Chapter 16

3K 72 21
                                    

ZANE POV

Ngayon na ang huling episode ng The Talented Elites. Isang lingo na din ang nakalipas simula ng naka balik ako sa show. Naging magaan na ang pag babalik ko dahil hindi na gaya ng dati si Thomas, hindi na gaya ng dati na cold ang treatment at masungit. Pero bumalik sya sa dating Thomas 5years ago.

Sa loob ng isang lingo na pag babalik ko sa show, patuloy lang si Thomas ng pag kwekwento ng mga nakaraan namin, yung masasayang nakaraan namin na akala nya nakalimutan ko na.

"Zane, potato chips at ketchup ng Mcdo! Kain ka muna bago mag start yung show, alam kong favorite mo yan e" sabi ni Thomas habang nasa dressing room kami. Ganito palagi ang setup naming dalawa, may mga bagay na pinapaalala sya o may mga bagay na ginagawa nya ulit, gaya ng dati. Minsan gusto ko na nga sanang aminin sakanya na wala naman talaga akong amnesia pero natatakot ako na baka lumayo ulit sya. Pero yun naman talaga ang gusto kong mangyari diba? Yung lumayo sya at mawala nang tuluyan ng koneksyon ang buhay naming dalawa. Magulo, sobrang gulo ang isip ko. May pag kakataon na gusto kong mag kunwari na bumalik na yung ala-ala ko atleast kapag ganun ang gagawin ko hindi sya magagalit at mas sasaya sya kasi naalala ko na ulit sya, at mas malaki pa yung chance na mag kabalikan kami ngayon pang alam ko na wala naman palang namamagitan sa kanila ni Quinn.

Im in the middle of "ituloy mo lang, at hayaan mo ang sarili mo na mas mahalin pa sya lalo para matupad na yung una palang na gusto mong mangyari, ang mag kabalikan kayo" at "itigil mo na, kailangan mo nalang tanggapin na hindi lahat ng nag mamahalan nag kakatuluyan. Kung hindi ka naman nag karoon ng kunwaring amnesia hindi naman mag babago yung treatment nya sayo"

Hindi ko alam kung ano bang gusto ko, o kung ano ba ang dapat kong gawin. Kapag inamin ko ba sakanya yung totoo may s-stay ba sya? Kapag tinapos ko na ba ng tuluyan ang lahat sa amin sasaya ba kaming dalawa?

"Hanggang kelan mo gagawin to?" tanong ko kay Thomas ng makabalik ako sa kasalukuyan matapos ang matagal na pag iisip at pag kausap sa sarili ko

Kunot noo syang tumingin sa akin at biglang napawi ang mga ngiti nya kanina "Ang alin?" tanong nya

"Ito, ang patuloy na pag papapaalala sa akin ng mga bagay na nakalimutan ko na" i said

Matagal nyang tinitigan ang mga mata ko bago muling nag salita "Hanggang bumalik na ulit yung ala-ala mo" mahinang sagot nya

"Pag katapos ano? Kapag bumalik na yung ala-ala ko ano ng mangyayari?" tanong ko, alam kong wala sa lugar ang mga salita ko dahil una sa lahat ako ang mag kasalanan sakanya simula pa noon at mas lalong nadadagdagan yung kasalanan na yun ngayon. Tinitigan nya lang ako, ramdam ko ang lungkot sa mga mata nya. At sa nakikita ko unti unti kong na rerealize na hindi na nya ako deserve, hindi isang gaya ko ang dapat minamahal nya, hindi isang gaya ko na wala ng ginawa kundi saktan sya "sometimes you just have to forget about that person you once loved and move on" sinserong sabi ko sakanya "maybe walking away is the best for everyone" dagdag ko pa "I can see the pain in your eyes, siguro oras na para tuluyang kalimutan ang isa't isa, kalimutan mo na ako. Matatapos na ang show na syang dahilan kung bakit tayo mas nahihirapan." mahinahong sabi ko sakanya, ramdam ko sa mga titig nya na hindi sya pabor sa bawat salitang sinasabi ko. Masyado ng kumplekado ang lahat, madami ng naapektuhan at masyado na kaming nasaktan siguro oras na para itigil na ang puno't dulo ng lahat. "It's time for you to forget those memories, because it was destined for me to forgot it too." dagdag ko pa. "Let yourself go Thomas, Let yourself to fall in love again, allow yourself to be loved more than how you give love" masakit man sa akin pero ito ang mag salitang matagal ko ng gustong sabihin pero mismong sarili ko hirap na hirap bigkasin ang mga salitang ito. Pero ngayon, ginamit ko ang buong lakas ko para tuluyan na syang palayain.

That Crazy Ex Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon