story 1

859 16 0
                                    

bawal magwalis sa gabi

ayon sa pamahiin....
bawal daw magwalis sa gabi..
dahil lalabas daw ang swerte...

naniniwala ba kayo?

sa kwento na inyong matutunghayan ay ang paniniwalang ang bawat paglabas ng swerte ay ang siya namang pagpasok ng malas....

at ito ang kwento....

alice anak!?!...
sinasabi ko sayo wag kang magwawalis sa gabi...
sita ni Aling tibeng sa anak...

ay naku nay!..ayan na nman kayo sa mga pamahiin niyo...
ano bang meron pagnagwalis ako sa gabi...
nilalabas ko yung dumi...
sagot ni Alice sa ina...

ay naku ang tigas talaga ng mga ulo ninyong mga bata kayo!...
o siya..at aalis na ako...
dumalaw lang ako sa inyo ng mga apo ko...
Hoy! Alice anak tandaan mo walang mawawala kung maniniwala ka sa mga pamahiin...at isa pa totoo ang mga pamahiin...ay naku bahala kayo kung mamalasin kayo...basta hindi ako nagkulang na pagsabihan kayo!..
wika ni Aling Tibeng naumalis na!...

sa paglabas ng ina ay isinara na ni Alice ang pintuan...

sinilip niya sa kwarto ang mga anak na mahimbing ng natutulog...

panggabi sa trabaho sa isang pabrika ang asawa niyang si Efren

nagtungo na siya sa kanilang silid mag-asawa...

kakahiga pa lamang ni Alice ng may narinig siyang ingay sa may sala...

agad siyang bumaba sa pag-aakalang ang mister na niya ito...

ngunit ng pagbaba niya ay bigla na lang umihip ang malamig na hangin...

nakikita niyang nagsipasok ang mga alikabok at mga tuyong dahon na galing sa puno na naroon sa kanilang bakuran...

tila ba may kakaibang pakiramdam si Alice...

palapit na siya sa pinto at akmang bubuksan na niya ang pinto ng biglang may humawak sa balikat niya mula sa likuran...
napamura at napahawak sa dibdib niya si Alice...

at nagsalita ang panganay nitong anak na si Adrian..

Nay ano pong ginagawa niyo dito...bakit hindi pa po kayo tulog...
at tsaka bakit ang daming dumi...?

nakahawak parin sa dibdib niya si Alice...

anak ginulat mo kong bata ka...
akala ko kasi naandito na ang tatay mo...
ikaw bakit ka nagising...?
paliwanag ni Alice sa anak....

iinom lang po akong tubig...

Pagkatapos uminom ni Adrian ay nagtungo na sila sa mga kwarto nila...

ngunit nakakaidlip pa lang si Alice ay may narinig na naman syang ingay sa may sala...

muli ay bumaba siya at tiningnan kung ano ito ...

sa pagbaba niya ay may narinig siyang kaloskos sa labas ng pintuan... At palapit siya sa pintuan ay umihip muli ang malamig na hangin ngunit hindi na mga dumi ang pumasok mula sa pinto kundi usok...

nakaramdam na ng takot at pangingilabot si Alice...

ng bigla na lang bumukas ang pinto at naramdaman ni Alice ang malakas na hangin at nagliliparang mga tuyong dahon...

ngunit ng tumigil ang pag-ihip ng hangin ay isang misteryosong lalaki na nakasuot ng itim na damit na natatakpan na ang mga kamay at paa...
at may hawak hawak itong malaking Garet o pantabas ng damo...

at ng tingnan niya ang mukha ng lalaki ay napaatras siya...
nakakatakot ang itsura ng lalaki...
dahil bungo lamang ito...

sumisigaw si Alice ngunit walang boses ang lumalabas sa sigaw nito...
unti-unting lumalapit sa kanya ang lalaki...

hindi na makagalaw si Alice na napaupo na sa sahig...

nakatingin lamang siya sa lalaki na nasa harapan na niya at nakatayo...

narinig niya ang malakas na tawa ng lalaki,tawa na parang galing sa kailaliman ng lupa....

at naramdaman nalamang niya ang dala nitong garet na humiwa sa leeg niya..

bumagsak sa sahig ang ulo ni Alice nakadilat pa ang mata nito
at nakawalwal ang dila...,

kinaumagahan ay dumating na si Efren..pagbukas nito ng pinto ay bumungad sa kanya ang kalat ng mga tuyong dahon...at sa pagpasok niya ay may naapakan siya at ng tingnan niya ito ay ang ulo ito ni Alice...nabitawan niya ito sa gulat...at napasigaw at napaupo ito sa kinatatayuan nito...

agad na nagsibaba ang dalawa nilang anak galing sa kwarto sa taas...at gulat na gulat sa nasaksihan...
nakikita nila ang katawan ng ina at ang pugot nitong ulo...
agad sila na lumapit sa ama at yumakap...

,..,,...

.......wakas.........

magwawalis ka pa ba sa gabi?
kung si Kamatayan ang mismong magpapaalala sayo sa pamahiin na bawal magwalis sa gabi....

sana ay naibigan niyo!!!

PAMAHIINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon