Chapter 10

2.6K 73 11
                                    

ZANE POV

"Nasabi ko na ba sayong mahal kita?" sabi ng lalakeng kasama ko, madilim sa lugar nya kaya hindi ko maaninag kung sino sya

"Bakit mo naman kailangan sabihin na mahal mo ako?" tanong ko

"Kasi yun ang totoo" sab nya, unti unting lumiwanag sa banda nya at unti unti ko na syang naaninag "Grabe, araw araw talaga nag babago yung nararamdaman ko sayo. Natulog ako mahal kita, nung gumising ako  mas mahal na mahal na kita" sabi ulit nya at this time naaninag ko na sya "Ang bilis mag bago ng nararamdaman ko noh?" muling tanong nya "Kasi ngayon, may iba na akong mahal. At ngayon ayaw na kitang mahalin pa." muling sabi nya. Gusto ko sanang mag salita at sagutin din si Thomas pero hindi ko magawa. Hanggang sa unti unti na syang umalis palayo

"Thomas, sandali! Sandali lang naman!" tawag ko sakanya pero hindi nya ako pinapansin at palayo sya ng palayo. Huminto sya, akala ko para balikan ako. Pero huminto sya para hawakan yung kamay nung babaeng nag hihintay sakanya "Thomas!" muling sigaw ko

"Zane!! Gising" rinig kong may tumawag sa pangalan ko pero hindi ko makita "Zane?" muling tawag sa akin at naramdaman ko na may tumatapik sa akin.

"Uhm?" tanging sagot ko mula sa pag kagulat nung nagising ako. Panaginip? Panaginip lang pala. Hanggang sa panaginip ganun ang nangyayari sa aming dalawa ni Thomas

"Okay ka lang?" tanong ni Cyrus sa akin. Lumingon ako sa paligid at napansin ko na nasa 711 kami

"Nasan na tayo? Bakit tayo huminto?" tanong ko sakanya

"Baka kasi nagugutom ka na, ilang oras pa yung byahe natin baka gusto mo muna bumili ng pag kain? Ito nalang kasi yung malapit na store na bukas ng ganitong oras e" pag papaliwanag ni Cyrus, at tumango tango lang ako "Okay ka  lang ba?" muling tanong nya

"Napanaginipan ko sya" maikling sagot ko

"Alisin mo muna sya sa isip mo, habang kasama mo ako" sabi nya, huminga ako ng malalim at saka tumango sakanya "Anong gusto mong pag kain?" tanong nya

"Slurpee nalang" sagot ko naman sakanya

"Baka sumakit yung tyan mo" nag aalalang sagot nya

"Ok lang, kaya ko. Puso ko nga nasaktan pero kinakaya ko naman. Tyan pa kaya?" sagot ko naman sakanya at umiling sya at saka ngumisi

"Oh sige hintayin mo nalang ako dito" sabi nya at tumango naman ako. Ilang sandali lang tinagal nya at bumalik na sya. Iniabot nya sakin yung slurpee at may hawak naman syang coffee

"Saan tayo papunta?" tanong ko sakanya ng tuluyan ng makapasok ulit sa sasakyan, Habang ineenjoy ang pag inom ko sa Slurpee

"Sa baguio" sabi nya, at saka nanlaki ang mga mata ko "Natawagan ko na ang parents mo. Pumayag naman sila" sabi nya ulit at mas lalong nanlaki yung mata ko "Bat ganyan ka makatingin" tanong nya dahil siguro na aawkwardan sya kasi naka mulagat ako sakanya

"Gusto ko talagang pumunta ng baguio!" sagot ko habang naka mulagat parin sakanya "Ano pang hinihintay mo? Mag drive ka na ng maabutan pa natin ang taho" sabi ko at saka ipinikit pikit ang mga mata ko ng tatlong beses. Nginisian nya lang ako at saka muling nag seat belt at nag drive ulit. Siguro pag dating namin sa baguio ay may araw na. Makakatikim na ako ng strawberry taho ulit! Sa wakas. "Pwede bang mag music?" tanong ko sakanya, Ibinaling nya saglit yung tingin nya sa akin saka muling ibinalik sa daan

That Crazy Ex Girlfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now