Chapter 22

1.3K 61 16
                                        

Hello! While writing, I'm overthinking if the scenes might be too fast-paced and feel rushed. I'm actually just following the rough draft I made for the chapters, don't focus on the timestamps for now. Revisions will be made once I'm done writing the whole story!

Bravery

I never thought this day would come.

If I were to look back and look at my younger, fragile, and scared self, hindi ko aakalaing iisang tao lang kami.

But then, I know that there are still a lot of things that I have to consider. There are still a lot of people I have to talk to, to open up.

At isa na roon ang kausap ko ngayon.

"Ano ba? Ang aga-aga," reklamo ko kay Reis na bigla nalang akong tinawagan, alas singko pa ng umaga!

"I'm just calling you to invite you to my halloween party!" Excited niyang sagot habang ako ay pumipikit-pikit pa at pinapatay na siya sa isip ko.

Baka siya 'tong gawin kong decoration ng halloween, e, malapit na nga mag-February!

"Ano'ng halloween?" Takang tanong ko. "Valentine's day na nga next, next week, ah? Na-stuck ka ba sa November?"

"Dude," he grunted at my response. "Where's the fun when it's all just love and cringe moments? Of course, I have to think of a more fun way to celebrate Valentine's Day!"

"At talagang halloween party pa ang naisip mo? Sa totoo, ghinost ka ba?"

Kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong ngumingiwi na siya sa sinabi ko.

"Ako ang ghoster, Xiel!" Reklamo niya. "Anyway, back to the topic. You are required to attend, alright? The venue is at the mansion. You can invite your friends also!"

Wala nalang akong nagawa kun'di ang tumango. Ewan ko ba kung ano'ng trip nito sa buhay pero mukhang trip din naman ng iba dahil naging usap-usapan na ang party ni Reis sa mga sumusunod na araw.

"Reis?" Kio asked, his forehead creased. "Valera? Pupunta ka ba, Xiel? Magkakilala kayo n'yan, 'di ba?"

I nodded at Kio. Maingay din naman ang pangalan ng grupo nila. Mukhang alam niya dahil madalas akong kasama sa mga stories ni Reis sa social media. At saka, alam naman niya ang sa amin ni Ryx. It's obvious if you connect the dots.

"Sama rin kayo," I told him. "In-invite ko rin sina Theo at Everett."

Tumango-tango siya. "I'll think about it. Hindi pa ako sigurado kung pupunta sina Theo..."

Speaking of Reis, may balak pala akong kausapin iyon kaya naman ay nagpaalam ako kay Kio na mauuna na.

Reis was busy taking photos of our food the moment it arrived. Sobrang chill lang ng gago habang kinakabahan na ako rito sa upuan ko.

As I've said, ngayon lang namin pag-uusapan 'to. At sobrang laking parte ng buhay ko 'tong isang 'to kaya bago ko aminin sa sarili ko na kaya ko na, gusto ko munang aminin dito.

"May sasabihin ako," paninimula ko habang patuloy siyang nagpi-picture.

Nanlaki ang mga mata niya, tinago ang phone, at agad na bumaling ang tingin sa 'kin.

"Why? Are you finally transferring to my school?"

"Ha? Hindi."

"Oh, ano pala?" Hindi pa ako nakakasagot ay suminghap na siya at inunahan ako. "Are you finally choosing to live in our house instead?"

Takang-taka na akong tumingin sa kanya. "Ha? Gago, hindi. Bakit ko naman gagawin iyon?"

Napasimangot naman siya sa sinagot ko sa kanya. Hindi pa rin ako tinitigilan nito na gusto niyang parehas kami ng school at ng bahay, e.

In Between Calms and StormsWhere stories live. Discover now