SEPTEMBER 18, 2025
HINDI AKO mapakali sa aking kinatatayuan. Tila ba para akong naghihintay sa mahabang pila ng isang public CR sa mall o 'di kaya'y sa pila ng magwi-withdraw ng pera sa ATM. Pabalik-balik din ang tingin ko sa suot kong wristwatch at paulit-ulit na tinitingnan kung anong oras na.
It's already past eight in the evening. Hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi si Fred—ang boyfriend ko. Kanina ko pa siya hinihintay dahil ngayong gabi ay napagplanuhan namin na ise-selebrate, kasama ng pamilya ko, ang birthday ko.
"Alfred, nasaan ka na ba?" naaatat kong bulong sa aking sarili. Hindi ko rin maalis-alis ang tingin ko sa labas ng aming bahay. Sa tuwing may sasakyan na dumadaan sa labas, mabilis akong napapalingon doon.
"Baka na-traffic lang, anak," sabi ni Mama Susan sa aking likuran. Nang lingunin ko siya, nakita kong abala ito sa pag-aayos ng mga pagkaing nakahanda sa maliit naming mesa. Kaming dalawa lang ang nasa bahay ngayon dahil ang nakatatanda kong kapatid na si Ate Yolly ay hindi raw makararating. Sabi niya sa 'kin, may night shift duty raw siya sa call center agency na pinagtatrabahuhan niya.
Halos mahimatay na ako sa aking kinatatayuan dahil ramdam kong hindi pa humuhupa ang kaba at pag-aalala ko. Kahit sabihin pa ni Mama na baka na-traffic lang si Fred o baka busy lang ito sa negosyo nitong Car Repair Shop, pakiramdam ko sa aking dibdib na parang may masamang nangyari sa kanya.
Ang nega kong mag-isip, pero hindi ko masisisi ang sarili ko. Isa kasi akong professional overthinker. I overthink a lot, at ito ang kahinaan ko mula pa noong magkaisip ako.
"Medyo nag-aalala lang ako kay Fred, 'Ma. Kanina ko pa siya tinatawagan pero 'di naman siya sumasagot," sabi ko. Nagsisimula na akong mataranta, kasabay ng panginginig ng aking mga kamay.
Hindi ko namalayan na lumapit na pala si Mama at agad niyang hinawakan ang nanginginig kong mga kamay upang pakalmahin ako.
Naging epektibo ang pagkakahaplos niya. Napansin ko na unti-unting humina ang panginginig ng aking mga kamay, ngunit hindi pa rin sapat iyon para mawala ang pag-aalala ko kung nasaan na si Fred.
"'Wag ka masyadong maging tense, anak. Isipin mo na lang na baka naipit lang sa traffic si Alfred o may urgent business lang na kailangang asikasuhin kaya hindi siya sumasagot."
"Pero 'Ma—"
"Syntyche, habaan mo ang pasensya mo. Hindi mo kailangang maging ganito sa tuwing hinihintay mo si Alfred. Paano na lang kapag kasal na kayo at asawa mo na siya? Hindi lahat ng oras ay narito ako sa tabi mo para haplusin ang mga kamay mo."
Iyon na lamang ang sinabi ni Mama bago niya ako iwanan sa kinatatayuan ko. Napansin kong tuluyan na ngang tumigil sa pagnginginig ang aking mga kamay.
Muli akong napatingin sa labas ng bahay nang iwan niya ako. Hanggang ngayon ay naroon pa rin ang nararamdaman kong kaba at pangamba, ngunit pinilit kong maging kalmado upang hindi ulit umatake ang anxiety ko. Nakatayo lang ako sa bukana ng pinto, nakasandal ang ulo ko sa door frame, naka-cross ang mga braso, at mahabang pasensyang patuloy na hinihintay si Fred.
'Yong totoo, bukod sa iniisip ko na may masamang nangyari sa nobyo ko ngayon, hindi rin ako mapalagay dahil malakas ang kutob kong may tinatago si Alfred sa akin.
Matagal na kaming magnobyo't nobya. College pa lang ay kami na, at hanggang sa grumaduate kami ay nanatili ang pagmamahalan namin sa isa't isa. We've been in a relationship for almost seven years. Accountancy student ako noon at siya naman ay Mechanical Engineering.
We graduated in 2019, bago pa tumama ang COVID-19 pandemic. At sa anim na taon mula nang kami'y magtapos sa pag-aaral, hindi naging madali ang buhay-relasyon namin ni Alfred.
YOU ARE READING
Heard After Goodbye
RomanceIsang oras matapos makumpirma ang pagkamatay ng aking boyfriend na si Alfred, may natanggap akong voicemail galing sa kanya. His voice was calm, intimate, and meant only for me. He left behind a message I wasn't supposed to hear, leading me to a tru...
