Chapter Twelve: Part Two

680 14 11
                                        

Masakit man, but I watched AJ as he sat down next to me on the bench uncomfortable.

"Kumusta ka na?" he started, obviously not knowing how to start.

"Cut the crap, AJ." I snapped. " I'm pretty sure na hind ka bumalik dito para lang mangumusta."

"Why not? We used to be the best of friends."

Dammit!

He found my snapping ammusing!

"Used to be, being the key word. Why are you here? Why did you come here all of the sudden?"I tried to compose myself. But the pricking in my heart won't allow it.

"I planned to clear things out, not once, but a lot of times. But it's something that I cannot plan." He sighed. "And I heard na umalis din si Trisha noon. I feel like --"

"Hindi dahil sa iyo kung bakit kami nag kalamat. Hindi din dahil sayo kung bakit siya umalis." I said firmly.

"Talaga? Buti naman-- "

"Pero wag mong isipin na malinis ka na. Ipaliwanag mo." I kept my pokerface. Shielding him from my real emotions.

"That's what I came here for. Khay, I'm sorry if nagawa ko yun. I was hurt and angry. When you decided to end whatever we had between us, nahirapan akong tanggapin yun."

And he's putting this on me?!

"That's not enough reason." I retorted.

"Nung inend mo ang lahat. Alam ko na crush ako ni Trisha, kaibigan natin siya kaya crush lang ang kaya niyang ibigay sa akin. Pero I thought that maybe--"

"Maybe kapag sinabi mo sakanya na may gusto ka sakanya, ma iinlove siya sayo?! Tae Arthel! Pinaasa mo si Trisha!" Hindi ko napigilan at hinampas ko siya sa braso."Alam mo a kung bakit ko inend ang undefined relationship natin noon?!"

"I wanted to make you jealous! Back then, naisip ko na since si Trisha ang best friend mo, masasaktan ka at babalik saken. Sabi mo dahil hindi ka pa handa!"

Bwisit!

Bakit ba ako na inlove kumag na to?!

"And you thought na babalikan kita kung tatalohin mo ang best friend ko?!" Mataas na ang boses ko pero wala akong pake. "That wasn't the entre truth! Alam ko kasi na nasasaktan si Trisha! She was in love with you too. Hindi niya sinabi dahil best friend niya ako, and she knew I was happy with you. Pero hindi ako manhid. At kilala ko ang best friend ko!"

"I did that para hindi na niya kailangan indain ang sakit! Hindi ko kayang maging masaya kung alam ko na nasasaktan siya! Pero sa ginawa mo! Pinaasa mo siya. Ginulo mo din ang utak niya! Mas nasaktan siya!" I continued. "Ano ba kasing feeling mo?! Na na Janine-Tugonon ka at may karapatan ka nang mag Gerald-Anderson? Heck is that?!"

"Minahal kita! At noong umalis ka, kahit na may ginawa nalaman ko yung ginawa mo, iniyakan ko parin ang pag alis mo! Alam mo kung bakit?! Dahil mas masakit pala yung masasaktan ka, na hindi mo alam kung bakit. Walang eksplanasyon!"

Sa pagkakataong ito tuloy tuloy na sa pag agos ang luha ko.

Hindi lang ako ang nasaktan noon.

Ang isang maganda sanang pagkakaibigan.

Isang matibay na samahan.

Naging komplikado.

Just because we started to learn how to fall in love.

Masakit.

Sobra.

Even after a year, sariwa pa pala.

"Khay, I know it's too late. Alam ko na okay na kayo ni Trisha. And I'm glad na hind ganun kalala ang epekto ng ginawa ko. I was a jerk. I'm sorry. I really am." Tumayo siya at unti unting lumuhod sa harapan ko. He took my hands in his.

"Im so so sorry. For hurting you. For being so stupid. But I won't be sorry for loving you. I'm not sorry for even a moment."

To my surprise, umiyak siya.

Parang falls na agos ang mga luha niya. Tuluy-tuloy and I can feel the sincerity.

Wag mong sabihin na mahal pa niya ko?

Dahil ako hindi na.

Kahit sabihin pa natin na nasasaktan pa rin ako.

Siguro, hind na lang talaga mawawala yung pakiramdam na yun.

Dahil siguro hindi pa ako nakakapagpatawad.

Pero alam ko,

hindi ko man alam kung paano nangyari,

pero alam ko na hindi ko na siya mahal.

At least bot in the same romantic way.

"It was such a wonderful dream, my love. Such a wonderful dream." He whispered as he cried.

"I- I forgive you."

I didn't know where I found it in me to forgive him that easily. Pero siguro nga. Kailangan ko ng magpatawad, para makalet go na ng tuluyan.

Dahil hindi ako pweding mamuhay habang may nakabara pa sa puso ko.

Dahil hahadlang at hahadlang yun sa kaligayahan ko.

"Khay."

"We all learned from it. Nobody's perfect. Mag hihilom din ang mga sugat. Pero sabi nga di ba? Kapag nagmahal ka para ka ding nadapa, masusugatan ka. Masasaktan ka. Pero darating ang panahon na mag hihilom din ang mga sugat kapag nakatayo ka na. Mag iiwan man ng mga pilat, at least ito ang mga mag papaalala na minsan, nadapa at nasaktan ka na. Nag paka tanga ka. Kaya dapat lang na mag ingat ka na at wag mo nang uulitin pa."

Korni ko! San ko kaya nakuha yun?!

"Khay, thank you. Thank you so much." He smiled and pulled me into a hug.

"Si Trisha naman ang kausapin mo."

"I will. But first, you and Ranz huh?" Binigyan niya ako ng isang makahulugang ngiti.

"Did you really think na hindi ko malalaman? IT's all over th net. Syempre impossible naman na si CAV db??"

"Ah. Oo. Si Ranz nga..."

Hmm, did I just say to him na kami ni Ranz?

Y.U.C.K -___-

"Please be happy with him. PEro kapag sinaktan ka niya, kahit isang beses lang na umiyak ka dahil sakanya, ipinapangako ko, itaga mo sa bato, Raine Kylie, babawiin kita!"

"Kahit kailan, baliw ka talaga!"

"Totoo yun! Ano ka ba?! Teka, masama bang ipag pray na sana masaktan ka niya ngayon na?"

Easy lang kayo, ng bibiro lang siya XD

"BALIW!"

John Arthel Devera

He may not be my true love.

But he will always be my first romantic love.

-------------------------------------------

AN: HI READERS! I KNOW IT'S  MEAN TO TYPE IN ALL CAPS. BUT, I NEED TO CATCH YOU ATTENTION. MALAPIT NA PO SILANG IKASAL (kung matutuloy man) MAY DARATING DIN PO NA NEW CHARACTERS PARA MAG INTERFERE HINDI LANG KANINA RANZ AT RAINE KUNDI PATI NA RIN SA IBANG LOVE TEAMS.

PERO, HINDI KO PO IPOPOST ANG MGA CHAPTERS HANGGAT' HINDI AKO NAKAKAKUHA NG SIX COMMENTS, AND TEN VOTES. LALO NA DITO. SIX LANG ANG HINIHINGI KO DAHIL BIRTHDAY YUN NI RANZ! :D 

NAKAKAWALANG GANA PO KASING MAGPOST NA FEELNG KO WALA NAMAN NAGBABASA.

SO YUN LANG HEHE! BYE FOR NOW! CHOW!

Love GOD. Make disciples and impact our world.

Simply Unheard (Chicser - Ranz Kyle) (IN THE PROCESS OF REVISION)Where stories live. Discover now