"Aamin na ako!"
Nagkatinginan ang mga kaibigan ko. Halata sa mga mukha nilang pinipigilan lang nilang matawa. Nang ngumisi si Jorge, kumawala na ang kanilang mga halakhak. Umismid ako, iritado na ngayon. Ganyan sila kapag ito na ang ino-open kong topic!
"Ang funny mo ro'n, beh," naiiyak na sabi ni Lucia, hinahampas pa ang hita ni Jorge.
"Sorry, Alice," sabi ni Elena pero hindi naman matigil sa katatawa. "Pang-ilang beses mo na ba kasi 'to? Hindi ko na mabilang."
Aakbayan sana ako ni Carlos pero mabilis akong umiwas. "Huwag ka ngang dumikit! Baka magselos si Lienzo."
Napairap si Carlos. "Paano magseselos, e wala namang pakialam 'yon sa 'yo?"
Aray ha!
"May pakialam siya sa 'kin!" giit ko. "Sinusundo niya ako after class kahit hindi siya inuutusan ni Dad."
"Malamang?" sabay-sabay nilang sabi.
"Lagi niya rin akong ipinagluluto. Tuwing may gustong manligaw, lagi niya akong tinatanong kung may feelings ba ako sa mga lalaking 'yon!"
I pressed my palms against the table. A groan slipped out before I could stop it. Hindi kasi nila ako maintindihan! Lienzo had been good to me because he cared, but to them, I was delusional.
"Mabait talaga si Lienzo sa lahat! I mean... madalas snob siya pero marunong makisama. Paniguradong concerned lang 'yon dahil anak ka ng kumupkop sa kanya," sabi ni Lucia.
Tumango si Elena habang inuubos ang halo-halo niya. "Oo, gano'n talaga siya sa lahat! Jorge, pagsabihan mo nga 'tong kaibigan natin. Kung ano-anong katangahan na naman naiisip, e."
"Hindi ka pa ba stressed sa pre-med program natin, Alice? Gusto mo pa talagang masaktan? Malapit na ang midterm exams, paalala ko lang. Kapag bumagsak ka pa ro'n, mahihirapan ka ng maghabol ng grades sa finals," natatawang sabi ni Jorge.
I let out a soft pout as my shoulders sagged in defeat. Jorge wasn't wrong. Midterms were creeping closer. My grades were already in a pit I had dug myself into—but no matter how hard I tried to focus, my mind kept circling back to Lienzo. I couldn't push it aside.
"Alam ko, okay?" I muttered. "Hindi lang ako mapakali hangga't hindi ako nakakaamin."
Humarap sa 'kin si Carlos. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako sanay sa clean look niya. Noong senior high kasi kami, pwede ang long hair sa mga lalaki. Ngayong nasa college at pre-med pa ang napili naming magkakaibigan, napilitan siyang magpagupit. Haircut lang ang nagbago, ang ugali hindi.
"Sige, kunwari nag-confess ka ngayon," hamon niya. "Tapos ni-reject ka agad?"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Ang nega niyo kasi!"
"E sa iyon naman talaga ang kahahantungan? Ilang beses na tayong nakarinig ng kwento galing sa mga sumubok paiibigin si Lienzo. Lahat sila, pare-parehong nabigo!"
Tinuro pa ni Elena ang kutsara niya sa 'kin, nanlalaki ang mga mata. "Hala, oo nga! Last week, umamin 'yong senior natin sa kaniya!"
"Si Ate Jaslene ba? Parang narinig ko nga rin 'yan," usisa ni Lucia.
Tumango si Elena. "Gagi, Alice. All time winner 'yon sa mga pageant ng university, member pa ng dance troupe since first year. Running for summa pa 'yon ngayon. Ano nangyari? Na-reject pa rin!"
Umismid si Carlos. "Taena, swerte naman ng gagong 'yon. Crush na crush ko si 'te Jas, e."
"Huwag mo ngang ginagago baby ko!"
"Baby amputa. Mas matanda 'yon sa 'tin ng tatlong taon," nandidiring sabi ni Carlos.
I smirked. "Kaya nga type na type ko."
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Ecstasy in Sinful Strings
RomantizmLa Casa de Zenesis #6 (R21) | on-going Himiro Zacarias is on the run, accused of kidnapping a girl from a cult. Far from his province, he hides under a new identity, hoping to build a quiet life with her... until Alice Madrigal, who has feelings for...
