Repost! Chapter 55 & 56

82.9K 881 46
                                    

A/N:

Irerepost ko na lang po ung chapter 55 and 56. Madaming hindi makabasa eh. Hindi ko alam kung bakit. But I'll post an update soon. Thank you for waiting! ^___^

Chapter 55

>>>Jewel's POV

"Ayoko nang maging nurse! Magiging katulong na lang ako,"himutok ni Jill sa 'min ni Candice. Nandito kami sa isang coffee shop malapit sa ospital. Kakatapos lang ng duty nilang dalawa kaya niyaya ko silang mag-unwind. Tinatamad kasi ako sa bahay. Bukas pa ung uwi nina Cleo kaya kaming tatlo lang. Si Sapphire, kasama ni Fibbie kaya hindi sya sumama.

My last fashion show was a blast. Maraming magazine and fashion tv programs ang nagfeature ng fashion show. Naging instant sikat din ung scene ni Sapphire lalo na ang serenade ni Ken.

"Ano na namang drama nyan, loka?"tanong Candice. Humigop sya ng kape at sinimangutan si Jill.

"Kasi naman isa akong sawing-palad,"pag-iinarte nya na kunwari nagpahid pa ng luha.

"Anong connect nun sa gusto mong maging maid?"nagtatakang tanong ko. Nagbreak na kasi sila nung boyfriend nya last week. Natauhan na daw kasi sya. Nagloko na naman kasi ung boyfriend nya.

"Aba! Uso kasi sa panahon ngayon na kailangan mo munang maging maid para makilala mo ung kaforever mo. Tignan mo si Maya, si Chichay, si YayaDub, si Yna, si Cinderella, si Mia..."

"Gaga! Hindi katulong si Mia. Dancer sya sa club,"sabi ni Candice.

"Ay hindi ba? Kala ko maid din sya. Huli na kasi un sa primetime kaya hindi ko na napapanood,"nakangising sabi ni Jill. "Pero kahit na! Kapag naging katulong ako, magkakaforever ako,"

"EDSA lang ang may forever,"kontra na naman ni Candice. "Tsaka tignan mo si Cleo, nurse sya pero may love life,"

"Sapphire is also a nurse and she has my brother,"nakangiting sabi ko sa kanya.

"Edi sa EDSA ako hahanap. Forever traffic with my forever love,"sabi ni Jill. "May fb kaya si Kupido? at nang maadd ko sya. Magpopost ako sa kanya ng resumé para makatulong sa paghahanap ko ng soulmate,"

"I can help you with that,"I said mysteriously.

"What? My forever love?"nagningning na sabi ni Jill.

"No, Cupid's fb and your maid fantasy,"

***

>>>Cleo's POV

"Love, kanina ka pa nakasimangot dyan,"puna ko kay Exer. Nagluluto ako ngayon for dinner dahil pupunta si Dean mamaya. "Ikaw ang nagyaya sa kanya, remember?"

"And I regret it,"pabulong na sabi nya pero narinig ko din naman. Nakaupo lang kasi sya sa dining. Ilang beses ko na syang sinabihan na dun na lang sya sa sala. Nadidistract kasi ako sa kanya.

"Kaibigan ko lang si Dean at hanggang dun lang un,"

"But he likes you,"

Pinatay ko ung stove at lumapit sa kanya.

"Imposible yang sinasabi mo,"natatawang sabi ko. Iniimagine ko pa lang, gusto ko nang humagalpak sa tawa. Baka turuan lang ako nun magmake-up. Hindi ko sinasabi ko kay Exer ang tunay na kulay ng dugo ni Dean dahil wala kasing nakakaalam nun kundi kami lang ni Candice dati. Hindi ko lang alam ngayon pero mukhang hindi pa sya naglaladlad. And besides, it's not my secret to tell.

Hot Doctor's Destined Love(ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon