Thirty-Sixth Changed

Start from the beginning
                                    

"Hey miss, how much did Jimuel pay you just to talk with ha?" medyo inis na sabi nya. Napatawa naman ako.

"Shut up Vincent Kim! Hindi ako binayaran ni Jimuel para kausapin ka, kawang gawa ang tawag dito!" natatawang sabi ko sa kanya na dahilan din ng pagtawa nya.

"Haha si Dana ka nga! I miss you Dana, so pupunta ka ba mamaya?" ulit na tanong nya.

"I don't know nga, tinatamad kasi ako" white lies. May ayaw kasi akong makita.

"Hala pumunta ka!"

"Bakit ikaw makakapunta ka ba?" nasa America pa rin kasi sya ngayon, although after nyang gumaraduate noon sa NYU ay umuwi sya pero hindi kami nagkita.

"Oo, didiretso na ako kila Stephen pagkagaling ko ng airport" parang may kung ano sa akin nung sabihin ni Vincent yung pangalan nya, siguro dahil sa ngayon ko lang ulit narinig yung pangalan nya.

"Uuwi ka pala hindi ka man lang nagsasabi" kunyari nagtatampo ako sa kanya pero ang totoo nyan ayaw ko ng kasing marinig pa ulit yung pangalan nya.

"Anong hindi? Eh naubos na nga yung mga dollars ko kakatawag dyan kay Jimuel para sabihin sa iyo na uuwi ako pero hindi pala sinabi sayo?" tumingin ako kay Jimuel at umiwas sya ng tingin kaya sinuntok ko sya sa braso nya pero tinawanan lang ako.

"Kalma, singilin mo na lang pagdating mo dito" payo ko sa kanya, pano highblood eh.

"Si Jimuel magbabayad? Baka singilin pa ako nyan sa sampung piso kong utang noong highschool pa tayo, isama mo pa yung pakimkim ni Seojin at ilang pasko at birthday na hindi ko sya naregaluhan kaya wag na lang" mahabang lintaya nya. Nakakamiss yung kulit ni Vincent.

"O kalma ka lang" pagpigil ko sa kanya.

"Teka wag mo ngang iniiba yung usapan, pupunta ka ba mamaya?" tanong nya ulit. Napabuntong hininga naman ako.

"Hindi ko nga alam" ulit ko sa sagot ko kanina.

"Bakit nga kasi, pumunta ka na please Dana para sa akin pumunta ka na please, please, please" naiimagine ko syang nakapout ngayon.

"Pupunta ako kung--"

"Ok see you later" pagpuputol nya sa sasabihin ko. Hindi na nga ako pinatapos pinatayan pa ako. Ibinalik ko kay Jimuel yung cellphone.

"So you're going later?" tanong din nya. "Bahala na" walang ganang sagot ko.

Katahimikan ang naghari sa amin. Gusto ko naman talagang pumunta kasi matagal ko ng hindi nakikita si Nanay pero may pumipigil sa akin.

"Don't you think its time to find your happiness Dana?" napatingin ako sa kanya nung bigla syang magsalita. Happiness? Masaya naman ako di ba?

"Happiness? Bakit masaya naman ako ha" nakangiting sabi ko sa kanya.

"Really? Are you really happy Dana?" nawala yung ngiti ko dahil sa tanong nya. Tama sya, hindi ako masaya dahil may malaking kulang sa buhay ko.

"Bakit kapag pumunta ba ako doon magiging masaya ako? Kapag nakita ko na ba sya na kasama si--" napatigil ako nung maalala ko yung pangalan nung babaeng yun.

"See, you're still bitter Dana." tumayo sya mula sa pagkakaupo nya at sinabit sa balikat nya yung maliit na bag ni Seojin. "I think its time for you to move on" hinila nya ako patayo at saka tinawag si Seojin.

"Seojin-ah! Tara uwi na tayo." nagpaalam si Seojin aa mga kalaro nya saka tumakbo papalapit sa amin.

"Bye Umma! See you tomorrow ay later pala" paalam sa akin ni Seojin nung makarating kami sa building ng condo ko. Hinalikan ko sya sa pisngi at kumaway.

"Wear your beautiful dress ha! Jimuel ingat sa pagdadrive" hinintay ko silang mawala sa paningin ko bago ako tuluyang pumasok sa loob.

Limang taon na rin simula nung lumipat ako dito sa condo na kinuha ko kila Jimuel. Masyado na kasi akong busy sa pagtuturo sa isang international school at malayo sya sa bahay kaya nagpagpasyahan kong lumipat. Nung una ayaw ni Nanay pero sa huli pumayag na rin sya, nagako kasi ako na dadalaw sa kanya pero hindi ko nagagawa dahil sa dami ng gawain.

Si Seojin? Anak ni Jimuel yun. Umma lang ang tawag nya sa akin dahil ako ang nakagisnan nyang ina dahil namatay yung tunay nyang ina sa panganganak. Although alam ni Seojin yung totoo, ako pa rin yung tinuturing nyang ina.

Pumasok ako sa elevator at may nakasabay akong isang lalaki. Hindi ko nakita yung mukha nya dahil nakahoodie sya. Pipindutin ko sana yung number 11 ng ganon din yung ginawa nya kaya nagkadikit yung mga balat namin at nakaramdam ako ng kuryente na dumaloy sa katawan ko.

"Ah sige ikaw na" sabi ko. Pinindot nya yung number 11 at umandar na yung elevator. Kaming dalawa lang sa loob at ang tahimik kaya nakaramdam ako ng pagka-ilang.

kkwak jabajwo nal anajwo
Can you trust me, can you trust me
can you trust me

Bigla syang kumanta. Ewan ko pero habang naririnig ko yung boses nya ay bumibilis ang tibok ng puso ko na para bang gusto nyang lumabas.

kkwak kkeureoanajwo
kkwak jabajwo nal anajwo
Can you trust me, can you trust me
jebal jebal jebal kkeureoanajwo

Isang tao lang naman ang kayang magpabilis ng ganon sa tibok ng puso ko, si Stephen.

"Miss anong floor ka?" napakurap ako nung biglang may magtanong sa akin. Wala na yung lalaki kanina at nasa floor 14 na kami. Inayos ko yung sarili ko at pinindot yung number 11.

Pagdating sa floor 11 ay agad akong lumabas at naglakad papunta sa pinto ng condo ko. Napahawak ako sa dibdib ko at naghabol ako ng hininga. Anong nangyayari sa akin? Ramdam ko pa rin ang bilis ng tibok ng puso ko. Inenter ko yung passcode ko at papasok na sana ng may mapansin akong isang pulang rosas sa sahig.

Pinulot ko yun at may nakadikit na sticky note.

미안헤. 사랑해.
-S

Napatingin ako sa paligid pero wala namang ibang tao. Hindi ko na lang pinansin at pumasok na ako sa loob kasama yung bulaklak.

-----------------------------------------------

Akala nyo ending na??? Akala ko din eh XD

Bitin di ba? Bakit? NAWALA kasi lahat ng drafts ko kaya ganun. Ulit lahat T^TT

MAy nagbabasa pa ba?

Everything Has ChangedWhere stories live. Discover now