Pinaupo ko si Kean at agad na binigyan ng tubig. Pinaypayan ko naman siya habang nakatayo ako. Grabe, pawis na pawis 'tong sirang 'to habang yung kamay niya naman ay sobrang lamig.

"Hindi ko alam kung nanandya ka ba o ano. Pero sa dinami-raming beses mo nang sumakay dito sa Roller Coaster, kung kailan ako pa ang kasama mo, saka mo pa naisipang sumuka." Sabi ko sa kanya.

Tinignan niya ako. "Maraming beses? First time ko lang ngayon."

Nagulat ako sa sinagot niya. "ANO?!"

"Sa totoo lang, first time ko lang rin namang pumunta sa isang theme park, eh."

"ANO?!"

"Lahat naman tayo may weakness eh. Kung ikaw takot sa heights, ako, takot sa rides. First time ko lang gawin lahat ng 'to."

"ANO?!" Susmiyo. Aatakihin na ako sa puso dahil sa sunod-sunod na sinabi ng lalaki na 'to!

First time niya lang pala pero kung maka-"trust me" siya kanina....hay nako! Akala ko pa naman kung sinong expert na ang kasama ko dito kanina! Katulad ko lang pala na first timer rin!

Binatukan ko nga. "Hoy! Takot ka naman pala sa rides, eh ba't pa tayo pumunta rito?!"

"Because of this." dahan-dahan niyang inabot sakin ang isang papel.

"Ano 'to?"

"Sayo galing yan, hindi mo alam?" Tinignan ko ito.Ito yung Virginity List ko. "Lagyan mo na  ng check mark yung #3."

            3. Ride on a Roller Coaster. 

Oh my. Nasa number 3 na kaagad kami ng hindi ko man lang namamalayan. 

Hindi na tuloy ako nakapagsalita. Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko, eh. Sumakay siya sa isang Roller Coaster for the first time? At nagsuka pa siya? Para lang dito sa Virginity List ko?

"Pasalamat ka at kahit nakalimutan mo na yan, tinutuloy ko pa din." sabi niya. Hindi ko alam pero napangiti nalang ako bigla.


***

"Thank you talaga, ha?" sabi ko.

"Oo na, o'na."

Nandito kami ngayon sa Food Court at nilibre ko si Kean ng maraming pagkain bilang pasasalamat man lang sa effort na ginawa niya para sa akin.

Sa totoo lang nagmumukha nang patay-gutom 'tong kasama ko ngayon. Ewan ko ba basta nung sinabi kong ililibre ko siya, bigla nalang nawala ang pagkahilo niya at lumakas ulit.

"Kean."

"Oh bakit?"

"Totoo yung sinabi mo kaninang first time mo lang makarating sa isang Theme Park?"

"Oo, mukha ba akong nagbibiro 'non?" Hay nako, buti nalang at nasa mood ako ngayon at hindi ako napipikon sa mga pamimilosopo niya sakin. "Lagi mo na lang iniisip na nagbibiro ako."

"Kahit dati nung bata ka, hindi ka nakakapunta dito?"

"Oo."

"Eh saan mo pala dinadala 'yong mga naging girlfriend mo? Hindi naman pwedeng lagi lang kayo sa restaurants at malls, di'ba? Dapat may fun rin."

Tinignan niya ako bigla. "Fun? Why Theme Park when there's Motel?" naka-ngisi niyang sagot.

"Ha? Pero paanong—ah." Napa-tango na lang ako. Late ko nang na-gets eh. Siraulo talaga 'tong isang 'to. Wala nang ibang ginawa kundi mambabae.

Sikat siya sa ganyang image. Sa totoo lang ay halos lahat ng magaganda at sikat na babae sa school namin ay naging girlfriend niya na. At mahirap rin namang isipin na walang nangyari sa kanila ng mga ex niya. I mean, duh? Si Kean pa? Eh lahat naman ng babae na nakilala ko ay handang ibigay ang lahat para sa kanya.

"By the way," sabi ni Kean.

"Bakit?"

"Yung number 4 sa List mo," tinignan ko ulit yung papel para malaman yung tinutukoy niya. Be the school Valedictorian. "Hindi kita tutulungan sa part na yan. Sariling pag-pupursige ang kailangan mo diyan."

"Ba't parang ang dami mong alam sa mga bagay na 'to ha? Di ka naman ganun ka-talino." Oops, parang may mali sa nasabi ko ah. Masyado yatang below the belt? Sorry, hindi ko talaga sinasadyang sabihin 'yon!

"Ganyan na ba talaga ang tingin mo sakin? Matapos kitang tulungan?" mapang-asar niyang tanong.

"Joke lang naman eh. Ito naman, hindi na mabiro." Sabi ko.

Sariling pagpu-pursige.Tama siya.

"Pero alam ko namang kakayanin mo 'yan, eh." Ngumiti si Kean sa akin. "Ikaw pa. And galing mo kaya."

Let's see. School's Salutatorian to Valedictorian? Hindi naman siguro malabong mangyari yun noh? But...you'll never now what God's plan is.

Virginity ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon