story 5

327 8 0
                                    

Alulong ng Aso

pag umaalolong ang mga aso ano ang naiisip niyo?

will ayon sa pamahiin kapag daw umaalolong ang aso ay mayroon daw masamang mangyayari....

at ito ang kwento...

si Michael isang bakla...
nagtatrabaho ito sa isang salon...

bago pa man siya pumasok ay umalolong ng malakas ang aso nila na si Bantay...

pinigilan siya ng kanyang lola na umalis ng bahay dahil sa pamahiin na pinaniniwalaan...

ayon sa lola niya may ibig sabihin ang alolong ng aso...
baka daw may masamang mangyayari...

ngunit hindi na kinig si Michael sa halip ay umalis parin ito...

nakarating naman siya sa salon...
at nakapagtrabaho ng maayos...

ngunit kinagabihan habang pauwi na siya ay may napapansin siya na nakasunod sa paglalakad niya...

natakot na si Michael kaya binilisan niya ang paglakad...
Lingon ito ng lingon dahil nababahala ito sa taong nakasunod sa kanya...

ng bigla na lang may nabunggo siya sa harapan...

hinawakan siya ng naturang tao at nagpumiglas si Michael sa gulat at takot niya...

ngunit malakas ang naturang tao...

at ng tingnan niya ang mukha nito ay napasigaw si Michael dahil wala itong mukha kundi bungo lamang ito at tiningnan din niya ang kamay na humahawak sa kanya at kalansay lamang ito...

sa takot niya ay hindi siya makagalaw...

at bigla na lang may nagsalita sa likuran niya...
at nagdeklara ito ng hold-up
may nakatutok na patalim sa tagiliran ni Michael...

at ng tingnan niya ang kalansay na nakaitim na nakabangga niya ay unti-unti itong naglaho...
pero isang nakakalukong tawa ang narinig niya mula rito...

samantala hindi batid ng holdaper ang nilalang na nakita ni Michael...

at ng makuha na nito ang mga mahahalagang gamit ni Michael ay iniwanan niya ito ng saksak...
sa tagiliran...

humandusay sa tabing kalsada si Michael at naghihingalo...

muli ay nagpakita sa kanya ang nakabunggo niya at sa pagkakataong iyon ay may mukha na ito...
at ito ang mukha ng nangholdap sa kanya...
nakangiti ito sa kanya...

bago bawian ng buhay si Michael ay naalala niya ang sinabi ng lola niya patungkol sa pamahiin sa alolong ng aso..

kung sana ay nakinig siya sa lola niya...
marahil ay hindi ito nangyari sa kanya.....

samantala kanina pang kinukutuban at nag-aalala para kay Michael si Lola Ligaya...

hindi na ito mapakali kaya minabuti nitong sunduin ang apo...

at hindi paman siya nakakarating sa pinagtatrabahuan ni Michael ay may napansin siyang pinagkakaguluhan ng mga ususero...

bigla siyang kinabahan sa pinagkakaguluhan ng mga tao...

at ng tingnan niya kung ano ito ay agad na gumuho ang mundo niya dahil ang pinakamamahal niyang apo ang nakahandusay sa tabing kalsada at wala ng buhay...

habang kalong-kalong ang duguang katawan ng apo ay walang tigil sa pag-agos ang mga luha ni Lola Ligaya ...

at nabitawan niya ang mga kataga na

" kung sana ay nakinig kalang sa akin Apo! ,mahal na mahal kita Apo!... "



PAMAHIINWhere stories live. Discover now