Chapter 29

1.5K 63 18
                                    

ZANE POV

"I cant take this anymore" inis na sigaw ni Maxine, nasa bahay kami ngayon kasama si Kristina

"Ikalma mo girl!" pang aayo ni Kristina kay Max "Buntis ka pa naman dapat mag ingat ka" dagdag pa nya

"Pano ako kakalma kung yung kapatid ko napapariwara yung buhay at wala manlang akong magawa?" pigil na inis ni Max, marahil ay inaalalayan nya din ang sarili nya dahil sa kalagayan nya

"Ilang linggo na ding ganyan si Skye, anong plano natin ngayon?" tanong ko habang nakatingin parin sa mga bagong upload pictures ni Skye. Ibang iba sa Skye na nakilala ko. Araw araw syang umiinom, may hawak na sigarilyo at nakasuot ng damit na dati ay hindi naman nya sinusuot.

"Puntahan na natin sya" suggestion ni Max

"Kami nalang, baka mapano ka pa" sagot naman ni Kristina

"Oo nga besty, kami nalang. Siguro naman makikinig na sya sa amin this time" dagdag ko naman

"No. Hindi ko na kayang tumingin nalang kung paano sirain ng kakambal ko yung buhay nya" sagot ni Max

"Pero baka makasama sa baby mo" sabi ko. Tanging titig ng nag mamakaawa ang sinagot sa akin ni Max. Titig ng isang kapatid na sobrang nag aalala. Bumuntong hininga ako, "Sige pero kami ang makikipag usap dahil baka mag wala pa yun" sabi ko at tumango sya.

Dali dali kaming sumakay sa sasakyan ni Kristina at pumunta sa condo na tinutuluyan ni Skye. Sana maabutan namin sya dahil pasado alas nueve na ng gabi. Baka lumabas nanaman sya dahil gabi gabi syang pumupunta sa mga bar.

"Ready?" tanong ko kay Max ng lingunin ko sya sa likod ng sasakyan ng makarating kami sa Building ng condo. Huminga sya ng malalim na wari mo nag hahanda at saka tumango.

Agad kaming bumaba ng sasakyan at pumunta sa receptionist

"Hello goodevening" masiglang bati ng babae sa desk

"Hello, may I know kung anong room number ng unit ni Miss Madeline Skye Go?" tanong ni Max

"Im sorry maam pero hindi po kami required mag bigay ng ganyang info" sagot ng babae

"Kapatid nya ako" sagot ulit ni Skye

"Tawagan nyo nalang po sya para sunduin kayo dito" sagot muli ng babae

"Ahh ano kasi ate, birthday kasi nung kapatid nya na kaibigan namin. Surprise sana namin sya. E kung tatawagan namin edi hindi na surprise diba?" palusot ni Kristina

"Sorry maam pero labag po talaga yun sa rules namin" sabi ulit ng babae.

"Paano na yan?" mahinang bulong ni Kristina, bahagya kaming lumayo sa kausap naming babae

"Break ko na Anne pa sub ako ha" rinig kong sabi ng babaeng kausap namin kanina at may pumalit sa pwesto nya.

"Subukan natin ulit, nag palit ng tao o" sabi ko sabay turo sa kakaalis na babae na kausap namin kanina. Agad kaming lumapit sa babae

"Hi" bati muli ni Max

"Maam Skye, new look po kayo?" sabi ng babae. Tinitigan ko mabuti si Max. Bulag ba talaga ko o sanay lang ako masyado sa itchura ng kambal kaya pakiramdam ko hindi naman sila mag kamuka. Pansin ko din ang gulat sa muka ni Max ng pag kamalan syang si Skye

"Ahh yes hehe" awkward na sagot ni Max

"Ayh maam Skye ito po pala yung pouch na naiwan nyo kagabi. Nag mamadali po kasi kayo" sabi ng babae. Nag tinginan kaming tatlo at kinuha ang pouch. Nandun ang phone, makeup, card at ibang gamit ni Skye "Lasing na lasing po kasi kayo kagabi maam" dagdag pa nung babae "Paki balik nalang po maam yung duplicate key ng unit nyo" sabi pa nya. Pinanlakihan ko ng mata si Max

That Crazy Ex Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon