story 8 part ³

228 4 0
                                    

sukob na kasal - 3

hindi nila alam ang gagawin...
Oo magkasama na silang magkapatid ngunit paano nila matitigil ang sumpa...

may kilala ako na alam kong makakatulong sa atin...
isa siyang espiritista...
at nakatira siya sa kabilang bayan sa isang baryo doon...
wika ni Sophie (asawa ni Ronel)...

kung ganon puntahan na natin siya...
si JM

nasa dulo ng baryo ang bahay ng naturang espiritista malayo sa ibang kabahayahan...
mag gagabi na ng dumating sila
kaya mas lalong nakakatakot ang lugar...

sa pagbaybay nila sa lugar ay isang uwak ang kanina pang sumusunod sa kanila...

mahigpit na kumapit sina Shiela at Sophie sa kanilang mga asawa...

at sa unahan nila ay dumapo sa isang puno ang ibon at nag-ingay ito na nakakapangilabot...

lumipad ito muli ngunit patungo ito sa kanila at paikot-ikot na sa itaas nila...

tumakbo sila para iwasan ang ibon ngunit talagang sinusundan sila nito ...

at sa pagtakbo nila ay nabunggo nila JM at Shiela ang isang lalaking nakaitim...

laking gulat nila ng makita ang nilalang na siya ring kumuha sa mga mahal nila sa buhay...

napaatras sila..
at ang ibon na kaninang nasa itaas nila ay nawala...

tumawa na naman ng nakakatakot ang nilalang...

agad na sila na tumakbo palayo sa nilalang subalit nagkahiwalay sila sa dalawang grupo...

napunta sina JM at Shiela sa loob ng kakahuyan..
samantala
sina Ronel at Sophie naman ay tinahak ang daan patungo sa bahay ng Espiritista...

at sa pagtakbo nila Ronel ay nadapa si Sophie...
napatid ito sa isang malaking ugat...
at itatayo na siya ni Ronel ay biglang gumalaw ang isang puno...
at isang malakas na tawa ang narinig nila...
kinuha ng ugat si Sophie at inangat ito...

walang magawa si Ronel dahil sa tuwing lalapit siya kay Sophie ay hinahampas siya ng mga ugat...

sumigaw ng tulong si Sophie sa asawa...

at sa isang iglap ay nilamon ng puno si Sophie...

at isang malakas na tawa ang iniwan ng nilalang...

at naglaho na ang puno kasabay ng malakas na tawa...

tanging ang pagsigaw ng pangalan ng asawa ang nagawa ni Ronel...

natatanaw na ni Ronel ang bahay ng Espiritista...
at sa pag-apak niya malapit sa pinto ng bahay ay nawalan siya ng malay dahil sa mga natamong sugat...

at isang babae ang nagpasok sa kanya sa loob ng bahay...

samantala sina JM ay naliligaw na sa kakahuyan...

tanging ang liwanag ng buwan ang nagsisilbing ilaw nila sa daan...

hindi na nila naririnig ang pagtawa ng nakakatakot na nilalang...

ng isang kaluskos ang narinig nila sa likod ng isang malagong halaman..

na nagpatakbo sa kanila sa takot...

at ng napagtanto nila na wala namang humahabol sa kanila ay tumigil sila na kapwa hinihingal...

at bigla nalang tumunog ang telepono ni JM na nagpagulat pa sa kanila...
sinagot ito ni JM

PAMAHIINWo Geschichten leben. Entdecke jetzt