Follower
"I received five hundred pesos, your change is four hundred ten. Thank you for your purchase, sir."
"Thank you." I held the pack of bread that I just bought. Gusto ko ng mga desserts, pero nag-crave ako ngayon ng tinapay kaya dumiretso ako rito sa isang local na bakeshop.
"Shit naman," mura ko nang makitang umuulan na pagtingin ko sa labas. Ang init-init pa kanina nang pumasok ako rito! Hindi man lang iyon inabot ng isang oras!
Hindi pa naman ako nakapagdala ng payong dahil hindi naman ganoon ka-layo mula sa condo 'tong bakery. Worse, 'yung convenience store ang malayo! Saan ako bibili n'yan?
I was about to get my phone from my pocket so I could just book a taxi when I saw someone familiar.
"Lord, alam kong mahal mo ako pero bakit naman ganito?" Bagsak ang balikat kong bulong at lumapit kay Ryx na may ginagawa sa phone niya.
Mag-isa lang siya kaya hindi na ako nagdalawang-isip lumapit sa kanya. Alangan namang lakarin ko ang ulan—bagyo na nga ata!
I tugged his shirt and he immediately looked up, startled.
"What—"
"Pauwi ka na ba? Pwedeng makisakay?" I bit my lower lip.
Hindi ko alam kung paano ako nakapunta sa sasakyan niya o kung bakit siya pumayag. Basta ay pinaghintay niya lang ako at kinuha ang sasakyan niya, then I entered, still biting my lip out of... I don't know.
Tang-ina talaga ng ulan. Sabi ko pa naman last na 'yung nakisakay ako galing school!
Our ride was short and quiet. Hindi na rin ako nagsalita at baka kung ano ang masabi ko. If this were a different scenario, I would've already judged the shit out of him!
Mabilis kaming nakaabot sa harap ng condo. As in, sa entrance kung saan hindi na naabutan ng ulan.
I cleared my throat. "Thanks—"
He cut me off by showing his phone. My forehead creased when I saw that it was his Instagram profile.
"Ano'ng gagawin ko d'yan? Ire-report?"
He looked offended.
"What? No. Follow me," he said, and even moved the phone towards my face. "I'll accept that as a thank you."
I tsk-ed at iniwas ang kamay niya. Umawang ang labi ko pero parang seryoso naman siya.
Labag sa loob kong kinuha ang phone ko at in-open ang Instagram app na matagal ko nang hindi nabuksan, ni hindi ko nga alam na naka-install pala 'to sa phone ko.
I glared at him before clicking the follow button. Hindi na ako maghihintay na if-follow back ako ni gago. Alam ko naman ang ginagawa niya.
"Ang childish mo naman, tol." Reklamo ko. He scoffed pero hindi siya sumagot. "Ang taas ba ng pride mo at gagawin mo talaga akong follower? Ano, for public display?"
He gave me a smirk and shrugged, pinasok na ulit sa bulsa ang phone nang makitang finollow ko na.
"I mean..." he trailed and looked outside. Sobrang lakas pa rin ng ulan at malakas na 'yung hangin. "You would've got soaked if it weren't for me."
I rolled my eyes manly and took my seatbelt off. Pwede naman akong mag-Grab! Kaya nga lang, ang mahal!
"Thanks, huli na nating pagkikita 'to ngayong araw."
I even heard him chuckle after I walked out of his car and marched towards the entrance of the building. Alam kong 'di niya ako maaabutan kasi magpa-parking pa 'yon.
YOU ARE READING
In Between Calms and Storms
RomanceRyx's city life was flawless, like a glass tower untouched by storms. Though messy at times, it was still perfectly his. But when Xiel came, a boy from the province, he became a contradiction dressed in calmness - an imperfection that felt dangerous...
