[64] #100STHHOneBigFIGHT

Start from the beginning
                                    

"Sinusubukan ko." Ang mahinang nasabi na lang ni Enzo. Napatahimik kaming lahat.

Malungkot. Masakit.

Pero hindi lang yun ang dahilan kung bakit ako nalulungkot at nasasaktan. Ilang linggo ang lumipas matapos ang usapan namin tungkol sa anniversary ng Tres Gwapitos. Palagi kong binibista si Enzo kasi...

Kasi lumalala yung sakit niya. Araw araw, nahihirapan daw siyang huminga. Nararamdaman daw niya na minsan dumidilim ang paningin niya. Wala siyang ganang kumain kasi nahihirapan siyang gumalaw tapos yung kinakain niya palagi niyang sinusuka, minsan nakahiga lang siya sa kama kasi nahihilo siya. Ang pinakamalala, sa halos dalawang linggo na puro ganoon, naka tatlong heart attack si Enzo. Nakatatlong beses siyang sinugod sa hospital. Sabi ng doctor yun daw talaga yung symptoms ng ARVD. Ibig sabihin daw kasi unti unti ng... pati yung right ventricle ng puso niya nagbabara.

Pinipilit kong maging masaya, kapag kasama ko si Enzo lagi lang ako nakangiti kasi ayokong makita niyang pinanghihinaan ako ng loob. Palagi akong nasa bahay nila, sina Tita Rina at Tito Kenzo nagstay na muna dito sa Philippines kasi malapit na nga ang graduation namin kaya dito nila chinecheck up si Enzo. Si Renz naman noong una sobrang sungit, pero dahil araw araw kaming magkalaro kapag ginagamot nina Tito at Tita si Enzo naging malapit kami sa isa't isa na minsan nga tumatawag pa si Renz sa bahay namin kapag hindi ako bumibisita sa kanila. Masaya naman kasi pakiramdam ko parte agad ako ng pamilya nila. Yung sakit ni Enzo yung naging way para maging close at makilala ko agad ang pamilya niya.

Pero... Sa totoo lang... Ang sakit. Ang hirap.

Araw araw hindi ako makatulog ng ayos, natatakot ako na baka biglang tumawag sa akin si Tita Rina o Tito Kenzo na hindi na kinaya ng puso ni Enzo. Nasasaktan akong makitang nahihirapan si Enzo. Wala na atang laman ang katawan niya kung hindi gamot. Lahat naman ng kinakain niya isinusuka niya. Kapag tinuturukan siya ng kung ano ano ako ang nahihirapan. Pumayat na rin siya. Siya pa rin ang pinakagwapong nilalang sa mundong 'to para sa akin, pero pumayat siya, mukha siyang pagod. Napapansin ko rin na minsan na lang talaga siya magsalita at kung magsasalita man siya napapansin ko kung gaano kahirap siya huminga. Para bang laging pagod, parang laging hinihingal.

Minsan din may mga araw na sobrang moody niya. Palagi siyang galit, minsan wala sa mood kumausap ng tao. Minsan ayaw niya akong papasukin sa kwarto niya kasi ayaw daw niya akong makita. Minsan pati sina Tita Rina sinisigawan niya.

Hindi na rin kami masyadong makapagusap. Hindi ko na naman alam kung anong nararamdaman niya. Ayoko ng ganito. Pero paano? Paano ko mababago?

Ngayon nandito ako sa labas ng kwarto ni Enzo. Sabi ni Tita Rina tinotopak na naman daw siya at ayaw niya akong makita, pero ito ako nagpupumilit. Wala na rin namang magagawa sina Tita kaya pinaakyat na nila ako dito.

Kumatok ako. Walang sumasagot. Ito na naman. Ito na naman yung kaba ko kapag hindi ko siya makausap, kapag hindi ko siya nakikita. Natatakot ako na baka may mangyari sa kanya.

Kaya nilaksan ko ang katok ko, at tinawag ko ng tinawag ang pangalan niya. Hanggang sa buksan niya. Pagbukas niya nagulat ako. Ilang araw ko na ba siyang hindi nakita? 1? 2? Pero bakit... Bakit nagbago ang itsura niya? Ang putla niya, ang gulo ng buhok niya. Makikita mo na ang mga eyebags niya, at pumayat na naman ba siya?

"WHAT'S YOUR PROBLEM?!" Sigaw niya agad sa akin. Hindi ko na pinakinggan, dumeretso ako sa kwarto niya. Lumapit agad ako sa table, hindi na naman niya kinain yung pagkain niya.

"Enzo, bakit hindi mo na naman 'to kinain? Manghihina ka. Kailangan mong kumain." Malambing at mahina kong sinabi.

"Get out, Hope! I don't want to see you! Please!" Sigaw na naman niya pero hindi ko pinansin. Lumapit lang ako sa kama niya at inayos yun. Noong maramdaman niya na hindi ako nakikinig lumapit siya sa akin.

100 Steps To His Heart [Published Book]Where stories live. Discover now