story 9 part ²

217 6 0
                                    

hindi na talaga umandar ang sasakyan kaya umikot sila sa bahay at dumaan sa likurang bahagi..

samantalang ang tatlo sa kanila ay lumabas ng resort para humingi ng tulong..
malayo sa kabahayan ang resort kaya matatagalan silang makahingi ng tulong...
gustuhin man nila tumawag ng tulong gamit ang mga cellphone ay kanina pa nilang hindi mahanap ang mga ito...
para bang plinano na ang lahat ..
sa simula pa lang...
papalabas sila sa gate ay nakita nila ang gwardiya na duguan at walang buhay...

habang sina Timmy,Roger,Jerome at Lucy ay tumungo pabalik sa bahay..
wala ng mga ilaw sa bahay at tanging liwanag ng buwan nalang ang nagsisilbing ilaw ng paligid...

sa pagpasok nila sa loob ay bumungad sa kanila ang duguang katawan ni Aling Rosa..

marahan nilang sinuyod ang kusina papunta sa sala at ng malapit na sila sa may hagdan ay nakita nila ang katawan ni arthur na puno ng dugo...

napasigaw si Lucy,na narinig ng lalaking pumatay kay Arthur at sa mag-asawang caretaker......

agad ito na bumaba ng hagdan mula sa taas..at nakita sina Lucy at ang iba pa na umiiyak at pilit na ginigising si Arthur...

hindi na nila napansin na palapit na ang lalaki...
at nahawakan nito si Timmy at agad na sinaksak sa tagiliran...

nagsitakbo sila ngunit nagkahiwalay...
kasama ni Lucy si Jerome samantalang mag-isa si Roger...

hinabol ng lalaki si Roger...
na patungo sa may bodega...

nakakuha ng pwedeng ipanlaban niya sa lalaki si Roger...

at sinugod niya ito ng palapit na ito sa kanya...
umiilag ito ngunit hindi tumigil si Roger sa paglaban dito...

at natumba ang lalaki at ng lapitan siya ni Roger ay natadyakan niya ito..
at hinampas ng lalaki ang kamay ni Roger at nabitawan nito ang hawak na panungkit ng sinampay...

at doon ay sinuntok siya ng lalaki na nagantihan naman nito..
muli ay natumba ang lalaki at pinagsusuntok niya ito at naramdaman na lamang niya na maytumusok sa tiyan niya ng tingnan niya ito ay may nakasaksak na patalim at mas lalo pa na idiniin ng lalaki ang patalim at ngumiti ito..
hinugot niya ang patalim at sinaksak sa mata si Roger...

iniwan niya si Roger at hinanap ang iba pa!...

samantalang sina Jerome at Lucy ay naroon sa loob ng kwarto at hindi na mapakali..
pero nabigla na lamang si Lucy ng makitang nakangiti si Jerome sa tapat ng pinto...

At binuksan nito ang pinto at pinapasok ang lalaki na kanina pa gustong makapasok...

tinanggal ng lalaki ang suot nitong hood na nagsisilbing takip nito sa mukha sa dilim...

at nabigla si Lucy ng makita nito na kawangis nito si Jerome..

At pinakilala ito ni Jerome..
lucy... meet my twin brother Jerick...!

Jerome...anong ibig sabihin nito?...
bakit niyo ginagawa to?
bakit???
galit na tanong ni Lucy...

Dahil sa tradisyon ng aming pamilya...para sa aming tinuturing na panginoon na si Satana...
every Friday d 13th kailangan na may magbuwis ng buhay mas madami mas masaya...
at maya-maya lang dadating na ang ibang miyembro ng aming pamilya...
wika ni Jerome at tumawa...

habang si Jerick ay unti-unting lumapit kay Lucy at nahawakan na ito sa buhok...

kinaladkad nito si Lucy hilahila sa buhok palabas at pababa ng hagdan....

PAMAHIINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon