.



"Alam ko na! Si Manang!" sabi ni Mich na ang lapad ng ngiti.



Si Manang? Si Manang ang makikipagdate?



My Contract Boyfriend [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon