Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

Chapter 6

147K 3.1K 50
                                    

Chapter 6
Pretend

"Uh, yes. Mom, I want you to meet my fiancé, Cailegh..." Napasinghap ako at natulala.

"Oh! I am expecting it! Hello, hija!" The beautiful lady smiled sweetly at me at hinawakan n'ya ang kamay ko, hindi ako nakapagreact nang hagkan ako nito sa pisngi at pagkatapos ay tumili.

"Oh my God! I'm so happy!" Tili n'ya habang yakap ako, halatang masaya s'ya sa nalaman. Pagkatapos ay hinawakan n'ya ang balikat ko at pinakatitigan at kita ko ang pagkunot ng noo n'ya habang nakatitig sa akin.

"Cailegh, right?" I nod.

Napatango-tango at pagkatapos ay bumaling kay Travis na tahimik lang at hindi nagsasalita.

"You're..." Hindi na naituloy ang sasabihin nito sa ginawang pagsabat ni Travis.

"Yes." Putol nito.

"Oh, nice to hear that... Uhm, well... I wanna invite you for dinner dear." The woman smiled at me pero nagtataka ako sa emosyong meron sa mata n'ya habang nakatingin sa akin.

"By the way, call me Tita Marian." Naguguluhan man sa nangyayari ay tumango nalang ako at ngumiti.

"Sure po, I'm Cailegh..." Pormal kong pakilala at pilit na ngumiti, naguguluhan pa din ako sa nangyayari.

Kailangan kong makausap si Travis ngayon...

"Yes, I know, dear..." Binitiwan n'ya ako at maya-maya pa ay naramdaman ko ang pag-ikot ng isang braso sa baywang ko mula sa likod.

"I'll explain." Bulong n'ya sa tainga ko at maya-maya ay bumaba ang kamay sa kamay ko at hindi ko ipagkakaila ang kuryenteng naramdaman ko mula roon.

"Let's go for dinner." Tita smile again and lead the way, tahimik lang ako habang nakatanaw sa likod n'ya papaalis.

"P...Para saan yun?" Nagtatakang tanong ko sa kanya pero naaagaw ng atensyon ko ang kamay kong hawak n'ya.

"Don't you have any slippers?" Sa halip na sagutin ang tanong ko ay ito ang naging sagot n'ya. Nag-angat ako ng tingin at umiling.

"Wala eh." Sagot ko, kinagat n'ya lang ang labi n'ya bago tignan ang paa ko at napailing.

"Isn't it dangerous for a woman like you to stay in this place in this time of the night?" Tumingin s'ya sa orasang pambisig bago ako balingan.

"Tumambay lang ako, buti nakita na kita. Where have you been?" Tanong ko sa kanya, hinawakan n'ya lang muli ang kamay ko kaya nagrigodon ang takbo ng dibdib ko.

"Just doing some works. By the way, wear this." Hinubad n'ya ang tsinelas n'ya at saglit na binitiwan ang kamay ko na hawak n'ya para isuot sa akin ang tsinelas na malaki.

"Sure ka? Pano ka?" Tumingin lang s'ya sa akin at ngumiti bago kunin ang kamay ko at kunin ang hawak kong flat shoes at inakay ako paalis.

Tahimik lang kaming naglalakad at nakamasid lang ako sa magkahugapo naming kamay, iba ang nararamdaman kong kilig at wala sa sariling napapangiti ako. I don't know his side yet kung bakit n'ya sinabi iyon, tatanungin ko na lang s'ya mamaya.

Naglakad kami papunta sa resthouse nila na walang imik, hindi ko rin akalaing mas maganda tignan kung gabi ang resthouse nila sa christmas lights na nasa paligid.

"Mom insist of displaying these annoying lights..." Biglang sabi ni Travis sa tabi ko, tumawa naman ako at inilibot ang paningin.

"Annoying ka d'yan, maganda nga eh..." Masayang sabi ko habang nakatingin sa paligid.

I'm somehow jealous on his family kahit hindi ko pa sila nakikilala, I can feel na masaya sila at naiingit ako.

I was thinking of how it feels to have a happy family?

The Great Pretender (Published Under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon