Chapter 25.2

1.7K 70 7
                                    

A/N: Part II ito ng Chapter 25


ZANE POV


I looked at her as if I dont know her. Hindi parin naalis ang ngisi sa mga labi nya.

"Anong ibig mong sabihin Cyrus?" tanong ni mommy na bahagyang nag lakad palayo para mag karoon ng distansya sa pagitan nila ni Kuya

"Wala naman Mrs. Zobel, baka lang naman may gusto kang idagdag sa kwento mo?" muling tanong ni kuya. Tinitigan kong mabuti si mommy, naguguluhan ako sa kung anong gustong palabasin ni kuya.

"Ano pa bang dapat kong idagdag anak?" tanong ni mommy kay kuya. Halos lahat kami sa kwarto ay naguguluhan na din sa usapan ng dalawa. Maging si daddy ay hindi na din maintindihan ang tinutukoy ng isa't isa.

"Wag mo kong tawaging anak dahil hindi ikaw ang nanay ko" kalmanteng sagot sakanya ni Kuya na mas kinakaba ko. Ano nanaman ba itong nangyayari? Ano nanaman bang bagong kaganapan ito?

"Kuya ano bang sinasabi mo! Wag mong pag salitaan ng ganyan si mommy" sabi ko kay kuya. Halos mag palipat lipat ang tingin ko sa dalawa, kalmante lang si kuya habang naroon parin ang ngisi ni mommy. Ngisi na ngayon ko lang talaga nakita.

"Matalino ka talagang bata ka" sagot ni mommy kay kuya. Mas lalo akong kinabahan, naramdaman ko ang pag galaw ni Kuya Cyrus dahan dahan para mas makalapit sa akin. Nakaramdam ako ng takot sa unang pagkakataon sa mga ngising yun ni mommy.

"Ano Mrs. Zobel? Ikaw na ba ang mag sasabi o ako na?" muling tanong ni kuya

"Ma ano bang tinutukoy ni Kuya?" muling pag lalakas loob na tanong ko.

"Anak . ." panimula ni mama

"Wag mo syang tawaging anak! Hindi mo sya anak" this time sigaw ni kuya. Ano ba talagang gusto nyang palabasin?

"Ano ba Kuya? Nababaliw ka na ba?" tanong ko

"Alam nating pareho na hindi mo sya anak!" inis na dagdag pa ni Kuya Cyrus

"Anak ko sya! Siyam na buwan ko syang dinala sa sinapupunan ko! Kaya anak ko sya!" balik na sigaw na din ni mommy sakanya.

"Dinala mo lang sya pero hindi sya sayo nanggaling!" muling sagot ni Kuya sakanya.

"Ano bang sinasabi mo Cyrus!?" inis na tanong na din ni Daddy, ramdam ko ang tensyon ng usapan at maging ang mga kaibigan ko ay nananahimik na din pero mapapansin mo ang kaba sa mga muka nila.

"Ang Mrs. Zobel na nasa harap mo ay hindi ang Zanica na asawa mo!" sagot ni Kuya Cyrus kay daddy. Halos mabaliw na ako sa mga salitang naririnig ko sa paligid ko.

"Ma?" tanging nasabi ko nalang

Pero laking gulat ko ng tumawa si mommy ng malakas na parang baliw, "Peste ka talaga sa buhay bata ka!" sabi nya at doon ko nakumpirma na hindi nga si mommy ang kaharap namin. Dahil hindi ganyan mag salita ang nanay ko. Pero bakit hindi ko naman naramdaman na iba ang babaeng kaharap ko nitong mga nakaraang araw, linggo, buwan o taon? Parehong pakiramdam parin naman yun, pinakita nya ang pag mamahal ng isang ina sa akin "Oo! Hindi nga ako yung pesteng Zanica!" muling dagdag ni mommy

"Ano nanaman ba ito?" tanong ko

"Pero ako ang nanay ni Zane! Sa sinapupunan ko sya galing!" muling sabi ni mommy

"Who are you?" I asked

"Anak kahit anong sabihin nila wag na wag kang maniniwala" sabi ni mommy

That Crazy Ex Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon