ALL - Forty Four

Depuis le début
                                    

Natawa naman si Sir. "Go find a seat."

Nataranta naman ako bigla. Dito na lang sa tabi ko ang bakanteng pwesto. Shit. Anong gagawin ko? (A) Papaupuin siya sa tabi ko na parang walang nangyari (B) Hindi ko na lang siya papansinin the whole sem (C) Iyak na lang

Pero hindi pa rin siya umuupo sa tabi ko kaya lumingon na ako at nakita ko siyang nakatayo pa rin at tila naghahanap ng mauupuan.

"Mr. Sison, ba't hindi ka pa umuupo?" sita ni Sir.

"W-wala na po akong maupuan, Sir."

Binigyan siya ni Sir ng tinging 'di makapaniwala. "Niloloko mo ba 'ko? Ayan sa harap mo oh kung saan-saan ka pa tumitingin."

"Hindi Sir kasi ano...naghahanap ako ng magandang pwesto."

"Deign dito ka na oh!" malakas na sigaw ni Indi. Tinuro niya ang upuan sa tabi niya kung saan may nakaupong lalaking hindi pamilyar.

"Kita mong ako nakaupo dito eh!"

"Wala akong pake. Do'n ka sa likod, dito si Deign!" sagot ni Indi.

"Ako nauna dito! Kung gusto mo kayo magpalit!"

Indi groaned. "I hate you."

"Wala akong pake sa feelings mo."

She gasped. For a while, nawala ang pagkaaligaga ko na magka-klase nanaman kami ni Deign. It quite felt good to know na hindi lang ako ang kumakalaban kay Indi.

"Mr. Sison, just take a seat." Sabi ni Sir sa kaniya pero hindi pa rin niya ginawa.

"Sir, malabo kasi mata ko eh kaya hindi ako pwede dito sa likod."

Kumunot ang noo ko sa rason niya. Kailan pa lumabo mata niya? Napa-iling na lang ako. Iba talaga 'pag desididong layuan ako, nagagawa niyang magsinungaling sa iba.

Nilabas ko ang phone ko at tinext ang dalawa kong kaibigan.

To: Zoe; Tanya
I hate it here L bakit andito si Indi #tooearlytobitcharound

And of course, hindi sila makakapag replya gad dahil tulog pa sila. Puro tanghali ang start ng klase nila. Life is so unfair. Hindi ko na nga kasama ang mga kaibigan ko, andito pa 'tong bitchesa na 'to at higit sa lahat kaklase ko pa 'yung mahal ko na iniiwasan naman ako.

In the end, pinagpalit nga ni Sir si Deign at 'yung katabi ni Indi. Ang ganda-ganda siguro ng umaga lagi ni Indi, katabi na si Deign, ang gwapo pa ni Sir.

Nakabusangot na umupo sa tabi ko ang lalaki.

"Badtrip talaga 'yan si Indi," bulong niya na narinig ko.

Tinapik ko ang balikat niya. "I feel you."

"Tangna niya lang 'di ba? Makalandi lang eh, bwisit."

I chuckled then extended my arm. "I'm Gia."

He took it and shook hands with me. "I'm William."

"So bakit mo kinuha 'tong ganto kaagang Math class?" I asked.

He shrugged. "No choice eh, conflict na sa major subjects ko 'yung ibang Math class. Ikaw?"

"Naubusan ako ng slot, badtrip."

He smiled. "Akala ko katulad ka rin nila na dahil kay Sir eh."

"'Di ko nga alam na siya pala magiging professor ko dito eh."

"Sus. Kunwari ka pa eh."

"Hoy hindi nga!"

May narinig kaming tumikhim sa gilid ni William at nakita namin si Sir na masama ang tingin sa amin. "Baka puwedeng abutin niyo muna 'tong syllabus bago kayo magligawan?"

A Levelheaded LassOù les histoires vivent. Découvrez maintenant