"Hoy!" I snapped my fingers at parang doon s'ya natauhan.

"You..." Nag-igting ang panga n'ya at lumapit s'ya sa akin kaya napaatras ako.

"Anong ginawa ko?" Umatras pa lalo ako habang palapit s'ya sa akin habang nakaigting ang bagang.

Naramdaman ko ang pagtama ng likod ko sa kung saan at sobrang lapit ng katawan n'ya sa akin at hindi ko alam kung paano ako magrereact lalo pa ng bumaba ang mukha n'ya sa mukha ko.

"T...Travis..." Mahinang tawag ko sa pangalan n'ya pero marahas at malalalim lang ang paghinga n'ya habang nakatitig sa mukha ko.

"I missed you..." I'm speechless. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin at gagawin ko sa sinabi n'ya.

"Trav..." Nagkasalubong ang mga mata namin at nakikinita ko roon ang lungkot. His breathe was touching my cheeks and his lips is just an inches away from mine.

Umangat ang ulo n'ya at napapikit ako ng maramdaman ang matagal n'yang halik sa noo ko. His kiss was way too familiar...

Muntik na akong magreklamo ng tanggalin n'ya ang labi sa noo ko at humiwalay sa akin pagkatapos ay nginitian ako.

"Sorry 'bout that," Tipid n'yang sabi at tumalikod sa akin, sinundan ko s'ya habang naglalakad at nagsalita.

"Yung shirt mo Trav, salamat." Humarap s'ya sa akin bago umiling at nagdilim nanaman ang ekspresyon.

"You're not gonna leave this place without you, wearing that goddamn shirt." Matigas n'yang sabi sa akin at kumunot ang noo.

"Bipolar ka no? Kanina kinukuha mo, ngayon naman ayaw mo. Ano ba talaga?" Kumibot ang labi n'ya sa sinabi ko at nagpamulsa sa board shorts n'ya.

"I said you're wearing my shirt, wala akong sinabing hubarin mo bago umuwi." Masungit n'yang sabi kaya napanguso ako.

"Masungit ka din eh no? Uuwi na rin naman ako kaya sa'yo na 'to and wearing bikini on my way home won't hurt... Malapit na naman ang resthouse namin, just a few block away from here." Mas lalong sumimangot ang mukha n'ya sa sinabi ko at walang pasabing hinablot ang shirt na hawak ko at isinuot sa ulo ko.

"The hell I care... Just wear this thing. Muntik ka nang mapahamak kanina tapos magsusuot kapa ng ganyan?" Malamig ang boses n'ya at tinapik ang balikat ko.

"Hands up." Itinaas ko rin ang kamay ko at ipinasok n'ya ang damit sa braso ko.

"Let's go."

"Ha?" Napamaang ako ng hawakan n'ya ang kamay ko at hinila ako papalabas ng resthouse n'ya.

"Saan tayo?" Takang tanong ko pero inismiran n'ya lang ako bago magsalita.

"Don't swim, mahapdi 'yan sa sugat. Next time, tumingin ka sa dinadaanan mo. Don't be clumsy." Tipid n'yang sabi habang hila-hila ako, nagpatinaod naman ako at hindi na sumagot.

Nanatili akong nakangiti at tumalon ang puso ko sa sinabi n'yang iyon.

"Where's your resthouse?"

"Sa may banda doon..." Turo ko sa bandang kanan, hawak naman n'ya ako habang papalapit kami roon at natigilan s'ya ng tumapat kami sa resthouse.

"Don't... Don't tell me sa inyo ito..." Nakakunot ang noo n'ya at nakagat ang pang-ibabang labi.

"Ha? Sa amin nga." Nagtataka kong sabi, what's with him and our house?

"Where's your room?" Takang tanong n'ya habang matamang nakatitig.

"Bakit? Papasukin mo ko?!" Exaggerated kong sabi, paano kapag pasukin n'ya ako sa gabi?! Oh my god! Pwede!

Napangiwi ako sa naisip, ke landi-landi ko talaga...

"Tss... Just tell me where's your room." Hindi naman n'ya ako papasukin siguro no? Sayang!

Shit. Cailegh, magtino ka!

"Doon..." Turo ko sa taas sa may bandang kanan. Unti-unting napangiwi s'ya at biglang hinawakan ang kamay ko.

"Hoy! Anong..." Inilagay n'ya ang kamay ko sa may bandang ulo n'ya at may nakapa akong parang bukol roon.

Napaawang ang bibig ko ng maramdaman ang bukol, biglang bumalik sa isip ko ang kabaliwan ko sa kwarto ko kanina, yung golf... Yung ipis at ang meter stick...

Unti-unting napatingin ako sa kanya at napabilog ang bibig.

"I...Ikaw... Ikaw yung lalaki..." Hindi magkandamayaw kong sabi.

"Oh yes Hon, It's me..." Walang tono n'yang sabi pero hindi ko alam kung saan ako magugulat.

Sa nalamang s'ya ang na-target ko kanina ng meterstick o ang pagtawag n'ya sa aking Hon.

Oh, come on, pwedeng both?

The Great Pretender (Published Under Bliss Books)Where stories live. Discover now