story 7

337 8 0
                                    

Damit Pangkasal

pamilyar ba kayo sa mga pamahiin sa kasal?

iisa-isahin natin ang mga ito...

ayon sa karamihan bawal isuot ang wedding gown bago ang araw ng kasal,dahil baka hindi matutuloy ang kasal...

totoo nga kaya ito?...

si Nelrose excited na ito sa kasal nila ng kasintahan nitong si John Paul...

ready na ang lahat

pero si Nelrose ay hindi na makapaghintay na makita at isuot ang damit pangkasal niya...

batid ni Nelrose ang tungkol sa pamahiin dahil ilang beses na niya itong narinig mula sa lola at mama niya...

ngunit hindi siya naniniwala rito...
bagaman may kaunting kaba ay isinuot ni Nelrose ang wedding gown niya...

ang ganda!...
wika ni Nelrose sa sarili habang nakaharap sa body size na salamin...

paikot-ikot siya sa harap ng salamin...
tamang tama ang sukat ng damit at napaka komportable nito...

tuwang-tuwa siya na pinagmamasdan ang repleksiyon niya sa harap ng salamin...

ng biglang may nakita siyang ibang tao sa salamin na nakatayo sa likuran niya..
isa itong babae at tulad niya nakasuot pangkasal din ito...
ngunit ang nakakapangilabot ay duguan ito...

nilingon niya sa likod ang babae ngunit wala naman siyang nakita...

nakaramdam ng takot si Nelrose...

huhubarin na sana niya ang damit ngunit hindi niya ito magawang hubarin...
kahit anong pilit niya ay ayaw nito mahubad...

tumakbo siya palabas ng silid para magpatulong ngunit ang dating mga tao na naroon sa sala ay wala na...

sumigaw si Nelrose at tinawag ang mga kasama niya sa bahay...

ng bigla na lang ay may kung anong bagay ang gumagalaw sa ilalim ng suot niya...

iniangat niya at nakita niya ang babae kanina na nakahandusay sa sahig at duguan...
unti-unting lumingon sa kanya ang nakasubsub nitong mukha at laking gulat at takot niya ng makita ang mukha nito...

kawangis niya ang naturang babae...

tumakbo si Nelrose palabas ng bahay ngunit hindi niya mabuksan ang pinto...

namamaos na siya kakasigaw ng tulong...
ngunit walang ibang tao ang nakakarinig sa kanya...

ang kaninang sa sahig na babae ay umakyat sa dingding at gumapang sa kisame papalapit sa kanya...

panay sigaw at iyak ang nagawa ni Nelrose...

ng nilingon niya ang babae ay nawala na ito sa kisame..
ngunit ng paglingon niya sa harapan niya ay naroon ang babae...

at naramdaman niya ang mga mahahabang kuko nito na kumalmot sa mukha niya...

makailang beses itong ginawa ng naturang babae kaya napuno ng dugo ang mukha niya sanhi ng mga malalim na kalmot..

hinawakan ni Nelrose ang buhok ng babae ngunit napakadulas nito...

sinakal siya ng babae nagpumiglas si Nelrose ngunit mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya...

at naramdaman niya na bumaon sa leeg niya ang mga kuko nito...

at hindi lang ito ang ginawa ng babae dahil dinukot nito ang mga mata niya gamit ang mga daliri nito...

at hindi pa ito nakontinto dahil pati ang dila ni Nelrose ay hinila nito...

nawalan na ng malay si Nelrose...

kalaonan ay nakita ng pamilya niya si Nelrose na nakahandusay sa loob ng silid nito suot ang wedding gown nito...

nadala pa ito sa hospital ngunit kakaunan ay binawian din ng buhay...

laking hinagpis ni John Paul sa nangyari sa papakasalan niya...
gumuho ang mundo nito...

sa libing ay nagparamdam si Nelrose sa kasintahan...
niyakap niya si John Paul at naramdaman naman ito ni John Paul..
kaya humagulgol ng iyak si John Paul...

bago tuluyan na tabunan ng lupa ang kasintahan ay nagwika si John Paul at humihingi ito ng tawad...
dahil hindi niya natulungan ang kasintahan...
at dahil noong oras na sinuot ni Nelrose ang wedding gown ay nakita niya ito...

at isang nilalang ang nagpakita sa kanya..

isang nakakatakot na nilalang na nakasuot ng itim..

at isang kasunduan ang ibinigay nito sa kanya...
kondisyon para sa buhay niya o ng mapapangasawa...

at ang buhay ng kasintahan kapalit ng buhay niya...
ang pinili niya...

PAMAHIINOù les histoires vivent. Découvrez maintenant