Chapter 16

1.7K 66 3
                                        

Comments

Today was the last day of our semestral break, meaning, ngayong araw din kami uuwi.

Busy si Ryx sa pag-iimpake ng mga gamit niya, habang nakikipaglaro ako sa kapatid ko. I didn't bring that much since I left some of my clothes here, ang tanging dala ko lang talags ay pasalubong.

Kahit saan talaga ako magpunta, may dala-dala talaga akong pagkain o bagay galing sa pinuntahan ko. I guess it just shows the differences between a province and a city.

May mga pagkain at bagay sa siyudad na wala sa probinsya, and vice versa. That's why people from the province would ask for pasalubong if you're going home from the city—at ganoon din sa siyudad na gusto ng mga lokal na pagkain tuwing galing ka sa probinsya.

"Ma..." I called and turned to Mama who was busy washing the dishes. "Ako na r'yan."

Kanina pa kasi siya umuubo kaya hindi ko mapigilang mag-alala.

"Kuya! Let me borrow your iPad nga!" I handed my iPad to Xia instantly.

"Okay lang ako rito, anak. Malapit na rin matapos," she turned to me and smiled.

Bumuntong-hininga ako at tuluyang lumapit sa kanya. Hindi pa nga rin maayos ang kusina namin at medyo may kailangang pang trabahuin.

"Ma—"

"Nga pala," tumalikod siya at pinunasan ng towel ang kamay niya. "Hindi ba't due mo na rin next week sa condo mo ngayong buwan? Sa susunod na araw pa kami makakapagpadala ng Papa no."

"Ma..." I gulped. "Pwede naman na hindi na muna ako—"

"Axiel," she called and sighed. Dumako ang tingin niya sa kapatid kong naglalaro sa iPad ko. She smiled softly at the sight.

"Alam ko na nag-aalala ka sa amin dito. Pero hindi naman tayo naghihirap, anak. Kayang-kaya naman namin ng Papa mo."

"Pero, Ma—"

"Mas magiging maayos ang pakiramdam ko kapag alam kong nasa maayos na kalagayan ka roon, anak. Lalo na't mag-isa ka lang," she cut me off and held my hands tightly.

"Paano kung doon ka nga sa mga lugar na hindi nga mamahalin pero delikado naman?"

Wala akong magawa kun'di ang tumango. My heart warmed but at the same time, it ached.

Nang dumating ang eksaktong oras ay hinatid kami ni Papa sa terminal patungo sa pier. Gusto pa nga sumama ni Xia kaso ay matagal-tagal pa ang byahe.

Wala ako sa sarili lalo na't nasa isip ko pa rin ang pag-uusap namin ni Mama. I didn't have any energy during the travel.

Nakatulog ako kaagad sa jeep, at nang magising ay gulat na gulat ako nang nakasandal pa ako sa balikat ni Ryx. It looks like he didn't bother, though, but I did!

I instantly stood up, cleared my throat, and looked around. Mabuti nga at dumating na rin pala kami.

"Nandito na tayo."

"Hi, friends! Did you miss us?" Everett loudly greeted us when we reached their table.

The moment I arrived at the city, my first plan was to enroll for the second semester with Kio. Gusto niya kasing magka-klase pa rin kami kaya't kahit nandito lang siya ay talagang hinintay niyang makabalik ako para magkasabay kami.

Kaya naman kinabukasan nang makabalik ako, I immediately went to school with Kio. Hindi ko na rin nakita si Ryx simula noong dumating kami rito kahapon.

The enrollment process didn't take that long, so we still had time. Surprisingly, nagkatugma ang mga schedule ng mga kaibigan namin kaya naman nagkita-kita kami ulit sa coffee shop.

In Between Calms and StormsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang