Chapter 9: Onion Cry

Depuis le début
                                    

Nakita siya nong kapatid niya kaya pumasok ito sa loob ng kusina-- bumalik agad ako sa pwesto ko upang tingnan sila.

"Ate umiiyak ka ba?" tanong no'ng kapatid niya.

"Oo, dahil dito sa sibuyas na hinihiwa ko." sagot ni mongol habang may hawak na sibuyas.

Huh? sibuyas? yan ba ang ginagawa niya sa bahay nila para may reason kung bakit siya umiiyak at namumula ang mga mata? sabagay luma na kasi ang palusot na napuwing lang. Pero mongoloid pa rin siya.

"Ano bang gagawin mo ate?" tanong ulit nung kapatid niya.

"Magluluto para kay Curfiel." she answered tonelessly.

Ano? magluluto pa talaga siya para sakin kahit na pinaiyak ko siya.

Dapat lang naman talaga 'yon kasi nga alipin ko sya, kailangan niya akong pagsilbihan. Hinayaan ko lang silang mag-usap don na dalawa at umakyat na lang ako pabalik ng kwarto dahil nakita ako nina Nagel, Zhaic at Sky na sumisilip sa kanila.

Pagbalik ko sa kwarto...

Zhaic suddenly asked me.

"Nagkaayos na ba kayo no'ng alipin mo?"

"Hindi pa, hayaan mo na siya wala akong pakialam sa kanya, manuod na nga lang tayo ng basketball." paanyaya ko sakanila sabay kuha ng remote.

Hindi na rin naman nag usisa pa si Zhaic kaya nanuod na kami ng basketball.

*after several minutes*

May kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Bukas yan!" sigaw ko habang nanunuod pa din ng basketball. Mananalo na ako sa pustahan namin eh.

Tapos nakita kong pumasok si mongol na may dala-dalang pagkain.

"Kumain na po kayo." she muttered as she approached me na nakayuko pa rin at parang nahihiya.

"Ano yan gulay? hindi ako vegetarian! ! humanitarian ako kinakain ko tao!!" I jokingly said para naman kahit papano ngumiti siya, pero sa sinabi kong yun mas sumimangot pa siya.

ang korniii ng joke ko..

"Sorry, magluluto na lang po ako ulit." she answered na parang naiiyak na naman.

"Ano ka ba Curfiel napapagod na siya oh." sabat ni Nagel, at itiniklop nito ang kanyang binabasang libro, lumapit sya sa kinalalagyan ni Mongol at agad na kinuha ang dala nitong pagkain.

"Hi! hmm what's your real name?" tanong ni Nagel kay Mongol.

"Hershien." she answered slowly at ngumiti siya kay Nagel.

"Ang cute pala ng name mo, kasing cute mo." Nagel mumbled. Mambobola talaga 'to, daming alam dahil sa mga romance novel na binabasa niya.

Tss type na naman siguro nito si Mongol kaya ganyan siya kung dumiskarte.

"Sige, Hershien kami na bahala dito kay Curfiel." He added tapos lumabas na rin naman agad si Mongol.

"Loko ka talaga Curfiel, Ikaw na nga yung pinaghahanda niya tapos ganyan ka pa." paninermon saken ni Nagel na akala mo'y ako pa ang may kasalanan.

"Eh' ano naman pakialam mo!" pagalit na sigaw ko sa kanya.

"Pwde bang ligawan ko ang alipin mo? ang ganda niya kasi." sabi ko na nga ba, alam ko na mga galawan niya.

May gusto siya kay MONGOL, wala namang kaibig-ibig sa babaeng 'yon iba rin talaga mga taste nitong si Nagel.

"Gawin mo kung ano gusto mo, basta siya pa rin ang alipin ko hanggang matapos ang isang buwan." sagot ko kay Nagel, at nanuod na muli ako ng basketball.

"Sige labas muna ako, sasamahan ko lang si Hershien-- mukhang malungkot siya."he muttered, tapos dali dali na siyang lumabas ng kwarto ko at dala-dala pa rin ang kulay itim na libro.

"Oh ito ibili mo ako ng pagkain dyan sa labas, liligawan mo si Mongol di ba, kaya tulungan mo sya." sigaw ko bago pa siya makalayo ng lubusan, bumalik naman siya para kunin yung pera.

Ang hirap sa taong to ayaw magbawas ng yaman. Talagang bumalik pa para humingi ng pera. Di man lang ako ilibre.

"Bili ka rin ng junkfoods ha'" dagdag ni Zhaic na nakatutok ang mata sa TV.

Bukod sa pagpatay basketball din ang isa sa mga hobbies namin, isang buong team kami lagi nga lang bangko si Nagel kasi gusto niya na lang daw magbasa ng libro kaysa mapawisan at wala rin naman daw siyang makukuha sa basketball.

"oh sige!" agad-agad na sagot niya tapos tumakbo na siya papalabas ng kwarto.

Seryoso ba talaga siya kay Mongol? bagay nga sila, pareho silang baliw.

Habang nag-aantay sina Zhaic, lumabas ako at hinanap ko si Mongol para tingnan kung umiiyak na naman.

Naglakad ako papunta sa may hardin at nakita ko si Mongol na nakaupo sa bench kasama si Nagel, sabi namin sakanya bumili ng junk foods hindi yung lumandi.

Bumalik na lang ako sa kwarto. Hinayaan ko na lang silang dalawa sa kung ano man ang gusto nilang gawin sa mga buhay nila.

Makalipas ang maraming minuto wala pa rin si Nagel, mukhang napapasarap ata ang kwentuhan nilang dalawa ah.

Kaya lumabas muli ako ng aking silid, at pumunta ulit sa hardin, kung saan huli ko silang nakita, nabigla na lamang ako ng makita ko na yakap-yakap ni Nagel si Mongol, mapansamantala talaga 'to sa babae, naglakad ako papunta sa kinalalagyan nila para sabihan si Nagel   na bilhin na yung pinapabili namin.

"Hoy Nagel, ilang taon na kaming nag-aantay sa kwarto!bulok na kami don! "

"Oo, eto na! ibibili na!"sagot ni Nagel, at ipinahawak niya muna kay mongol 'yong dala niyang libro.

"Ako na lang ang bibili..." sabat naman ni Mongol.

"Huwag na ako na lang, diyan ka na lang." tugon ni Nagel kay Mongol at mabilis na siyang tumakbo papalabas ng gate.

Habang ako? tumabi muna sa kinauupuan ni Mongol.

"Mongol pwde ba, huwag kang mag-inarte, may paiyak-iyak ka pang nalalaman dyan, akala mo maaawa ako sa'yo?" sabi ko sa kanya ng harap-harapan.

Nakayuko lang si Mongol habang sinasabi ko yun.

"Pasensya ka na ha, ganito lang talaga kasi kababaw ang luha ko..." dahan-dahang sagot niya habang nakatingin sa mga bulaklak. Marahang hinahawi ng hangin ang itim na buhok,  at ang mga paru-paro'y masayang umaaligid sakanya.

"Mabuti alam mo, kaya ano pang hinihintay mo pagsilbihan mo ako, huwag kang paupo-upo dyan."

"Opo.." malumanay na sagot niya.

Tapos ako'y bumalik na muna sa aking kwarto, iniwan ko na siyang mag-isa don sa hardin, mukhang gusto niya munang pagmasdan ang mga lumilipad na insekto at mga pananim ng Kapatid ko na namumutiktik sa ibat ibang kulay ng bulaklak. At siguro din ay inaantay niya si Nagel para tulungan siya.

************

The Seven Princes of MafiaOù les histoires vivent. Découvrez maintenant