Chapter 3

2.6K 69 15
                                    

ZANE POV 

Nasa "A Network" ako ngayon kasama si Cyrus at ibang staff ng the talented elite. Wala sila Skye at Sean ngayon dahil rehearsal lang naman to ng kakantahin namin ni Thomas sa isang guesting namin sa friday. Ngayon si Cyrus palang ang kasama ko dahil wala pa si Thomas. Ang dinig ko ay may trabaho pa daw sya. Napili kong kantahin ang "The Past" ni Jed Madela, hindi ko alam kung ano yung napiling kanta ni Thomas. Nakailang ulit na ako ng pag prapractice ng kanta simula ng nag start kami. Well actually hindi ko na nga kailangan practisin pa ito dahil madalas ko naman itong kinakanta. May duet part din daw kami ni Thomas pero hindi pa ako sure kung anong kanta yun dahil hindi pa sinasabi ni Cyrus.

"Good job Zeed! Mag pahinga ka muna" sabi ni Cyrus mula sa labas ng studio (alam nyo naman yung itchura ng recording studio noh? yung nasa loob yun kumakanta tapos may salamin na pagitan, basta yun)

Lumabas ako ng studio at may lumapit sa akin na staff at binigyan ako ng tubig

"Okay lang ba yung song?" tanong ko kay Cyrus

"Oo, ang ganda talaga ng boses mo. Kaya lang bakit parang lagi nalang sad songs yung mga napipili mo?" tanong nya sa akin

"Mas mararamdaman mo kasi ang kanta kapag nakaka relate ka sa lyrics nito" sagot ko naman sakanya

"Ohhh so ibig sabihin, yung kanta mo ay para parin dun sa lalake na sinabi mo sa last interview mo?" tanong nya sa akin at tumango lang ako. Ayaw kong mag open ng kahit anong topic na involved ang storya namin ni Thomas, kasi baka malaman nila. "Well maganda naman ang kanta, at for sure maraming makaka relate sa kanta mo since uso ang breakup sa panahon ngayon" sabi ni Cyrus

"Guys sorry im late, busy kasi sa office kanina" sabi ni thomas ng bigla syang dumating

"Its okay Mr Blaze, alam naman namin na madami kang ginagawa sa opisina" sagot naman ni Cyrus "Kaka tapos lang ni Zeed mag practice, ikaw anong song ba ang kakantahin mo?" tanong ni Cyrus kay Thomas

"Well, wala pa akong idea e" sagot naman ni Thomas

"Habang nag iisip ka gusto mo bang pakinggan yung song ni Zeed?" tanong ni Cyrus

"Sure" simpleng sagot lang ni Thomas at umayos ng upo malapit kay Cyrus, pumasok naman ako muli sa loob para kantahin yung kanina ko pa prinapractis

Nag simula na ang tugtug at nakatitig sa akin si Thomas, pumukit ako para hindi ma distract habang kumakanta

"I was wrong when i hurt you

But did you have to hurt me too
Did you think revenge will make it better?
I don't care about the past
I just want our love to last
There's a way to bring us back together" habang nakapikit ako, nag flashback sa akin yung araw na nakipag hiwalay ako ng tuluyan kay Thomas. Nung araw na nalaman ko ang totong dahilan ni Rara, nung araw na binitiwan ko si Thomas, dahil ayaw ko syang makitang mas nahihirapan pa.

"I must forgive you

You must forgive me too
If we wanna try to put things back
The way they used to be

'cause there's no sense in going over and over
The same things as before
So let's not bring the past up anymore" this time dumilat ako, at pag dilat ko nag tama ang mga mata namin ni Thomas. Yung mga mata na yun na dati para lang sa akin, yung mga mata na yun na bawat titig akala mo nag sasabi dati na mahal na mahal nya ako, yung mga mata na ngayon nakalaan at pag mamay ari na ng iba

That Crazy Ex Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon