"Iwas iwas din pag may time?" sabi sa akin ni Tripp nung mapansin niya yung ginagawa ko. Sinimangutan ko na lang siya. "Tripp, please wala ng Drake talks, ha? Nagmomove on eh."

Ngumiti siya tapos ginulo yung buhok ko. "Ice, boss. Tara, libre mo ko ha!"

=_____=

Kapal ng mukha talaga ng lalaking 'to! Siya lalaki, siya nagpapalibre!

Pumasok nga kami sa loob ng ice cream parlor at umorder ng strawberry ice cream with strawberry bits and live microorganisms! Waaaaah *O* Mashta!

Kain lang ako ng kain ng makarinig ako ng tunog ng heels sa likod ko. Medyo nacurious ako kaya napalingon ako.

Mukhang nakita niya kami ni Tripp kaya ngumiti siya, pugita style.

Lumapit siya sa amin, kapal ng mukha kakaiyak!! Umupo siya sa tabi ko at nginitian si Tripp! "Hi, Tripp. Ni hindi mo man lang ako binisita sa hospital. I thought we were friends?" sabi niya kay Tripp sabay patong ng kamay niya sa kamay ni Tripp na nakalagay sa mesa. Aba!

Buti na lang at inalis ni Tripp yung kamay niya. "Pwede ba, Shaira. Wag dito," sabi niya na mukhang naiilang sa sinasabi ni Shaira. Teka... ano ba yung napag usapan nila?

Napatingin siya sa akin at umarte na parang ngayon lang niya ako nakita. Aba kapal ng mukha!! Kanina pa kaya ako nandito!!

"Oh, Alys, you're here pala! I didn't notice you eh. My bad," sabi niya with matching pang asar na ngiti!

Nginitian ko na lang din siya at nagsubo ng ice cream. Timpi lang, Alys!!

"I heard na break na kayo ni Drake... And I'm sorry to hear that for you... But I'm definitely happy for me," sabi niya sa akin. Grrrr! Hindi ako nakipagbreak kay Drake para lang sa'yo siya mapunta noh!! Kapal ng mukha forever!

Napa sigh si Tripp. Napapansin niya yatang nagkakaroon na ng hate clouds sa paligid namin at konti na lang, magwwrestling na kami nitong eight-handed pugita na 'to!

"Shaira, iwan mo na kami, please. At isa pa, magpahinga ka nga. Kakagaling mo lang sa hospital, pagala gala ka na agad. Tsaka umayos ka," sabi ni Tripp. Hindi ko talaga maintindihan yung sinasabi niya.

Ngumiti si Shaira at tumayo. My golly! Pano ba siya nakakapaglakad sa heels niya??

Nagsimula siyang maglakad papunta sa counter ng ice cream parlor pero yung kamay niya dumaan muna at nagharot sa taas ng balikat ni Tripp! Ay napakaharot na pugita nga naman, oh!

Kinagat ko ng mabuti yung spoon ko habang hinihintay kong lumayas sa ice cream parlor si pugits! Nagiging kasing kulay talaga ng tinta niya ang paligid kapag nandito siya!! Ugh so nakakaBV!!

After ilang minuto, umalis na siya at syempre, fineel niya na naman yung balikat ni Tripp! Kakaduda, ha!

Tinignan ko ng masama si Tripp na masayang kumakain ng oreo ice cream niya. "Tripp, umamin ka nga sa'kin, magkaano ano kayo ni Shaira?" tanong ko sa kanya. Pwede kaya na... si Shaira talaga ang friend niya at niloloko niya lang ako? After all, muntik na pala silang maging sila dati... Pero hindi naman ako gaganunin ni Tripp, di ba?

"Si Shaira? Ah, niligawan ko dati. Lam mo na, basted kasi kay Drake eh," sabi niya casually.

Halos maibuga ko naman yung kinakain kong microorganisms! "Akala ko ba wala ka pang nililigawan?!"

Natawa siya sa reaction ko. Kumuha siya ng tissue paper at inabot sa akin. Aba syempre naman! Kakailang kaya kung siya magpupunas ng labi ko noh! Ano siya, boyfriend?!

"Syempre bawas pogi points naman kung ipagkakalat ko na nabasted ako ni Shaira. Secret lang natin yun. Ice ba?"

Napailing na lang ako.

"Pero kahit na ganun... ako pa din ang kakampi mo, di ba?" Paninigurado ko.

Kinindatan niya ako. Shemas! Kakaiyak! Ang cute cute ni Tripp sarap gawing keychain! "Oo naman. Ikaw ang boss ko eh," sabi niya.

And so, nanahimik na lang ako. Ako boss ni Tripp eh. Hehehe. Syempre ako kakampi niya.

After naming kumain ng ice cream at ng microorganisms, naglakad na kami pabalik ng Brent. Medyo palinga linga pa din ako, aba mahirap na baka may Drake Palma akong makasalubong! Hindi kaya ng cuteness ko ang stress!

Success! Nakapasok kami sa premises ng Brent ng walang Drake. Naghiwalay kami ni Tripp sa harap ng fountain. May class na kasi siya sa Business Ad, ako naman, may baking class. Magbbake kami ng strawberry muffins!

Pumunta na ako sa class. Kahit na hindi ako matalino, aba nag eexcel ako sa class! Hindi naman kasi masyadong kailangan ng neurons sa cooking, yung passion ko ay tama na! Sana after kong grumaduate, pumayag si Dad na mag aral ako sa Paris kahit for a year lang tapos magtatayo ako ng sarili kong shop dito sa Pilipinas.

Speaking of neurons, babalik na palang Cali si Dane sa makalawa! Tsk. Mamimiss ko na naman yung bubwit na yun!

Natapos ang baking class ko without a fuss. Ang fluffy ng muffins ko! Hehehe. Sayang, hindi pwedeng iuwi, gusto ko pa namang bigyan si Dane. Sa Brent kasi, yung mga pagkain na ginagawa ng students ay ipinapakain sa stree children. Ang sweet, di ba?

Pumunta muna ako sa locker ni Tripp at iniwan yung gamit ko. Hindi na ako nakakuha ng bagong locker. Hmp! Bwisit naman kasing mga babae yan! Break na kami ni Palma, bakit niyo pa din ako binubully?!!

Naiwan ko na yung mga gamit ko dun kaya nagstart na akong maglakad palabas. Si Tripp ay may klase pa ata? Ewan ko dun.

"Alys, honey!"

Nagulat ako. Si Tita Liana yun ah!!

Tumakbo ako papunta sa kanya. "Tita!!"

Niyakap niya din ako. "Hi, kiddo! Good thing I saw you," sabi niya. Napatingin ako. Kotse ni dad yun ah? Napansin niya yatang nakatingin ako dun. "Oh, I'm with your dad. I already told your mom about this so come with us!" sabi niya na excited!

Wala na akong nagawa kaya sumama na lang ako sa kanya. Sa loob ng sasakyan, katabi ko si Tita Lian. Mukha tuloy driver si dad. =___=

"We're so excited about this, kiddo! Right, Cy?" sabi niya kay dad na nakatingin sa aming dalawa mula sa rearview mirror. Ngumiti si dad. Pogi talaga ng dad ko! Sabagay, sobrang ganda kaya ni Tita Liana! With accent pa!

Nakarating kami sa...

O_________O

Don't tell me...

Hinatak ako ni Tita Liana papunta sa lift. Huhuhu. No, this is not happening!!

"I really insisted that Cy should buy that unit. You know," sabi ni Tita Lian sabay kindat sa akin. Lord, sabi ko na nga be careful what you wish for coz I really might get it!!

Halos nangangatog ako dito sa kinatatayuan ko. Huhuhu. Pumasok kami sa lift at omaygash!! Pinindot ni dad yung 19th!! Ayoko na!! Hindi pa ako ready na makita siya!!

Habang nakasakay ako sa lift, nagdadasal ako na sana wala pa si Drake. Pero kasi labasan na kaya malamang pauwi na din dito yun!! OMG talaga!! Mas okay po na si Shaira pugits na lang yung makasalubong ko, wag lang si Drake!

Bawat hakbang, sobrang kaba ang aking nadarama~

Tingin to the left...

Tingin to the right...

"Alys, hey, are you okay?" tanong ni Tita Lian. Si dad, well, tahimik naman talaga yun. Minsan nagtataka din ako. Baka naman si Dane talaga ang anak niya at hindi ako??

May pinindut pindut si Tita Lian. Shemas!! 1131 memories~~

Nakapasok kami sa loob, ang ganda niya!!

"We already bought your things, if you don't mind," sabi ni Tita Lian with a smile. Niyakap ko siya tapos niyakap ko si dad. "Thanks po!!"

Nag ikot ikot kami sa unit ko. Unit ko... katabi si Drake at Shaira. Grabe.


Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon