[64] #100STHHOneBigFIGHT

Start from the beginning
                                    

"CAN'T YOU UNDERSTAND WHAT 'GET OUT' MEANS?!" Tama na. Enzo, tumigil ka na. Wag kang sumigaw.

"DO I HAVE TO SAY IT IN TAGALOG?! UMALIS KA!!! HINDI KITA KAILANGAN DITO!!!"

Pumitik na ako. Sobra na. Sobrang sakit na. Tama na.

"Anong ibig mong sabihin ha?! Na bobo ako? Na hindi ko naiintindihan yang pagiingles mo ha?! Oo alam ko yung get out! Naiintindihan ko yun! Hindi mo na kailangang tagalugin!" Sigaw ko pabalik.

"Naiintindihan mo pala eh bakit hindi ka umalis ha?! Ang kulit mo! Doctor ka ba?! Anong alam mo?! HINDI KITA KAILANGAN DITO!!!" Pumatak yung luha ko.

"Ano bang problema mo ha, Enzo?! Bakit ka nagkakaganito? Tama na please." Malambing na sinabi ko habang umiiyak. Tama na kasi, Enzo. Ayokong magalit sa'yo.

"Ikaw ang problema ko! Gusto kong magpahinga!! Ginugulo mo lang ako! Umalis ka na! Ayaw kitang makita!" Sigaw na naman niya. "UMALIS KA NA!!!"

"TAMA NA!!! Wag ka ng sumigaw! Punong puno na ako! Ilang araw mo na akong ipinagtatabuyan! Bakit? Dahil wala akong magawa para pagalingin ka?! Oo! Wala talaga! Hindi ako doctor! Pero... PERO NAGAALALA AKO OKAY? KAYA WAG MO AKONG PALAYUIN! HINDI KO KAYA!"

"Hindi ko kailangan ang pagaalala mo. Please, umalis ka na." Pero noong sinabi niya yun hindi na siya sumisigaw. Malamig. Distant. Parang hindi niya ako kailangan. Ni hindi nga siya makatingin sa akin.

Bakit naging ganito? Noong isang araw naman masaya kami ah? Noong nasa Cebu kami ibang iba. Bakit... Bakit naging ganito?

Tumakbo ako papalayo sa bahay niya. Nakita ako ni Tita Rina, itatanong sana kung bakit pero alam kong noong nakita niya akong umiiyak naintindihan niya na nagalit na naman si Enzo, nagwala na naman siya.

Tumakbo lang ako palabas. Umiiyak. Wala na akong pakialam sa mga taong tumitig at tumuturo sa akin.

Hanggang sa may narinig akong tumawag sa akin. Kilala ko yung boses nay un.

"Why are you crying?" tanong niya. Pagharap ko sa kanya hindi ko na napigilang umiyak. Niyakap naman agad niya ako sabay hinaplos ang buhok ko. Mico.

"Tell me, please. Why are you crying. What happened? Oh my go—Is Enzo—" Nanlaki ang mata niya kaya naalarma ako! Hindi! Hindi pa!

"Hindi. Hindi pa siya patay." At alam kong nakahinga siya ng maluwag. Ang hirap na lahat kami hindi mapalagay.

"Then why are you crying? Anong nangyari?" Tanong niya. Siyempre tungkol kay Enzo kasi nasa labas lang ako ng bahay nila. Umalis ako sa yakap.

"Galit na galit na naman kasi siya eh. Pinagtabuyan niya ako. Ayaw daw niya akong makita. Hindi daw niya ako kailangan tapos nagsisigaw na siya. Medyo masakit lang." Nginitian niya ako.

"Ako, kailangan kita." Sabi ni Mico. Napangiti ako. Hinawakan niya ang mukha ko sabay pinunasan ang mga luha sa pisngi ko. "Pero alam kong mas kailangan ka niya. Alam mo naman yun hindi ba?" Napa oo na lang ako. Alam ko, alam naming dalawa.

"Hindi naman ako nasasaktan dahil sa sinigawan niya ako o sinabi niyang hindi niya ako kailangan. Wala akong pakialam. Kahit hindi na niya ako kailangan kukulitin ko pa rin siya. Hindi ko pa rin siya iiwan. Kahit ipagtabuyan niya ako, babalik at babalik pa rin ako sa kanya, Mico. Kasi... Ganoon ko siya kamahal. Hindi ba?" Napangiti siya.

"Alam ko. Alam ko." Sinabi niya yun na parang may lungkot sa mata niya kaya lumayo ako ng konti sa kanya, baka nasasaktan ko na naman siya.

"Hope." Tawag niya.

"Ano yun?"

"Wag mong kalimutan na nandito lang ako. Kahit iwan ka ng lahat, kahit pagtabuyan ka ng lahat, nandito lang ako." Napatitig ako, lalo akong naiyak. Bakit ba kasi hindi na lang si Mico yung minahal ko? Eh di sana madali na lang ang lahat? Pero wala eh. Hindi naman namimili ang puso.

"Pahug naman ako oh? Namiss kita eh." Sabi niya. Ngumiti ako tapos tumakbo papalapit sa kanya. Tapos niyakap ko siya. Namiss ko din 'tong isang 'to.

Maya maya pa may umubo sa may likod namin. Pagtingin naming dalawa ni Mico, nakatayo ang isang payat, namumutla at nanghihinang Enzo.

Napatahimik ako kasi naiinis pa rin ako sakanya, pero hindi ko talaga kayang magalit sa kanya kahit anong gawin niya kaya nagsalita ako.

"Bakit ka nandito?" Napatingin siya kay Mico at sa kamay nito na nasa may balikat ko.

"Alam kong lagi kong sinasabi na kapag nawala na ako si Mico lang ang lalaking papayag ako na mahalin mo... Pero, Hope. Nandito pa ako. I'm fighting for you."

"Anong gusto mong iparating ha? Ipapaalala ko lang sa'yo na ikaw ang nagtaboy papalayo sa akin."

"At ipapaalala ko rin na sinabi mo sa akin na kahit anong mangyari hinding hindi mo ako iiwan. Pinanghahawakan ko yung pangako mong yun. Pero anong nangyayari?" Sinamaan naman niya ako ng tingin, at si Mico tapos pumasok na siya sa loob.

Napanganga na lang ako doon. Anong nangyari?! Nagalit siya? Dahil kasama ko si Mico!? Bakit sobrang babaw niya?! Seryoso ba siya? Si Mico 'to! Hindi ba niya naiintindihan na sa lahat ng tao wala siyang karapatan magalit kay Mico kasi siya ang nagparaya para sa kanya.

"Hey, are you okay?" Tanong lang sa akin ni Mico. Mukhang concerned.

"Okay?! HINDI! Hindi ako okay. Anong nangyayari kay Enzo ha? Bakit ang babaw niya? Nagagalit siya sa'yo kasi yakap mo ako?! Akala ko ba naiintinidihan niya yung sitwasyon natin?! Siya ang nagtaboy sa akin palayo tapos ngayon magagalit siya?!" Bigla namang hinawakan ni Mico yung balikat ko.

"Hope, Enzo's going through a lot right now. Tayo ang dapat umintindi sa kanya."

"Hindi eh, nanandya na siya eh. Hindi niya pwedeng gamiting excuse yung may sakit siya! Kapag magagalit siya, kapag magseselos, kapag magtatantrums ano? Okay lang? Bakit? Kasi may sakit siya?!"

"Stop! Do you think ginusto niya yun? Sa tingin mo ba gusto niyang magkaroon ng sakit? Hope, hindi! Madaming pinagdadaanan si Enzo! Hope, may nararamdaman siya na hindi natin nararamdaman. Everyday he's struggling. He's just saying that he's fighting, pero alam ba natin kung gaano kahirap ang lumaban? Hindi. Kaya wala tayong karapatang magalit sa kanya."

At napatahimik na naman ako ni Mico. He's always the bigger man. The same old understanding Mico. Sobrang nakakatawa kung paanong nagevolve siya. From the old bully Mico na walang pakialam sa iba, sa Mico ngayon na mas inuuna ang iba kesa sa kanya at iniintindi yung sitwasyon ng lahat bago gumawa ng bagay. Proud ako sakanya. Siguro... blessing in disguise talaga 'tong si Enzo. Kasi lahat kami... lahat kami nagmamature.

"Oh ano napatahimik ka no? Minsan kasi slow ka na nga engot ka pa." Balik asar niya.

"Minsan hindi ko alam kung mature ka o nagpapanggap ka lang."

"You won't know coz I'm mysterioussss." At talagang ang lala ng 'ssss' niya, nahiya ata lahat ng ahas sa mundo. At oo ikaw kung ahas ka, tigil tigilan mo na yan. Lubayan mo ang taong naka in a relationship. Humanap ka ng sa'yo.

Matapos kong kumalma may tumawag kay Mico. Nagmouth ako ng 'Sino' sabi naman niya si Venice daw. Nakinig na lang ako sakanya. Oo lang siya ng oo tapos binaba na niya.

"Oh anong sabi?"

"Tinatanong kung ready na daw ba tayo."

"Ready saan?"

"Bukas na daw yung alis natin eh."

"Huh? Saan na naman tayo pupunta?"

"Sa resort ng friend ni Tita Rina. Sa sinasabi ni Enzo. Tres Gwapitos' Day bukas."

Oh patay. What is awkward? Ay ewan bahala siya.

100 Steps To His Heart [Published Book]Where stories live. Discover now